I'm Jealous

4.7K 223 75
                                    

Chace's POV

Ang tanga ko lang, dapat talaga hindi na ako lumingon. Eh di sana di ako nakaramdam ng sakit habang nakita kong buhat buhat ni Hero si Key. Pero wala akong karapatang magselos, kaibigan lang ako ni Key. Nothing more, nothing less.

Nagsisisi rin ako na sumilip pa ako sa bintana pagdating ko sa kwarto ko, kasi nakita kong napakalapit nila sa isa't-isa. At lalong pinagsisisihan ko na patuloy pa rin akong tumingin kaya nakita ko pa talaga nung hinalikan ni Hero si Key.

Why did I even confess? It's pretty much pointless.

Ngayon ako etong nagmukhang tanga. Parang nagsimula lang ako ng away na siguradong talo na ako. Simula pa lang naman, si Hero na ang gusto ni Key.

"Oy Chace, aga mo namang gumising" narinig ko na sabi ni Chen habang dahan-dahan siyang umupo sa kama niya.

"Ah, di ako inaantok eh" Pero sa katotohanan eh pagod talaga ako. Gusto ko pang matulog.

"Teka lang, parang di ka yata dumating dito eh. Saan ka ba nanggaling kagabi? Sabi ni Hero nag-CR ka daw. Iintayin sana kita kaso inantok na ako eh" sabi naman niya. Buti na lang di sobrang magduda etong si Chen.

"Dumating ako, eh naglakad lakad ako sa labas kagabi eh. Wag mo na lang paalam sa iba" palusot ko.

Tumango naman etong si Chen. "Sabi mo eh. Madali naman akong kausap. Pero teka kanina ka pa yata nakatingin dyan, malabong nanunuod ka lang ng sunrise" bago ko pa man mapigilan si Chen eh nakalapit na siya at tamang-tama lang talaga yung pwesto ko dahil ang una talagang mapapansin mo ay si Hero at Key. Sakto rin na magkayakap pa sila.

Nilayo ko yung tingin ko mula sa bintana at nakita ko naman na ngumisi na etong si Chen. "Aba, tama ba ang iniisip ko?" tanong niya.

"Kaibigan ko sila parehas Chen. Hindi ako nagseselos kung yun man ang iniisip mo" pagtatanggol ko sa sarili ko.

Natawa naman ng mahina si Chen saka siya umiling. "Defensive masyado, sasabihin ko pa naman na ang ganda ng araw pag bagong sikat" lumapad yung ngiti sa labi niya.

Agad naman akong napa-facepalm sa sinabi ko. Boom tanga.

"Wag kang mag-alala Chace, normal lang naman yan. Kahit sino naman na mapalapit kay Key ay talagang magkakagusto nga sa kanya. Pero wag kang mag-alala wala akong gusto kay Key kung yun man ang iniisip mo" sabi naman ni Chen.

Tiningnan ko naman siya ng masama. "Manahimik ka pa kaya. Umagang-umaga nambwibwisit ka" sabi ko sa kanya. Sarap naman kasing sapakin eh! Nakakaasar yung ngiti.

Nakangiti lang siya sa akin at patuloy ko lang na iniiwas yung tingin ko sa kanya. Madaldal pa naman ang isang eto.

"Tanggap ko oh aking sinta, pangarap lang kita!" nanlaki na lang bigla yung mga mata ko ng biglang kumanta etong si Chen.

"Manahimik ka nga!" sigaw ko saka ko siya binato ng unan. Pero tumawa lang ulit siya.

"Hoy! Aba ang ingay naman pala!" nagulat kami ni Chen ng may sumigaw bigla.

Si Deo pala, 'yung isa pa naming roommate. Takte, nakalimutan kong tatlo nga pala kami sa kwarto. Pinandilatan lang niya kami saka kami tiningnan ng masama.

"Wagas rin ng bunganga niyo eh. Kung di kayo tatahimik eh lumabas na lang kaya kayo" sabi niya saka siya nahiga na ulit.

Nakita kong tumatawa pa rin si Chen, wala talagang kadala-dala ah. Ayun, binato ko nga ulit ng unan, bull's eye sa mukha niya.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon