Confrontations

5.5K 275 49
                                    

Key's POV

Sa wakas at nakatapos na rin kaming mag-perform, pumunta kami sa drama club room para magbihis na ulit. "Grabe, ang saya! Nakita niyo bang pumalakpak si Hero? Fan na rin siya ng Prism! Audrey, I think he's cheering for you girl" kinikilig na sabi ni Lyah.

"Akala niyo lang yun" sagot naman ni Audrey, naupo lang siya kaagad at mukhang bad trip pa. That's odd, usually kapag binabanggit si Hero automatic na masaya ang mood ni Audrey kaya bakit ganito siya ngayon?

"Audrey, may problema ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Key, maupo ka. Let's talk" I gulped. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, kanina pa ako nag-aalala tungkol diyan. Pati yata si Hero galit sa akin eh, nairitate siya nung na bring up ni Audrey yung topic na nagpapakwento siya sa akin about kay Audrey.

"If you'd rate your friendship with Hero from 1-10, what rank is it?" tanong niya kaagad. Napapikit na lang ako, medyo hinihingal pa ako ng dahil sa performance namin dahil nag-practice pa nga ako ng paulit-ulit bago kami nag-perform tapos ngayon naman may interrogation pang nagaganap.

"Honestly, it's an eight. Bakit?" tanong ko sa kanya. Nagsisimula nang magduda si Audrey at natatakot akong aminin sa kanya na may gusto rin ako kay Hero. Pero eight talaga ang rating ko dahil ayokong isagad for the sake of avoiding friendzone. That's about it.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Eight lang tapos ganun na, paano pa kaya pag naging nine or ten?" sabi naman niya. Hala, ngayon ko lang nakitang tinatarayan ako ni Audrey.

"Eh di siguro nagsisigawan na kami? O kaya sinusuntok suntok ko na siya?" pabiro kong sinabi.

"Mas gusto mo na bang kasama si Hero at Chace kaysa sa amin?" sunod naman niyang tanong.

"Ha? Hindi, as much as possible pantay lang. Audrey, ngayon lang ako nagkaroon ng ibang kaibigan and yes masaya silang kasama but you are my best friends right?" sagot ko naman.

"Audrey, bakit ka ba nagtatanong ng ganyan kay Key?" tanong naman ni Marley.

"Girls, tahimik muna ah. Nag-uusap kami ni Key" sabi naman ni Audrey. That hit me, seryosong usapan nga talaga eto and I must say, natatakot ako.

"May tinanong ako kay Hero kanina, sorry for not asking you about this first but sa tingin ko lang kasi mas may tiwala ka sa kanya kaysa sa amin eh." Sabi naman ni Audrey.

"Audrey naman" napakamot ako sa ulo ko kasi base sa mga tinatago kong sikreto kay Audrey ngayon totoo yun. "Pero ano ba yun?"

"May gusto ka ba kay Chace?" nakahinga ako ng malalim, I was afraid na tatanungin niya kung may gusto ako kay Hero eh.

"Di ba napag-usapan na natin yan? Chace is just a friend and hindi ba clear naman sa iyo na may gusto si Chace sa iyo eh" sabi ko naman.

"Eh yun na nga Key, baka mamaya may gusto ka kay Chace pero ang gusto ni Audrey ay si Hero therefore lumalapit ka kay Hero para medyo mainggit si Chace thus resulting to him giving up on Audrey" sabi naman ni Yancy.

Natawa na lang ako bigla at tiningnan nila ako na para bang may tumubong panibagong ulo sa akin. "Ano ba? Kalokohan naman yan. Friends lang kami ni Hero and Chace, that's about it. Our friendship has nothing to do with whoever likes who" seriously, di ko maiintindihan ang logic nila. Babae man ako pero iba ang takbo ng utak ko kung ikukumpara sa kanila.

"Fine then, sorry dahil doon" sabi bigla ni Audrey. "Pero bakit nainis si Hero kanina? Parang nairita siya ng sobra sa akin?" tanong naman niya bigla.

"Ah 'yun... ayaw lang niya talaga kapag maraming tanong sa kanya. Nagalit nga siya kay Chace one time dahil ang daming tanong eh" nice one Key, nagsinungaling ka na naman.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon