My Hero

4K 209 94
                                    

Key's POV

Parang wala akong maramdaman, sinubukan kong dumilat pero para bang ang bigat bigat ng eyelids ko. Pagkadilat ko ay napansin kong nasa ibang kwarto na pala ako. Di ko naman maigalaw yung katawan ko.

"Pa! Gising na si Key!" nakangiting sinabi ni mommy na nasa tabi ko. Nakasuot siya ng protective mask at gloves, pati rin si daddy.

Marami pa rin palang nakakabit na kung anu-ano sa akin. May nakakabit rin sa akin na ventilator kaya di ako makapagsalita. Pakiramdam ko parang tuyong-tuyo yung lalamunan ko.

"Nak, nakikita mo ba ako? Na-miss ka namin ni mama mo" sabi sa akin ni daddy sabay hawak sa kamay ko. Di ko gaanong magalaw yung katawan ko kaya piniga ko na lang pabalik yung kamay niya at ngumiti naman ng malapad si daddy.

"Tatawag ako ng doktor" pinindot ni mommy yung intercom at sinabi na nga niya na gising na ako.

May dumating nga na nurse tapos may tinanong lang na kung anu-ano kila mommy, pagkatapos naman ay may ilan pang nurse na dumating at inalis na nila yung ventilator kaya nakahinga na rin ako ng sa sarili ko. Nagpasalamat sila mommy doon sa mga nurse at umalis na sila.

"Three days na simula nung nakalabas ka sa CTICU, magiging okay ka na Key" sabi ni daddy habang hinimas niya yung buhok ko.

Three days? Ganun ba akong katagal na walang malay? Pero may naalala akong time na nagising ako at nasa ICU ako. Maraming tao doon, wala rin akong maramdaman noon at wala rin akong maalala gaano. Basta ang daming tubo at kung anu-anong nakakabit sa akin, buti nga nabawasan ngayon eh.

Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko naman na silang dalawa lang ni mommy 'yung nandito. Nasaan sila Audrey? Nasaan sila Hero at Chace?

Then it struck me, nanlaki yung mga mata ko ng maalala ko 'yung mga huling nangyari. Naaksidente sila, comatose si Hero at last time kong nakita si Chace ay nag-aagaw buhay siya. Sinubukan kong gumalaw pero parang namamanhid 'yung katawan ko.

"Ano po ang nangyari?" malat na malat yung boses ko, ang sakit rin ng pakiramdam kapag nagsasalita ako.

"Dahan-dahan lang Key, nagre-recover ka pa lang" sabi sa akin ni mommy.

"Si Hero po? Si Chace? Kamusta po sila?" tanong ko sa kanila.

Yung tuwa na nakita ko kila mommy nung nagising ako kanina ay biglang nawala, parang napalitan ng lungkot at pag-aalala. "Key, di pa time" kinabahan naman ako bigla sa sinabi ni mommy. Ano ang ibig niyang sabihin?!

"Mommy, ano po? Sabihin niyo po" medyo nilakasan ko 'yung boses ko pero hinawakan lang ni daddy yung kamay ko para mapakalma ako.

"Key, di makakatulong kapag ganyan ka. Importante na mag-recover ka muna" sabi niya sa akin.

"Bakit ganyan kayo? Sasabihin niyo lang naman kung ano na kalagayan nila Hero at Chace eh, mahirap ba iyon?" umiiyak na naman pala ako at naramdaman kong medyo sumakit yung dibdib ko.

"Key, bagong opera ka lang, di makakabuti sayo yan please" sabi sa akin ni daddy. Nakita ko naman na pinindot ulit ni mommy yung intercom at tumawag siya ng nurse.

"Kailangan ko pong malaman" pakiusap ko sa kanila pero umiling lang sila parehas. Narinig kong bumukas yung pinto at may pumasok na naman na nurse.

"Bibigyan ko po muna siya ng sedative" sabi niya at tumango na lang si mommy.

"Mommy, daddy please po" sabi ko pero nakaramdam naman ako ng matinding antok. Nag-aalala ako, di ako pwedeng makatulog.

"Just talk to me anytime, I'm not really as unapproachable as you might think"

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon