Besties

6.4K 294 53
                                    

Audrey's POV

Start of a new day na ulit! Grabe excited na ako, gusto ko ng makita ulit si Hero! "Salamat manong!" sabi ko dun sa driver ko saka ako bumaba ng kotse. Papasok pa lang ako ng gate ay nakasalubong ko bigla si Chace. Ngumiti naman siya kaagad sa akin.

"Hi Audrey, sabay na tayong pumasok?" tanong niya.

"Sige" ngumiti ako sa kanya. Pumayag na lang ako, tutal pumopogi rin lang siya eh. Para na rin eto kay Key since alam kong may namamagitan nga sa kanilang dalawa, ang cute kaya nilang tingnan! Their height difference is just simply adorable!

Di ko nga lang ito inaasahan, habang papasok kami sa building namin ay napatingala ako. Totoo ba ito? Magkasama si Hero at Key, tapos nag-uusap sila? Mukha rin na parang komportable si Hero na kausap si Key kasi nakangiti pa nga siya eh, bakit pag ako ang kausap niya ang dalang niyang ngumiti? Unfair.

"HERO!!!" sigaw ko, parehas silang napatingin ni Key sa akin. Kumaway naman ako. Bigla namang lumayo si Key kay Hero. Tiningnan ako ni Hero saka siya kumaway, ni wala man lang ngiti?! Bakit ganun?

"Hi Audrey! Hi Chace!" bati naman ni Key sa amin. Kinawayan rin naman sila ni Chace.

"Tara na, baka sakaling abutan mo pa si Hero sa labas ng room" yaya naman ni Chace. I agreed, syempre. Dapat umaga pa lang sinisimulan ko na ang routine kong magpapansin kay Hero!

"Bye Hero!" yun na lang ang naabutan ko pag-akyat ko. Saktong kakapasok lang ni Hero sa classroom nila. Sinadya ba yun? I doubt it, baka may aasikasuhin lang siya.

"Ano yung pinag-uusapan niyo ni Hero?" tanong ko kaagad kay Key.

"Ah... eh... wala lang" lumayo siya ng tingin. I sense something fishy. May tinatago yata si Key sa akin ah.

"May tinatago ka ba sa akin?" tanong ko ulit sa kanya habang papalapit ako.

Tiningnan naman niya ako bigla. "Wala naman akong dapat itago sayo di ba?" sabi pa niya habang ngumiti siya sa akin. I'm not convinced.

"Eh wala naman pala eh, ano yung pinag-uusapan niyo ni Hero?" tanong ko ulit. Call me desperate pero napaparanoid ako. Hero and Key are getting way to close for my own comfort. I'm pretty sure na aware si Key na may gusto ako kay Hero.

Huminga siya ng malalim. "Ikaw" sabi pa niya.

"Ha?" sabay pa kami ni Chace na sumagot. Kasama ko nga pala si Chace.

Key rolled her eyes. "Ikaw nga, napapansin ka kasi ni Hero and uhm... nagkwekwento lang ako sa kanya tungkol sayo. Nagpapakwento kasi siya eh" napayuko siya bigla.

Oh my! Kinikilig ako!!! Si Hero? Nagpapakwento sa isa sa besties ko tungkol sa akin? Waaah, di kaya nahihiya lang kasi siya sa akin? Tumakbo ako papunta kay Key saka ko siya niyakap. "Key grabe, kinikilig ako! Hero fever again!" sigaw ko.

"Oo nga eh. Kinikilig ako para sayo" natatawa pa niyang sinabi.

"Grabe, best friend talaga kita" sabi ko sa kanya.

"Oh sige, iwan ko na kayo ni Chace ha" kinindatan ko siya saka ako umalis. Nung paalis ako nakita kong nagtatalo agad si Chace at Key. Ang cute! Umagang-umaga LQ kaagad?

Pagkatapos nun ay nagpunta na lang ako sa classroom. "Hi Audrey!" bati sa akin ng mga kaklase ko. Syempre I greeted them back, sweetheart ako for a reason. Nakita ko kaagad sila Yancy, Lyah and Marley kaya agad kong kinwento yung news sa kanila. Kinilig naman sila para sa akin, syempre we're sisters kaya!

"Pero paano na si Chace? Di ba nag-confess siya sa iyo? Sayang siya!" sabi sa akin ni Marley.

"Ha? Eh akala ko ba may gusto si Key sa kanya?" tanong ko naman.

"Actually alam ko wala eh, pero malay natin tinatago lang niya yun. Alam niyo naman si Key pakipot kaya nga NBSB yan eh" natatawang sabi ni Lyah.

Natawa rin ako dun. Naalala ko kasi si Key, ever since we helped her change and nung marami nang nakapansin sa kanya eh lagi na siyang awkward sa mga lalaking umaamin na may gusto sa kanya.

"Ano yung pinag-uusapan niyo?" ah, si Key pala nandito na.

"Kinwento ko lang sa kanila yung sinabi mo sa akin kanina" sagot ko naman. Bigla na lang namutla si Key. "Okay ka lang?" tanong ko.

Tumango lang siya. "Ayos lang ako" sabi naman niya.

"Nga pala guys, malapit na nga pala yung Student's Fair natin, may performance tayo di ba? Musta na ang pagprapractice niyo?" sabi ko sa kanila.

"Okay lang" sagot nilang lahat maliban kay Key na mukhang may malalim na iniisip.

"Hoy Key, ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Ha? Ano ba?" tanong niya pabalik.

"Key masyado ka yatang lutang. May problema ka ba?" tanong ni Yancy sa kanya. Umiling lang ulit si Key.

"Lalabas muna ako" saka siya umalis.

"Weird naman, ano kaya problema ng babaeng yun?" tanong naman ni Marley. Nung paalis kami nakita kong nakatingin si Chace kay Key at mukhang concerned ito. Nag-away kaya sila?

Maya maya ay dumating na si Ma'am Legaspi. Hala, wala pa si Key, ano kaya ang nangyari dun?

"Class, pupunta tayo sa AVR ngayon. Film analysis tayo, form a line outside. Class president take charge" sabi niya kaagad. Swerte na rin, hindi siya nag-check ng attendance. Etong si Key, last week lang nag-cutting siya. Huwag mong sabihin na magcu-cutting ulit siya today?

"Kasama niyo rin yung ibang sections kaya umayos kayo" paalala pa ni Ma'am.

Oh my! Kasama ang ibang sections! Yes! Ibig sabihin makikita ko si Hero. "Ma'am by section po ba ang ayos?" tanong ko naman.

"Kayo ang bahala, basta ba walang mag-iingay" sagot niya.

Napangiti naman ako bigla. Alam na this! Pwede kong makatabi si Hero! Umakyat na kami papunta sa AVR at kanya-kanyang pili na nga ng upuan. Nagpatulong ako kila Marley na hanapin si Hero pero mukhang wala siya. Siguro bumili lang ng drinks, malay natin?

"Wala pa si Key" sabi sa akin ni Lyah.

Napakamot ako bigla, nakalimutan kong wala nga rin pala si Key ano ba yan, busy ako masyado kay Hero at nakalimutan ko yung best friend ko.

"Siguro nasa clinic si Key, tingin niyo?" tanong ko sa kanila. Nakita ko naman na kakapasok lang ni Chace dito.

"Chace nakita mo si Key?" tanong ko sa kanya.

"Ah, hindi eh. Di ba lumabas siya ng room kanina?" sabi niya.

"Baka ma-miss niya etong buong period na eto" sabi ko naman.

"Di pa naman nagsta-start eh, gusto mo samahan kitang hanapin siya?" tanong pa niya.

"Ah... iniintay ko pa kasi si Hero eh. Pwede ikaw na lang?" mukha naman siyang na-disappoint sa sagot ko. Sorry Key, pero sana maintindihan mo. Minsan ko lang malapitan si Hero eh, uunahin ko muna siya for now.

"Huwag na pala, dadating rin yun" umalis na lang si Chace saka siya naghanap ng mauupuan. Nakita kong tumabi siya kila Chen, nagkaroon na nga pala siya ng mga kaibigan simula nung instant transformation niya. Astig rin eh. Now then... time to look for Hero.


Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon