Waiting

4.2K 204 66
                                    

Key's POV

Nasa Central Park ako ngayon para sa morning jogging ko. Focused lang ako sa pagtakbo ko at nakatodo rin yung volume nung ipod ko.

"Out of my way miss!" nagulat na lang ako ng may bike na pala na papunta sa akin, nasagi ako nung braso nung lalaki kaya napaupo tuloy ako. "Watch where you're going!" sigaw pa niya sa akin.

Siya na nga etong nakabangga sa akin tapos siya pa yung galit. May nakita na lang akong nag-offer ng kamay sa harapan ko. "Need help?" nanlaki yung mga mata ko kasi pamilyar sa akin yung boses na yun. Napatingala ako at nakita ko siya.

"H-hero?!" naluluha kong sinabi. Kinuha niya yung kamay ko saka niya ako tinulungang makatayo.

Hindi ko maipagkakaila, siya nga talaga eto. 'Yung pakiramdam ng kamay niya, yung pagngiti niya sa akin ngayon. So Hero siya talaga.

"Clumsy as always Key, gusto mo bang sugurin ko 'yung nagbi-bike na yun?" sabi niya habang pinagpagan niya yung damit ko. Umiling lang ako saka ko siya niyakap ng mahigpit.

I missed him, I missed everything about him. Niyakap niya ako pabalik saka niya pinagdikit yung noo namin. Pinunasan niya yung mga luha ko gamit yung thumb niya. "Wag kang umiyak, ayoko ng ganyan" bulong niya.

"I love you Hero" sabi ko sa kanya.

"And I love you too, but you can't love me forever" nalito naman ako dahil sa sinabi niya. Bakit naman?

"It's rude to keep people waiting Key, you should find your own happiness"

"Hero!" nagising ako bigla. Naramdaman kong umiiyak na pala ako. Panaginip lang ang lahat, panaginip lang yun.

Damn it felt so real. 'Yung yakap ni Hero, ramdam ko talaga eh. Si Hero talaga yun eh! Pinunasan ko yung mga luha ko saka ako huminga ng malalim. "Iyakin pa rin ako Hero, nakakainis ka" sabi ko.

It has been three years. Ganung katagal na simula nung nawala si Hero, tatlong taon na rin simula nung umalis ako sa Pilipinas. I tried my best to move on, I really did. Pero pumapasok talaga sa isip ko na baka masaktan ko lang siya kapag nagmahal ulit ako. Pumasok pa nga sa isip ko na mas gugustuhin ko pa na tumandang dalaga kaysa naman ang magmahal ako ng iba eh.

But that dream... Sa kanya na mismo nanggaling, siya na mismo ang nagsabi. Napahawak ulit ako sa may dibdib ko. "Yun ba talaga gusto mo Hero?" Gusto mo ba na magmove on na akong tuluyan?

Naligo na ako at nagbihis, may pasok pa ako ngayon eh. Third year college na ako ngayon, madali naman akong naka-adjust dito eh. I still kept in contact with everyone, plus meron rin namang social networking sites at madalas ko rin na maka-chat sila.

Pagkalabas ko sa bahay ay napansin ko kaagad yung magandang view. Ang ganda ng panahon ngayon, hindi rin sobrang lamig tulad ng nakasanayan ko. Napangiti na lang ako sa sarili ko, is this a sign Hero?

Alam ko naman kung sino yung tinutukoy niya eh. Isa lang naman ang taong naghihintay sa akin, si Chace. Pagkadating ko lang naman dito eh isa siya sa mga naiisip ko. Naalala ko yung sinabi niya, maghihintay daw siya.

I wanted to try giving him a chance, pero sinabi ko rin sa sarili ko na hindi ko ibibigay sa kanya 'yung pagkakataong yun hangga't hindi pa ako tuluyang nakakamove on kay Hero. Nakikita ko kasi sa kanya si Hero, and I thought it would be unfair for him.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon