Sorry

4.3K 216 46
                                    

Hero's POV

Natahimik ako pagkatapos kong sabihin kay Chace 'yun. Bakit ko nga ba sinabi pa iyon? Hindi ba parang kalokohan na lang 'yun kung iba-base sa mga nangyayari ngayon? I'm willing to do anything for Key's sake, pero kung di naman makakabuti yung iniisip ko eh di hindi ko na lang itutuloy.

"Sobrang nasaktan talaga siya sa mga sinabi ni Audrey, hindi ko inaasahan na magiging ganung kalaki yung impact nun sa kanya" sabi ni Chace habang nakatungo lang siya.

Huminga na lang ako ng malalim. Once again, wala na naman ako sa tabi ni Key nung time na kailangan niya ako. She almost attempted to kill herself, pero nasaan ako? Nasa may lobby ng hospital at kinakausap si Gray.

Pagkatapos kong kausapin ang parents ni Key ay agad ko namang kinausap si Gray dahil kailangan ko talaga ng makakausap pagkatapos ng lahat ng nangyari. Alam ni Gray lahat. Alam niyang may sakit si Key, na parehas kami ni Chace na may gusto sa kanya at sinabi ko na din sa kanya yung pag-uusap namin ng parents ni Key.

I prepared myself for the worst. Inasahan kong sisigawan ako ng dad ni Key dahil hindi ko siya nabantayan ng maayos, inasahan kong sisisihin nila ako pero mas malala yung nakuha ko eh. Narinig ko silang umiiyak at halatang-halata ang pag-aalala sa boses nila.

"Huwag mong iwanan si Key dyan Hero ah, papunta na kami" Yun ang huling sinabi sa akin ng dad niya bago niya ako binabaan.

Pagkatapos noon ay para bang napakabigat na ng pakiramdam ko. Tinawagan ko si Gray para kahit papaano ay may masabihan naman ako at dahil nga mabuting kaibigan at pinsan ko siya, pupunta pa nga daw siya dito.

Di ko lang inaasahan rin na pagpasok ko sa kwarto ni Key ay makikita kong may nurse na nandoon na kinakausap si Chace. Kinwento na ni Chace yung nangyari at eto na ako ngayon, tulirong-tuliro na.

You know those moments when you're just too frustrated with everything that you just want to break down and cry? Ganun yung pakiramdam ko ngayon eh, kaso nga lang alam ko na wala yung magagawa at alam ko din na ayaw ni Key ng umiiyak.

Bigla namang nagbukas yung pinto at nakita ko na si Lyah, dala-dala niya 'yung mga bag naming lahat. Sinalubong namin siya ni Chace saka namin siya tinulungang magbuhat.

"Nasaan si ma'am?" tanong ni Chace.

"Bibili pa daw siya ng food and drinks para sa aten, binaba lang niya ako dito" sagot niya sa amin.

"Lyah, okay lang ba kung bantayan mo muna si Key? Babalik lang kami ni Chace dun sa beach" tanong ko sa kanya.

"Bakit naman? Kakagaling ko lang doon ah, may nakalimutan ba ako?" tanong naman niya.

"Pupuntahan namin si Audrey. Kailangan na natin silang mapag-ayos, nagising si Key kanina at naging hysterical daw siya dahil naalala niya yung mga nasabi ni Audrey sa kanya. Ayoko ng maulit pa 'yun kaya kailangan magkausap man lang sila" pagpapaliwanag ko.

"Ha? Sama ako, baka hindi niyo ma-convince si Audrey ng kayo lang" nag-aalala niyang sinabi.

Hinawakan naman siya ni Chace sa balikat. "Lyah, bantayan mo na lang si Key. Kami na ni Hero ang bahala okay?" tumango na lang si Lyah.

Pagkatapos noon ay sabay na kaming umalis ni Chace, meron naman kaming nasakyan na taxi para makarating doon. Pagdating namin sa beach ay wala na yung mga estudyante doon, wala na rin yung bonfire. Siguro pinapunta na silang lahat sa kani-kanilang mga kwarto.

"Tara" sabi ko kay Chace saka kami dumerecho na sa kwarto nila Audrey. Napatingin muna ako sa kwarto nila Key, parang kanina lang ay nandito lang siya. Umiling na lang ako para kalimutan yun, ayoko ng naalala ko yung itsura ni Key nung umiiyak siya.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon