Like a Date?

6.7K 286 58
                                    

Key's POV

Ano ba ang pumasok sa isip ko? Damn. I screwed up, big time. Lalo ko na lang ginawang magulo ang mga bagay-bagay! Honestly kanina, hindi naman talaga si Audrey yung pinag-uusapan namin ni Hero eh. Nagkwekwento lang siya sa akin tungkol sa mga bagay na nangyayari sa bahay nila. Tapos nung dumating si Audrey, nagpaalam na nga sa akin si Hero dahil ayaw nga niyang makausap eto.

"Ikaw nga, napapansin ka kasi ni Hero and uhm... nagkwekwento lang ako sa kanya tungkol sayo. Nagpapakwento kasi siya bigla"

Biggest mistake, di ko akalain na ganun yung magiging reaksyon ni Audrey, na-guilty pa ako nung sabihin niyang 'best friend talaga kita'. Jusko, ano na lang ang gagawin ko?! Ang masama pa, kinwento niya kaagad sa iba. Lalo lang na lumala. Si Chace ang unang-unang nagalit sa akin dahil dito.

"Seryoso ka ba? Nagpakwento si Hero ng tungkol kay Audrey?" tanong niya kaagad sa akin. Umiling na lang ako.

"Ano ka ba? Bakit ganun yung sinabi mo? Paano na lang pag kumalat iyan? Masasaktan si Audrey kapag umasa siya Key" pagkatapos nun ay pumasok na lang ako sa room. Di nagtagal at sumunod na rin si Chace.

Ayun na nga, nahilo na lang ako sa kakaisip ng excuse na pwede kong sabihin kay Audrey, hindi ko naman pwedeng sabihin na lang sa kanya bigla na "Hi Audrey, joke lang yung kanina. Kami lang talaga ni Hero yung nagkwekwentuhan eh alam mo ba na ayaw niya sayo?" Damn. Lalo na akong nagui-guilty.

Lumabas na nga lang ako ng room para magpahangin at dumerecho ako sa school rooftop. "Ang tanga mo Key. Sobrang tanga! Di lang tanga, sinungaling pa!" sabi ko sa sarili ko. Isipin niyo ng baliw ako, pero kailangan ko ng paraan para mailabas lahat ng frustrations ko.

"Akala ko ba may pinag-usapan na tayo?" may iba na lang na nagsalita. Tss... don't tell me. May humawak na lang bigla sa balikat ko saka ako pinaikot, si Hero.

"Ano naman yun?" tanong ko sa kanya.

"Key, ano na naman ba ang sinabi mo kay Audrey?" tanong niya na para bang nai-irita siya.

"Wala" pagyuko ko.

"You're bad at lying Key. Di ko na lang alam kung bakit naniwala si Audrey sayo" sabi pa niya nilagay niya yung kamay niya sa bulsa saka siya sumandal sa pader. Matagal-tagal ko muna siyang tinitigan, medyo mahangin rin kasi kaya kita ko yung effect ng hangin sa kanya. Ah! Ang gwapo talaga!

"Nakikinig ka ba?" tanong naman niya, pero nakangiti naman siya.

"Paano mo naman nalaman?" tanong ko sa kanya.

"Chace told me, seriously pati ako nagawa mong idamay dito. Ano na lang ang sasabihin mo kay Audrey?" tanong niya sa akin.

"I'll figure something out. Hopefully" sabi ko, pero honestly, I have no idea kung ano pa ang gagawin ko.

"Teka lang Hero, sinundan mo pa talaga ako dito?" tanong ko naman sa kanya. Na-curious lang, di naman sa assumera ako eh. Slight lang.

Tinaasan lang niya ako ng kilay. "Tingin mo?" and with that, namula na yata ako. Kasi naman! Ang charisma... umaapaw!

"Balik na tayo, late na tayo parehas. Kung late man at least sabay na lang tayong kumuha ng tardy slip" sabi naman ni Hero. Ngumiti na lang ako saka kami nagpunta sa room. Magkatabi lang naman yung rooms namin kaya walang problema tungkol doon. Pero hindi ko maiwasan na kiligin kay Hero, gusto niya talaga sabay kami? Eto na naman ako, assuming talaga. Masasabi kong kaibigan ko talaga si Audrey eh, parehas kaming assuming.

"Walang tao sa room namin" sabi ni Hero. Pumunta naman ako sa room tapat ng room namin, patay yung ilaw at wala ring tao.

"Wala ring tao dito" sabi ko sa kanya.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon