Admit It

4.8K 248 62
                                    

Chace's POV

At long last, field trip day na namin! Excited talaga ako, matagal na akong nakapag-impake eh. Hinatid ako nila ate sa school, tatlong araw rin lang daw akong mawawala kaya ihahatid na nila ako.

"Chace, siguraduhin mong magtitino ka ha. Tatlong araw rin yan, wag mong ipahiya ang sarili mo ha" sabi sa akin ni ate. Tumango na lang ako, alam ko naman na walang matinong sasabihin si ate sa akin eh. Ganyan lang talaga siya.

"Charice naman, di ba pwede na magpaalam ka na lang ng maayos sa kapatid mo?" tanong naman ni mama.

"Tatlong araw lang akong mawawala ma, sige na po. Baka mawalan pa ako ng upuan sa bus" sabi ko sa kanila.

Tumango naman sila, aalis na sana ako ng napansin ko na may palapit sa akin. "Chace!" pagsigaw ni Key habang patakbo siya papunta sa akin. "Tabi tayo sa bus" sabi niya sa akin.

"Oo naman" nginitian ko siya. Simpleng hoodie at leggings lang ang suot niya pero di ko alam kung bakit matagal akong napatingin sa kanya. Nabalik na lang ako sa realidad ng inakbayan ako bigla ni ate.

"Chace, sino eto? Pakilala mo naman kami" sabi ni ate. Inalis ko yung pagkakaakbay niya sa akin saka ko siya tiningnan ng masama.

"Ate, si Key eto kaibigan ko. Kilala na siya ni mama, kaya di na kailangan" sabi ko sa kanya. Ngumiti naman si Key kay ate at kay mama.

"Grabe, ang ganda naman ng kaibigan mo Chace. Sigurado ka ba na kaibigan mo eto? Charice nga pala, ate ni Chace" Wala namang nagtatanong sayo ate eh.

"Thank you po. Nakita ko na rin po yung pictures niyo noon pa, maganda ka rin po ate" sabi naman ni Key at napangiti naman ng sobra si ate.

"Sige na Chace, mauna na kayo ni Key at baka maubusan pa kayo ng upuan sa bus. Charice halika na" salamat mama, lifesaver ka. Baka kung ano pa ang sabihin ni ate para ikapahiya ko, nagpaalam na kami sa kanila tapos nagpunta na kami sa may bus namin.

Nakahanap kami kaagad ng upuan. Kay Key ko na binigay yung window seat dahil mas gusto daw niya doon, sakto naman na pagkaupo niya ay napansin niya na nasa katabing bus lang pala si Hero. Nasa katapat lang siya na upuan.

Binuksan naman ni Key yung bintana at saka siya kumaway kaway. Napatingin naman si Hero at agad naman siyang napangiti ng makita niya si Key. Binuksan rin ni Hero yung bintana saka niya nilabas yung kamay niya para maabot yung kamay ni Key.

Seryoso, ano drama ng dalawang eto? Parang ang tagal ng hindi nagkita ah.

"Huwag kang magpaka-loner dyan ha, pero wag kang mag-enjoy masyado ng wala ako" sabi ni Key.

"Yes ma'am" mahinang pagtawa ni Hero.

"Chace, pabantay na lang kay Key ha. Mamaya pa tayo magkakasama-sama eh" sabi naman sa akin ni Hero. Tinanguan ko naman siya at nagthumbs up pa nga ako.

"Etong mga batang eto, isara niyo nga yung bintana! Mamaya na kayo magholding hands o kung ano man! Naku!" nagulat na lang kami ng biglang sumigaw yung isang driver na nasa labas ng bus.

Tumawa na lang si Hero at Key saka nila sinara yung bintana. Kumaway na lang ulit si Hero kay Key bago siya nakipag-usap sa katabi niya. "Nakagalitan pa tuloy kayo ng di oras" sabi ko kay Key.

"Ayos lang, sulit naman" nakangiti niyang sinabi.

I'm glad na okay na si Key, sa mga nakaraang araw ay napapansin kong parang lagi siyang may malalim na iniisip. Di lang naman ako ang nakakapansin, maging si Hero rin. Parang lagi siyang tuliro at nag-aalala.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon