BASTED

9.4K 411 93
                                    

Chapter Two

Audrey's POV

I never thought the nerd would have the guts to fight back, lalo na at si Key pa ang hinarap niya. I honestly felt proud for him, abuso na rin si Key pero grabe rin eh. Alam ko na hindi niya alam ang story ni Key but di siya binigyan ng right na ganunin yung tao, the same thing goes for Key.

Pero tama lang siguro na pinagtanggol ko pa rin si Key, kapag nag-sorry si Chace, matatauhan rin siya kaya ayos lang. Umalis na kaagad si Chace pagkasabi ko pero parang nahinto pa rin yung mundo ng mga nandito.

"Guys don't mind them. Mase-settle rin yun. Sorry na lang for the scene" buti na lang nagsalita si Marley kaya okay na rin ang mga tao rito.

"Sa tingin ninyo, okay lang kaya si Key?" nagaalalang tanong ni Yancy.

"Oo, sumunod naman si Chace. Hopefully magiging okay ang lahat" sabi ko but truth be told hindi ko talaga alam. Key is a complicated person, seventeen pa lang siya pero masyado na siyang maraming pinagdadaanan. Sana lang mag-open up siya kay Chace.

"ARAY!" napasigaw na lang ako, kinukurot kasi ako ni Lyah. Ang sakit. Tiningnan ko na lang siya ng masama.

"Si Hero, palapit sa atin" bulong niya. Nawala lahat ng inaalala ko, paano ba naman kasi si Hero yan eh! Halos di na ako makahinga dahil sa sobrang excitement.

"Audrey, palapit siya sayo!" malakas na bulong ni Marley. Bigla ko na lang naramdaman na hinawakan ni Hero yung balikat ko.

"I was amused by your friend's show" bulong niya, tapos amoy na amoy ko yung pabango niya. Kaso nga lang umalis siya kaagad. OMG the Hero Torres just talked to me! Wala akong paki kung di naman talaga tungkol sa akin yung sinabi niya pero sapat na yun para kiligin ako ng sobra sobra. Hero Fever.

Chace's POV

Hingal na hingal na ako nung nakarating ako sa rooftop, tuyong tuyo na yung lalamunan ko at basang-basa na ako sa ulan pero pinilit ko pa rin na makasigaw. I know, cliché right? "KEY!"

Napahinto siya saka siya lumingon sa akin. Mukhang-takang taka siya. "Huwag mong ituloy please! Sorry kung hinusgahan kita kaagad. Kaya ako nandito ay para makinig. Kaya parang awa mo na huwag kang tatalon!" sabi ko. Tinalikuran lang niya ako saka siya yumuko. Humarap ulit siya sa akin.

"Hikaw" sabi niya na parang nagpipigil ng tawa.

"Eh?" yun na lang ang nasabi ko. Bigla siyang tumawa ng pagkalakas lakas. Wag mo sabihin na misunderstanding ko lang yun!

"Nahulog lang yung hikaw ko nung inayos ko, dahan dahan kong kinuha kasi baka mahulog" tumawa ulit siya. "Akala mo magpapakamatay ako?" sige, tawa ka pa.

Namumula na ng sobra yung mukha ko, buti na lang malakas yung ulan kaya di gaanong halata. Tumalikod ako at aalis na sana pero... "Salamat, kasalanan ko naman talaga pero nauna ka pang mag-sorry. Sorry din, titigilan na kita" parang naiba si Key, ganito ba talaga kapag napahiya ka? Naiiba ka bigla.

Tumango na lang ako saka pumasok ulit sa loob, sumunod na lang siya. "Sumama ka muna sa akin" sabi niya. Umiling ako, eto na naman, naputulan ulit ako ng dila. "Babalik ka ba sa classroom ng ganyan kang kabasa?" tinaasan niya ako ng kilay. Umiling na lang ako saka sumunod sa kanya. Cutting classes na kami pero mas matindi naman kung bumalik kami sa classroom ng basa. Sorry manong janitor, marami kang imo-mop.

Pumunta kami sa isang room. "Drama club room, maraming extra na damit diyan, magbihis ka na" masasabi mo nga na school pang mayaman etong Ashton eh, bakit? May mahigit na fifty clubs and orgs dito pero lahat ay may sari-sariling room tapos etong sa Drama club eh malaki pa at may walk in closet pa. Daming kaartehan.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon