Friends?

6.1K 284 52
                                    

Hero's POV

I have absolutely no idea how to feel. Nag-confess nga ako kay Key, although hindi official since sabi ko 'might' pero right after that umalis lang siya dahil ise-settle pa niya yung tungkol sa kanila ni Audrey.

Key likes me, hindi ako dense para di mapansin yun.

And alam kong natuwa siya kanina kaso nga lang masyado pa siyang maraming dapat tapusin bago siya magsaya ng tuluyan. Kaya nga sabi ko na dapat sabihin na niya kay Audrey kaagad, sumunod naman siya at naiwan akong mag-isa dito sa rooftop. Somehow I kind of regret it, dapat ngayon masaya kami ni Key but dahil ayoko ng ma-involve pa sa kanila ay pinagawa ko sa kanya yun.

Matagal akong naghintay, nainip ako kaya I decided to go to the classroom. Sumilip muuna ako sa kabilang room bago pumasok dito, baka sakaling nandoon si Key or Chace man lang pero wala naman sila. Man, I feel like a loner.

Naupo na lang ako doon, wala gaanong tao sa room since lahat sila ay busy sa fair kaya nakapag-relax ako. Pinatong ko yung paa ko sa desk, nilabas ang phone ko at naglaro na lang ng Geometry Dash. Kahit papaano ay nalibang naman ako.

"Ano kaya ang nangyari?" narinig kong may mga nagpasukan sa classroom na mga babae.

"Nag-away yata? Nakita kong umiiyak si Audrey eh, wag mong sabihin na masisira na ang Prism" sagot naman nung isa.

"What?" kahit ako nagtaka sa reaction ko, napatingin silang lahat sa akin.

"Okay ka lang Hero?" tinanong nila ako. Tumango na lang ako, nagmadali na lang akong lumabas ng classroom. Kailangan kong hanapin si Key ngayon, whatever happened I just know one thing, kailangan niya ako.

Good thing I happen to know her well enough, pagkalabas ng classroom nakita ko kaagad si Chace. "Hero, alam mo ba yung nangyari?" tanong niya kaagad.

I scowled. "Yeah, bummer huh? Dapat di ko na lang pinasabi kaagad kay Key" sabi ko.

"Mag-usap na lang tayo mamaya, for now the girls need company" sabi ni Chace, tinanguan ko na lang siya at naghiwalay na kami.

Dumerecho na ako sa rooftop since alam ko na nandun si Key. Pagdating ko doon ay nakita ko kaagad siya na nakadukdok sa isang sulok tapos malakas yung hagulgol niya. Tumabi ako sa kanya saka ko siya inakbayan.

"H-Hero? Bakit ka nandito?" tanong niya.

Sumandal na lang ako sa kanya saka ko hinigpitan yung akbay ko sa kanya. "Kasi kailangan mo ako. Talk" mahina kong sabi sa kanya. Umiyak lang siya ulit pero despite that pinilit niya pa rin na magsalita.

"Sorry Hero, sinabi ko nga sa kanya pero di naman kumpleto eh. Di ko nasabi yung important part na gusto rin kita. Ayan nasabi ko na" tapos umiyak ulit siya.

I don't know why but this is probably the lamest confession ever, nagkaaminan lang kami dahil sa mga problema eh. This sucks.

"I know" I sighed.

"Ganun ba akong ka-obvious?" parang lalo yatang nanlata si Key. Ngumiti ako saka ako humarap sa kanya.

"Not really, na-realize ko lang kanina after kong sabihin sa iyo" I lied a bit there, matagal ko ng napansin na nagustuhan niya ako. Siguro okay lang na sabihin ko yun sa kanya since I needed to cheer her up. "I hate to make you do this pero, just talk" sabi ko sa kanya, paano ko siya mapapatahan kung di ako sigurado sa mga nangyari? And besides, she needs to let it all out.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon