Flirting Lessons

6.9K 299 62
                                    

Chace's POV

Ngayon lang ulit nagpakita etong si Key. Malakas ang kutob ko na magkasama sila ni Hero, buti na lang. Natutulad na siguro ako kay Key, kasi kaya ko lang naman talaga kinausap etong si Hero ay para samahan niya si Key. Baka sakaling magkagusto si Hero kay Key out of desperation na malayo siya kay Audrey. Nung nakita kong hinalikan ni Hero si Key, I was satisfied. Ibig sabihin madali na lang na magkatuluyan yung dalawa.

Problema ko na lang talaga kung paano ako magugustuhan ni Audrey. Wala yatang epekto yung pagbabago ko ng itsura sa kanya eh. Ang naiba lang eh pinapansin naman niya ako kahit papaano pero kapag nandyan si Hero, walang-wala talaga ako.

Idol ko na talaga yang si Hero. Bakit ba kasi ang lakas ng dating? Di ako bading ha, pero kahit naman siguro yung mga lalaki napapansin na nangingibabaw si Hero sa appeal. Kapag pinakuhanan ng group picture ang lahat ng lalaki, kahit nasa sulok man yang si Hero eh siya pa rin ang unang mapapansin. Ganun talaga eh.

Nakita kong nangongopya lang si Key nung gumagawa kami ng analysis, syempre wala siya nung nanuod kami eh. May naiisip lang talaga ako, ano kaya ang dinahilan ni Key sa kanila at naiwala sila agad-agad?

Maya-maya pa ay lunch na. "Key, you're not eating ba?" sabi kagad ni Lyah sa kanya. Tumango lang si Key kaya umalis na yung Prism sa classroom namin.

Nakadukdok lang sa desk niya si Key, naupo na lang ako sa tabi niya saka ko siya kinalabit. Dahan-dahan naman siyang humarap sa akin. "Bakeeeeeet?" para siyang naka-drugs, high ba ang babaeng eto?

"Ayos ka lang? Umayos ka nga para kang lasing" sabi ko sa kanya.

Natawa naman siya bigla. "Magkasama kasi kami ni Hero kanina eh at grabe kinikilig pa rin ako" bulong niya sa akin. Hala, may after shock rin ba si Hero? Sobra na ah.

"Yung bang hinalikan ka niya? Nakita ko yun, nga pala ano ang dinahilan mo kila Audrey?" tanong ko naman sa kanya.

"Nakita mo yun?!" nagulat pa siya ah, pasalamat nga sila at ako lang ang nakakita. Sa hallway ba naman mag-PDA? Tapos parang napahiya na siya.

"Oh bakit? Ayos lang yun, buti nga ako lang ang nakakita. Pero ano nga ba ang dinahilan mo?" tanong ko uley.

Lumapit lang siya sa akin. "Sabi ko natagusan ako at kinailangan ko pang labhan yung palda ko sa CR at intaying matuyo. Tapos sinabi ko rin na masakit yung puson ko kaya di ako makakilos ng maayos" bulong niya.

Di ko naman maiwasang matawa ng sobra-sobra. Nakakahiya yung dahilan niya pero at the same time convincing nga, kaya pala ganun na lang at naniwala kaagad sila Audrey.

"Kalokohan mo" sabi ko habang nagpipigil ako ng tawa.

"Kainis ka, napahiya na nga ako eh" sabi niya habnang tinakpan niya yung mukha niya.

"Di bale, bawing-bawi naman lahat kay Hero eh" nginitian ko siya. Ngumiti na lang rin siya.

"Oo nga" sabi pa niya.

"Maiba naman, alam ko na masaya ka na pero baka naman pwede na tulungan mo na ulit ako" sabi ko naman sa kanya.

"Oo nga no, sige mamayang uwian samahan sa rooftop tayo ah" sabi niya sa akin. Pumayag na lang ako, para sa akin rin lang kasi yun eh.

"Di ka ba kakain?" tanong ko sa kanya.

"Nagugutom nga ako eh, kaso nga lang titiisin ko na lang at baka magtaka sila Audrey" reklamo niya. Narinig ko naman na umungol yung tiyan niya.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon