The Conclusion

5.6K 254 48
                                    

Hero's POV

The day after na malaman namin na pasok kami sa finals, nag-start na kaagad kami ng practice. Key's orders of course, she's really determined to win. Doble yung practice namin since di nga gaanong sanay sumayaw si Chace so focused kaming turuan siya for his improvement.

"Alam niyo, okay lang naman sa akin kung di na ako magpe-perform. Mahihirapan kayong turuan ako, fast learner ako pero when it comes to dancing... ibang usapan na yun" sabi ni Chace. This guy... he's being too pessimistic, to make it all worse it has only been five minutes since we began at first three steps pa lang ang tinuturo ko.

"Chace, think positive lang. Magpeperform tayo ng sama-sama di ba? Kaya natin ito" sabi naman ni Key.

Nagbuntong-hininga lang si Chace, ever since yesterday mahahalata mo sa kanya na problemado siya. "Wag niyo ng isipin 'yung sinabi ng Prism tungkol sa akin, mas malaki ang pag-asa na manalo kung wala ako" well someone's thinking negatively.

"Pre, wag ka ngang nega. There is always a chance of winning, nasa sa atin lang yun kung paano mas mapapalaki yun. Kaya isipin mo na kaya mo, kaya mo naman eh. Ikaw lang mismo ang nag-iisip na di ka magaling" sabi ko sa kanya.

"Kaya please lang, umayos ka kasi gusto kong tulungan si Key na tapusin na yung away nila ni Audrey" dagdag ko pa.

Honestly, the whole Prism versus Key thing is getting tiring. Don't get me wrong, hindi ako nagsasawa na samahan at ipagtanggol si Key. Nakakainis lang kasi dahil hangga't di ito natatapos eh aapihin at aapihin nila Audrey si Key.

Hindi ko naman siya magawang maipagtanggol ng maayos dahil pangit tingnan kung may lalaking mangingialam sa away ng mga babae.

"Fine, pero walang sisihan kapag natalo ah" sabi naman ni Chace na para bang wala na siyang choice.

"Walang sisisihin kasi di tayo matatalo" ngumiti naman bigla si Key. "Kaya nga give it your all during practice para all out talaga sa performance" nakatingin lang siya sa aming dalawa ni Chace.

And I swear may kahulugan yung titig niya na yun. Yun yung tingin na nagsasabing 'umayos-na-kayo-dahil-pag-napahiya-tayo-ay-malalagot-kayo-sa-akin'. So I got to work, tinapos ko na yung paggawa ng choreo namin at agad ko ng tinuro sa kanila.

"Halimaw ka naman masyadong mag-choreo Hero, di ba pwedeng magsayaw na lang tayo ng madali. Take 'Boom Panes' as an example". Tumingin lang ako sa kanya gamit ang blankong ekspresyon and masasabi ko rin na ganung tingin rin ang binibigay ni Key sa kanya.

Lumapit sa kanya si Key saka niya kinurot yung magkabilang pisngi niya. "Sa tingin mo mananalo tayo kung ganun yung ipe-perform naten? Haaaaa?!!" Nakangiti man si Key pero gigil na gigil siya habang sinasabi niya yun.

"Aray aray aray! Oo na, kaya natin to, madali lang naman yung choreography eh, ala bang mas mahirap Hero?" sabi naman ni Chace habang pinilit niyang pumiglas kay Key.

Napangiti naman ako habang pinapanuod sila. Seriously, whenever I'm with these two I'm always entertained. Eenjoyin ko pa sana na panoorin si Key na kinukurot si Chace kaso naawa naman ako sa kanya, baka mamaga pa yung pisngi niya.

"Tama na yan Key, kawawa naman si Chace. Tara na mag-practice na tayo" sabi ko sa kanila. Automatic naman na bumitaw kaagad si Key kay Chace.

Tuloy tuloy lang kami sa pagpra-practice. Maikli lang naman yung dance routine namin pero kahit maikli ay hinirapan ko naman yung dance steps. Maya-maya ay napagdesisyunan na namin na magpahinga muna para makapag-lunch.

Sa bahay namin kami nagpra-practice since wala namang tao dito ngayon. Saturday is considered window shopping day ni mama kaya wala siya. Tapos nasa trabaho naman si dad. Si Gray... ewan, basta pagkakaalam ko wala siya during weekends.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon