I Wish

4.2K 192 77
                                    

Chace's POV

Naiinis ako... sa sitwasyon, sa sarili ko basta sa lahat ng nangyayari sa harapan ko. Lagi na lang ba na ganito? Lagi na lang may sariling mundo si Hero at Key. Pakiramdam ko outsider ako, kumbaga parang terorista lang ako.

Pero hindi lang naman ako ang outsider eh, kasama na doon si Audrey, yung ibang members ng Prism, si Gray at ngayon pati nga yung Elise na yun.

Napakaraming coincidences na nangyayari. Sa lahat naman ng ospital sa Zambales talagang nadala namin si Key doon sa ospital na pagmamay-ari ng pamilya ng ex ni Hero. Isang laro na naman eto ng tadhana, bakit ba sa dinami-rami ng tao eh si Key talaga ang napagtripan mo?

Lumabas na lang ako sa kwarto ni Key saka ako naglakad lakad. Okay lang naman si Hero at Key doon eh, tapos isama mo pa si Gray na approve na approve sa relationship nila. Malamang best friend ni Hero, alangan naman na ako ang gawing boto nun. Approve na rin yata ng parents ni Key si Hero eh.

Ay nako! Ano ba yan! The more na pag-isipan ko, the more na tumatatak sa isip ko wala na akong pag-asa! Teka. Sa bawat buhay may pag-asa. Panghahawakan ko na lang yan. Haha! Nakakabaliw naman eto.

'

Nung dumaan ako sa harap ng nurse station ay nakita ko si Elise na may kausap na doktor. "Thanks daddy, sandali lang naman po yun eh. Babalik ako safely!" masaya niyang sinabi saka niya niyakap yung doktor. Napatingin siya sa akin at nakita kong lumapad 'yung ngiti niya. Nagtaka naman ako ng papalapit siya sa akin.

"Hero's friend right? Nakita kita dun sa kwarto nung cute na pasyente." tanong niya at tumango na lang ako. Ano naman balak nito?

"Pakisabi sa kanya na sasama ako pagbalik niyo. Bibisitahin ko lang yung Ashton, dadalhin ko yung kotse ko kaya kahit sa akin na lang makisakay sila ni Gray" sabi niya saka niya ako iniwan. Kapal rin ng mukha neto eh, di ba niya naiisip na ex na lang siya ni Hero? Bakit ba nakikisawsaw pa siya.

Oo pabor sa akin etong nangyayari na eto kasi baka magkabalikan si Hero at Elise pero ayokong mangyari yun. Di ba pwedeng ceasefire muna sa mga pahirap kay Key? Di ba pwedeng intayin muna na gumaling siya?

Pagkatapos kong magpahangin sa labas ay bumalik na ako sa kwarto ni Key. Nandoon na pala sila Audrey at yung parents niya. Binalita ko kay Hero yung sinabi ni Elise at mukhang nairita na naman siya. Tulog naman si Key kaya hindi niya alam pa.

"Ako na lang ang sasama sa kanya Hero, baka sakaling tumigil na" sabi ni Gray sa kanya.

Nung sumunod na araw ay inayos na yung mga papeles para makaalis na si Key sa ospital at para na rin makauwi na kami. Hindi na kami sumabay sa bus namin dahil may dalang kotse naman yung parents ni Key, isama na rin 'yung sasakyan ni ma'am Legaspi at 'yung sasakyan pa nga nung Elise na yun.

Natuloy nga rin yung pagkikita nila ni Hero nung umaga, at talagang dumating nga si Hero na may dala-dalang cappuccino para kay Key. Pero di pa rin natinag si Elise dun, nung pauwi na kami ay siya pa talaga yung humatak kay Hero na sumakay na sa kotse niya. Nag-sorry na lang si Hero kay Key at sumakay na lang siya doon sa kotse ni Elise.

Dahil doon ay ako ang nakasama ni Key sa kotse nila. Awkward lang kasi di ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Tibay rin ni ate Elise no?" sabi ni Key sa akin habang naglalaro siya sa phone niya.

"Wag kang mag-alala alam ko rin naman na matibay kayo ni Hero eh"

Palakpakan! Bigyan ng 'Masokista Award' si Chace! Talagang trip kong hukayin ang sarili kong libingan. Lalo lang lumalim yung hukay ng nakita kong ngumiti si Key, at mula rin sa salamin sa harap ng kotse ay nakita kong nakangiti rin yung mommy ni Key. Amen Chace...Amen!

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon