Loving Boyfriend or Loyal Friend?

5.2K 303 129
                                    

Chace's POV

Akala ko magiging masaya ako, nasolo ko na rin si Audrey. Naging malapit nga kami sa isa't-isa, pero sa maling paraan naman. Nung araw na nalaman ni Audrey ang lahat, siya yung pinuntahan ko, siya ang pinuntahan ko kahit na ba alam kong malungkot si Key.

Once na napuntahan ko na siya, nagkwento na siya sa akin, sinabi na niya lahat ng hinanakit at galit niya kay Key. Ang gara lang talaga kasi ang bilis ng mga pangyayari, parang nabalewala na kagad yung pinagsamahan nila all these years.

Sa tuwing naalala ko yung tingin sa akin ni Key nung nagpahila ako kay Audrey para bang may pang of guilt akong nararamdaman. Hindi lang guilt actually, kaibigan ko si Key at dapat hindi ko yun ginawa.

"Chace, kain na tayo" niyaya na ako nila Audrey. Honestly the more na nauulit ang routine na eto, the more na nagsasawa ako. Paano naman ako mag-eenjoy kung ang nasa isip ko naman ay puro si Key, nabu-bully siya ngayon nung mga girls at hindi naman kami nagkakausap na.

It's always Hero and her, hindi ko alam kung sila na or whatever pero thankful na lang ako kay Hero dahil nandoon siya para kay Key kahit na wala ako.

"Audrey, Chace! Bilisan niyo naman, etong lovebirds na eto talaga eh" pang-iinis ni Lyah.

"Lyah naman eh, kailangan talaga ina-announce?" sabi ni Audrey sabay kapit sa braso ko. You heard it right, Audrey and I are dating. Hindi ko naman talaga siya tinanong eh, she just said that we should date and I just took the chance.

Girlfriend ko na si Audrey. Mission accomplished na right? Pero bakit wala akong naramdaman na feeling of accomplishment? Don't get me wrong, masaya ako na close kami ni Audrey pero Key just keeps crossing my mind.

Nakahanap na kami ng upuan at nagkataon naman na katapat nung table namin yung table nila Key at Hero. Routine na rin ang magkakatinginan kami and it always ends up with Hero glaring at us. "Palibhasa kasi inggit eh, di siguro kayang syotain ni Key si Hero dahil guilty siya" naiirita na sabi ni Audrey.

"Ako nga ginawa mo lang na panakip butas eh" Naisip ko, pero iniwasan ko na lang. Nakita ko naman na patingin tingin pa rin sa amin si Key at mukha namang dini-distract siya ni Hero.

"Ngayon naman patingin tingin siya? Baka akala niya maaawa tayo sa kanya, keep dreaming lang" sabi ni Yancy. Nanahimik na lang ako, kapag naging topic na nila si Key ay tatahimik na lang ako. Hindi ko lang kayang tanggapin yung sinasabi nila about kay Key. As far as I know, ang mali lang niya ay yung pagsisinungaling niya. Hindi niya inagaw si Hero kay Audrey because he was never hers in the first place.

Nabalik ako sa reality nung naramdaman kong hinihila ako ni Audrey patayo, tumayo naman ako. "Attention sa lahat!" sigaw ni Yancy, naalala ko tuloy yung Prism noon... calling everyone's attention was usually Key's job.

Nakuha naman nila kaagad yung atensyon ng lahat, including Hero and Key. Teka bakit nga ba pati ako ay nandito?

"As you all know, nabawasan kami ng member sa Prism" sabi ni Audrey at nagsitinginan naman ang lahat kay Key. Hinawakan kaagad ni Hero yung kamay ni Key, I felt sorry for Key, kung ano man ang balak ni Audrey ngayon alam kong may kinalaman eto kay Key.

"Pero nadagdagan naman kaagad ang family namin. Meet Chace, official guitarist of Prism" ano? Wala akong alam dito, nakita ko naman na mukhang offended itong si Key. "And para na rin makasigurado na wala ng ahas, gusto kong malaman niyo na Chace is my boyfriend so sorry girls off limits na siya" obvious na obvious na kay Key nakatingin si Audrey habang sinasabi niya yun and nakita kong mukhang naiinis na si Hero.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon