Why Now?!

5.4K 235 29
                                    

Key's POV

Medyo lutang pa rin ako habang naiwan akong nakahiga sa kama ko. Grabe lang! Talaga bang nangyari yung kanina?! Muntik ko ng mahalikan si Hero! Sa totoo lang napagpantasyahan ko na rin na mangyayari yun eventually pero di ko aakalain na siya talaga ang magi-initiate. Pero di talaga natuloy eh, of all times kailangan niyang magka-hiccups sa time talagang iyon. Hmph!

Sayang lang, pero buti na rin di natuloy... kinda. Kung natuloy yun who knows what could happen next? Argh... kung anu-anong 'what if' situations ang pumapasok sa isip ko pero move-on na Key! Tapos na yun, di nga natuloy di ba?!

Asar with a dash of sayang naman.

Nanatili lang akong nakahiga sa kama ko ng makarinig ako ng katok sa pintuan. "Hope anak? Ayos lang ba na pumasok kami?" boses yun ni daddy ah. Not this again.

"Opo" sagot ko at pumasok na nga sila pagkatapos nun. Mukhang nag-aalala na naman sila at may dala rin silang pagkain para sa akin.

"Bakit po nagdala pa kayo ng pagkain? Pwede naman po akong bumaba eh" sabi ko sa kanila. Pero ngumiti lang sila sa akin saka umiling.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni mommy. I hate this feeling, ayoko ng may nag-aalala ng ganito sa akin. Hero and Chace worrying is stressful enough, paano pa kaya kapag parents mo na yung nag-aalala?

"Wala po, konting hilo lang like the usual. Sorry po kung nag-alala kayo" sabi ko sa kanila. I smiled to give them assurance but based on their expressions it wasn't enough.

Hinawakan ni daddy yung kamay ko saka niya ako tiningnan ng matagal. "Anak, dapat siguro magpa-check up ka na ulit. Sasamahan ka namin ng mommy mo" sabi niya.

"Daddy I'm fine. Result of fatigue lang po ito" pagmamatigas ko pa.

"Hope, makinig ka sa amin ng daddy mo" I flinched when I heard mom's voice. Matagal tagal ko ng di nakita etong serious side ni mommy, can't say it's good though.

"Di ka ba nagtataka na napapadalas na yang pagkahilo at chest pains mo? Nag-aalala lang ako kasi baka bumalik yun"

I sighed. "Okay po. Pero trust me, okay lang po ako" sabi ko sa kanila. Tumango naman sila, niyakap ako ni bigla ni mommy.

"Kumain ka ha, wag mo lang magawang mag-skip ng meals. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang kami. We'll be downstairs" sabi ni mommy bago sila lumabas sa kwarto ko.

Umupo na lang ako sa kama ko saka ako nagsimulang kumain. Gutom rin lang ako, might as well eat.

Habang kumakain ako, naisip ko lang na ang swerte ko rin pala. Mayroon akong mga kaibigan at mga magulang na palagi na lang nandyan at iniisip ako. Dati, ayaw na ayaw kong nandito sa bahay. Ayoko dito kasi I never felt loved and needed.

Busy sa work si daddy, pati rin si mommy. Tahimik ako dati, introverted ako at di ako marunong makitungo sa iba. Madalas rin akong ma-bully sa school. Pero kapag tatanungin ako nila mommy kung kamusta ang school, sasabihin ko laging okay lang ako at masaya ako kasama ang marami kong kaibigan. Which is really ironic since wala nga akong mga kaibigan.

I entered high school and things got worse, lalo lang akong naging mahiyain. Ayokong nakikipag-usap kahit kanino at dahil nga wala akong ginawa kundi ang mag-aral dun na nga ako na label as a nerd. Pero kapag nasa bahay, sinasabi ko pa rin kay mommy na masaya sa school.

I was contented with everything until one day my mom came to school to check on me. She wasn't happy with what she saw, at dahil nga galit na galit siya nagawa niyang ipahiya ako sa harap ng buong student body.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon