Curse the Hiccups

5.2K 247 54
                                    

Hero's POV

Nakakainis lang... sobrang nakakainis. Bakit sa sandaling oras na mawawala ako ay palagi na lang na may masamang nangyayari kay Key?! Una yung nauna akong umuwi, yun yung time na nakitulog siya kila Chace. Sunod naman yung kanina, kumuha lang ako ng gamit tapos pagbalik ko malalaman ko na lang na may grabe na palang nangyari?

Hindi ko alam kung nananadya ang panahon o sadyang malas lang ako... probably both.

Right now magkasama lang kami ni Key, ihahatid ko na lang siya sa kanila. Sabi naman niya wala daw ang mommy niya kaya ayos lang. Maaga pa naman, I might hang around in her house for a while, if she'd allow me to.

Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa bahay ni Key. Hindi ko na muna binalak magsimula ng conversation sa kanya since alam kong maraming bagay ang nasa isip niya. As much as possible, I want her to calm down for a while.

Di namin kasama si Chace ngayon. Alam kong pinuntahan niya sila Audrey kanina lang, gusto ko siyang samahan dahil punung-puno na rin lang ako sa mga yun pero syempre mas pipiliin kong samahan si Key.

I should just be thankful to Chace for doing it on my behalf, tatanungin ko na lang siya kung ano ang nangyari mamaya. Speaking of Chace, I owe him a lot. Sa times na wala ako, laging siya ang nandoon para kay Key. Siya yung nandoon palagi at the right time.

Kumbaga sa isang accident, Chace is the one to give the first aid to avoid further injury and I'm the doctor who'd do the healing.

"Gusto mo bang pumasok?" tanong ni Key. Di ko pala napansin na nandito na kami sa tapat ng bahay nila. Syempre tumango na lang ako, wala akong balak na iwanan muna siya. Anong klaseng manliligaw ako kung iiwanan ko na lang siya matapos ang ganung pangyayari?

Napansin ko naman na mukhang nagtaka si Key nung binuksan niya yung gate. "Hala" mahina niyang bulong.

"Bakit?" tanong ko.

"Bukas eh, may tao sa loob" sabi niya. "Di bale na nga, tara na"

Sumunod na lang ako sa kanya. Kung mom man niya yun, madali lang namang sabihin na hinatid ko lang si Key eh. "Sino 'yang kasama mo?" napahinto na lang ako dahil may nagsalita, at hindi yun boses ng mom ni Key.

"D-daddy, kailan ka pa po nandito?" nagulat na tanong ni Key habang lumapit siya sa daddy niya para yumakap.

I gulped, patay na. Di pa ako handang harapin ang tatay niya. "Kanina lang, day off muna raw ako sabi ng boss ko" habang niyayakap niya si Key eh napansin kong masama yung tingin niya sa akin. Sana nagdedeliryo lang ako.

"Di mo pa sinasagot 'yung tanong ko, sino yan?" tanong ulit ng daddy niya.

Humarap lang si Key sa akin, tapos sa daddy niya. Mukhang di niya alam ang isasagot niya, so mom lang niya yung nakakakilala sa akin... iba nga pala ang trabaho ng daddy niya.

"Hero po Mr. Guzman, kaibigan po ako ni Key" I tried my best to not look awkward. Parang weird na magpakilala na kaibigan.

"Weh?! Di nga?" Halos mapanganga ako sa naging reaksyon ng daddy niya. Pagtingin ko nakangiti pa nga siya eh, nasaan na yung intimidating aura niya kanina?

"Nako naman Hope, nagsisinungaling yata 'yung boyfriend mo. Hinatid ka sa bahay na dala-dala niya yung gamit mo tapos suot mo pa yung damit niya, tapos sasabihin niyang kaibigan lang siya? Sino niloko niyo?" natatawa pa niyang sinabi. Lumapit siya sa akin saka niya ako tinapik-tapik sa likod. "Tito na lang itawag mo sa akin, ayos lang" dagdag pa niya.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon