Torn

4.1K 209 20
                                    

Chace's POV

Second day pa lang ng retreat pero umalis na ako kaagad sa seminar house. Hindi ko na mae-enjoy pa yung natitira naming activities para bukas, pero wala akong pakialam doon. Si Key lang ang inaalala ko at wala ng iba pa.

Ako, si Hero, Lyah at isa sa mga teachers namin ang mga nagdala kay Key sa pinakamalapit na ospital. Mabuti na lang at may sasakyan na dala-dala 'yung isa naming teacher kaya yun ang nagamit namin.

Halata sa aming lahat na puro kami nag-aalala kay Key, siguro nagtaka na lang yung ilan naming mga batchmates ng nakita nila na nagmamadali kaming umalis doon sa beach. Walang malay si Key ngayon, at hindi rin stable yung heartbeat niya at para rin na nahihirapan siyang huminga.

Ngayon eto kami, nasa labas ng emergency room at naghihintay lang ng balita. Nakaupo lang kaming lahat at iniintay na lang namin 'yung sasabihin ng doktor habang si Hero naman, natataranta ng sobra.

Siguro dahil nag-aalala siya ng sobra kay Key at responsibilidad nga daw niya si Key. Sinabi rin niya sa akin na tatawagan pa daw niya yung parents ni Key pagkatapos naming malaman kung ano na ang kondisyon niya.

We're just hoping for the best. Hopefully, it's nothing serious pero sa tingin ko ina-assure ko lang yung sarili ko.

Maya-maya ay lumabas na nga yung doktor sa emergency room. Agad-agad naman kaming puro nagsilapit sa kanya. "Kamusta na po yung estudyante ko doc?" tanong kaagad ni ma'am.

"Gusto ko lang sanang tanungin kung aware po ba kayo tungkol sa condition niya?"

Halata naman na mukhang naguluhan si ma'am sa tanong nung doktor. "Opo, alam po namin. Dati pa daw po niya 'yun sakit" sagot naman ni Lyah.

Tumango naman yung doktor. "As you know, her heart already has a valve defect. From the looks of it, it has gotten worse. Wala kasi kaming past records nung pasyente dito kaya hindi namin alam kung kailan pa siya nagkaroon ng ganitong sakit."

"Nung bata pa daw po siya, akala daw po nila ay galing na siya kaya po hininto na po nila yung pagpapagamot. Mga last month lang po ulit na-detect na bumalik na" sabi naman ni Hero.

Hiya na may halong gulat siguro yung nararamdaman ng teacher namin ngayon. Wala kasi siyang kaalam-alam sa lagay ng estudyante niya at gulat na rin siguro kasi di niya alam na seryoso na pala yung sakit ni Key.

"Gagaling ka Key, tutulungan kita. Basta pag nastre-stress ka o malungkot ka, punta ka lang sa akin. Stress reliever mo ako eh" biniro ko siya. "Ako ang magiging happy medicine mo" dagdag ko pa.

Naalala ko tuloy nung sinabi ko sa kanya yun. Paano ko naman magagawa yun kung si Key rin naman ang iiwas sa akin?

"Ah, sige po. Mabuti siguro kung i-contact niyo na yung parents niya para sila ang makausap ko. Right now, there's no need to worry. Her condition is stable, masyado lang siya sigurong napagod kanina o kaya na-overwhelm lang siya masyado. With her condition, chest pains and nausea are a normal thing. Napwersa niya siguro 'yung sarili niya masyado kaya nag-black out siya. Nakita rin namin na may sprain siya, namamaga 'yung paa niya eh" paliwanag pa nung doktor.

"Just give her enough time to rest and recover and she'll be okay" pagkatapos noon ay pinasalamatan na lang namin siya saka siya umalis.

Thank God, at least Key's okay now. 'Yun lang ang mahalaga, at least for now.

Nakita namin na nilabas na si Key sa emergency room, tulog pa rin siya at ililipat na yata siya sa magiging room niya dito. It pained me to see Key like this, mas gusto ko pa yung gising siya na binubungangaan niya ako kaysa naman 'yung ganito siya.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon