Key and Chace

6K 274 67
                                    

Key's POV

Hindi ako makapaniwalang sasabihin ni Chace ang ganung bagay. Sabihin ko man na baka yun nga yung tama pero he just blew his ONLY chance with Audrey. Nagsisisi tuloy ako dahil sinabihan kong umuwi na si Hero, kung pumayag na lang akong samahan niya ako sa room, then kahit na ba awkward yung atmosphere at least walang nangyari na gulo.

Sana hindi na nadamay si Chace dito.

Then again, I would be lying kung sasabihin kong hindi ko naman talaga gusto itong nangyayari. Ako yung kinampihan ni Chace, ako yung pinili niya despite knowing the consequences. In this case, losing and betraying his own girlfriend.

"Are you serious Chace?! Mas kakampihan mo pa talaga yang babaeng iyan kaysa sa akin?!" malakas na sigaw ni Audrey.

"Oo nga Chace! Girlfriend mo si Audrey and sinaktan ni Key si Audrey kaya mag-isip ka nga ng maayos" sabi naman ni Marley at nakitango naman sila Lyah and Yancy. Siguro hindi ko na nga talaga kaibigan ang mga eto.

Hindi na lang pinansin ni Chace yung mga sinasabi nila Audrey, hinila na lang niya ako paalis doon. Narinig kong sumusunod pa sila Audrey sa amin pero patuloy lang si Chace sa paglakad at sumunod na lang ako sa kanya.

"Chace! I'm telling you this, once you leave there's no going back!" napahinto naman bigla si Chace, hindi ko makita yung reaksyon niya dahil nauuna siya sa akin. Lumingon ako at nakita kong mukhang satisfied sila Audrey na huminto si Chace.

"Chace, hindi mo naman kailangang gawin ito eh. I'll be okay" sabi ko sa kanya, but in all honesty I won't be okay. Siguro mas okay na lang talaga kung huwag na lang sayangin ni Chace yung chance niya kay Audrey ngayon.

Dahan-dahang humarap si Chace kila Audrey at nakita kong lalong lumapad yung ngiti niya. Seryoso yung mukha ni Chace at hindi ko mabasa kung ano ba ang ibig sabihin nun, iiwan niya ba ako or hindi?

"Alam mo kung ano ang mas magandang choice Chace" sabi pa ni Lyah.

"Alam ko nga" sagot naman ni Chace. "Hindi ko kailangang umalis Audrey kasi never ko namang nakuha ang pagmamahal mo eh, nagpagamit lang ako sa iyo at iniwan ko si Key." Tumingin sa akin si Chace at hinigpitan niya yung hawak niya sa braso ko.

"Nagpakatanga ako sayo Audrey, dapat hindi ko iniwan si Key. Sorry na lang, pero ikaw ang nasa mali" at pagkatapos nun ay hinila na ulit ako ni Chace palayo.

Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makalabas na kami sa campus. "Akin na yan" kukunin ko na sana yung bag ko kay Chace pero nilayo niya lang yun.

"Ako na lang, mababasa ka pa" sabi niya. Basa pa rin kasi yung bag ko hanggang ngayon, mabuti na lang at madaling matuyo yung pabango pero good luck na lang kasi tiyak kalat na yung ink sa mga notebooks ko.

"Thanks"

"Sorry"

Sabay naming sabi sa isa't-isa. Pagkatapos nun ay umiwas na ako ng tingin sa kanya. "Bakit ka naman nagso-sorry?" tanong ko sa kanya.

"Doon sa ginawa ko, dapat hindi ko pinagpalit yung pagkakaibigan natin para kay Audrey. Akala ko magiging masaya ako eh, pero hindi. Parang nabalewala lang yung pagtulong mo sa akin kasi hindi naman ako talaga naging masaya nung kasama ko si Audrey" sabi niya.

"Kung naging maayos ang lahat, kung nakuha mo si Audrey sa mas okay na paraan edi sana magiging masaya ka. Kasalanan ko ito eh" sabi ko, totoo naman eh. Audrey has a point, naging makasarili ako.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon