E P I L O G U E

6K 261 95
                                    

Chace's POV

Sabi nila patience is a virtue, malaki naman ang paniniwala ko doon. Limang taon na nga akong naghihintay eh, pero ngayon di na ako katulad nung unang tatlong taon ng paghihintay ko.

Ngayon, sigurado na akong may makukuha ako sa paghihintay ko. Alam kong di ako naghihintay ng para sa wala. Kampante ba akong uuwi ulit ng Pilipinas kung di ako sigurado?

"Iintayin mo talaga ako?" tanong ni Key sa akin.

"Tinatanong pa ba iyan?" nginitian ko siya. "Tandaan mo, di na talaga kita pakakawalan pa"

'Yun 'yung huling usapan namin ni Key bago ako kami bumalik sa Pilipinas. Tatapusin daw muna niya yung pag-aaral niya kaya ayos lang sa akin, ganun rin naman ako eh.

Pero simula rin noon ay mas nagkaroon kami ng komunikasyon ni Key, madalas siyang mangamusta at ganun rin ako sa kanya. Ang kaso nga lang, wala pa rin kaming commitment. Masasabi na rin na nangliligaw pa lang ako.

Ngayon ay nagtratrabaho na ako. Kaka-graduate ko lang months ago pero sinwerte lang talaga ako. Napatingin ako sa cellphone ko at tiningnan ko ulit yung last picture na post ni Key.

"On my way home!"

Picture niya 'yun sa may airport, pauwi na talaga siya. Nag-offer ako na susunduin ko siya pero wag na daw dahil sigurado siyang maga-airport drama lang daw ulit kami. Ewan ko ba doon.

"Chace, tumulong ka kaya! Ginagawa mo lang kaming utusan dito eh!" reklamo nila Chen sa akin.

"Oo nga, baka nakakalimutan mo na para ito sa nililigawan mo" dagdag naman ni Audrey.

Nagpatulong kasi ako sa kanila na magplano ng welcome back party para kay Key. 'Yung café ni Gray ang ginamit naming venue para makamura. Nag-aayos kami dito habang yung parents ni Key at mommy ni Hero ang sumundo kay Key sa airport.

"Ayan na tutulong na, ako naman nagplano eh" reklamo ko sa kanila.

Puro kami may trabaho na ngayon, halos lahat sila may kanya-kanyang lovelife na nga eh. Ako na lang itong naiwan na waiting. Ang dami ngang unexpected na nangyari eh, si Gray at Elise ang nagkatuluyan tapos mas unexpected rin na pumayag si Audrey na magpaligaw kay Chen. Sila Marley, Lyah at Yancy ay may kanya-kanya na ring boyfriend at si Deo naman ay may nililigawan rin na mas bata sa kanya.

Basta to make the long story short, kapag magkakasama kami, ako lang ang walang partner. Out of place ako palagi, lalong-lalo na kapag nagyayaya na manuod ng sine 'yung barkada.

"Hoy! Andyan na daw si Key!" sigaw ni Gray.

"Ha? Ang bilis naman yata?" tanong ko naman.

"Bakit ayaw mo? Pababalikin kong US" sagot naman niya. Binato ko naman siya ng papel. Limang taon ko na ngang inintay tapos pababalikin pa niya ulit.

Narinig na lang naming bumukas yung pinto at nagtakbuhan na sila papunta doon. Ako naman naiwan dito dahil inaayos ko pa yung pagkain.

"Welcome back Key!" bati nila kay Key. Hindi ko nga man lang siya makita pa dahil nagkumpulan na sila doon.

"Grabe, ang hilig niyo sa surprise parties no?" narinig ko naman 'yung boses ni Key.

"Key ang ganda ganda mo na lalo! Mas maganda ang hangin doon no?" sabi naman ni Marley.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon