Get Well Soon

3.8K 181 31
                                    

Hero's POV

"Sige guys, okay na 'yung room natin. Pwede na kayong lumabas na" agad naman akong lumabas nung sinabi yun ng class president namin. Nababagot na kasi ako doon eh, maaga ko kasing natapos yung parte ko kaya halos nakatunganga na lang ako.

"Hero, gusto mong sumama muna sa amin?" tanong ng ilan kong mga kaklaseng babae. Umiling lang ako bilang sagot, bakit naman ako sasama sa kanila? "Gara mo naman" sabi nung isa saka ngumuso. "Never ka naman pumayag na sumama sa amin eh, lagi mong kasama yung mga tiga-kabilang section. Lalo na si Key"

"Uhh... pansin ko nga, sige aalis na ako" sabi ko naman. Hindi bagay sa ibang babae ang mag-pout, kay Key lang yun bagay. At hindi ba nila nahahalata na wala akong interes na kausapin sila?

"Pupunta ka na naman ba kay Key? Grabe ka talaga Hero" reklamo nila.

Huminga ako ng malalim saka ako tumingin sa kanila. "Oo pupuntahan ko si Key, yung GIRLFRIEND ko" sabi ko habang nilinaw ko yung salitang 'girlfriend'. Mukha silang nagulat pero di ko na lang pinansin at lumabas na nga ako ng classroom.

Sakto naman na paglabas ko ay nakita ko si Key sa labas rin ng classroom nila. Nilapitan ko siya kaagad at nagtaka ako kung bakit ganun yung itsura niya. Mukhang naghy-hyperventilate siya, namumula yung mukha niya tapos pinapaypayan niya yung sarili niya gamit yung kamay niya.

"Okay ka lang?"

"AY KABAYO!" napatalon siya bigla. "A-ah Hero, ikaw pala" agad naman siyang naka-recover saka niya tinawanan yung sarili niya.

"Kelan pa ako nagmukhang kabayo?" biro ko sa kanya at umiling lang siya. "Bakit ba ganyan itsura mo? Ano nangyari sayo?" tanong ko.

"E-eh... may nangyari sa loob eh, medyo nakakahiya" sabi niya habang kinakamot niya yung ulo niya. "Nahulog kasi ako sa upuan ko"

Agad ko siyang hinawakan sa balikat niya saka ko siya tiningnan. "Okay ka lang? Nasaktan ka ba? Ano pinagtawanan ka ba nila? Ano susugurin ko sila kapag ganun" tumawa lang siya ng mahina saka niya tinapik ng mahina yung kamay ko.

"Wag ka ngang OA" pagkatapos ay umiwas siya ng tingin at natigil yung pagtawa niya. "Di ako talaga nahulog, may nakasapo sa akin eh"

"Sino? Bakit ka naman kasi nahulog ka pa eh upuan na nga yon" biro ko sa kanya.

"Si... si Chace yung nakasapo" mahina niyang sinabi. Napatikom bigla yung bibig ko at nawala yung tawa ko kanina. Of course... si Chace, sino pa ba?

In all honesty masaya akong kami na ni Key pero di ko maiwasang maisip na para bang may mali. Una nga ay dahil di ko naman siya dapat tatanungin pa eh, alam kong nalilito siya ngayon pero nabigla rin ako nung inopen up niya yung topic na yun. Pangalawa naman ay alam kong di pa talaga siya handa para dito, like I said, nalilito pa nga siya di ba? Hindi ako tanga para di mapansin yun.

Our relationship was just built upon fears.

Naging kami dahil parehas lang kaming takot. Takot siyang mas lalong malito habang ako naman ay takot na baka makuha siya ni Chace kaya naman kinuha ko na 'yung chance ko na tanungin siya nung siya na mismo nagsabi nun.

"Hero, sorry ah. Dapat kasi di na lang ako naupo sa desk eh, eh di sana di ako nahulog tapos—" nagpapanic siyang magpaliwanag pero nginitian ko na lang siya saka ko kinurot yung ilong niya.

"Ano pa ba pinapaliwanag mo eh aksidente lang yun?" nakangiti kong tanong sa kanya. As much as possible, ayokong mag-alala pa tungkol doon.

"Eh kasi... wala pala. Eh, tapos na yung klase niyo?" tanong naman niya para maiba yung usapan. Tumango ako bilang sagot. "Gusto mo kain muna tayo? Tutal ayaw rin lang akong patulungin nila Audrey sa classroom eh, baka daw mapagod lang ako" sabi naman niya.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon