Do I Make You Nervous?

7.1K 312 41
                                    

Hero's POV

Let's face it, I had a bad day. Nothing good went by, my mood was bad and I believe the only good thing that happened was when I encountered Key this morning, which was immediately ruined by Audrey by the way. Ewan ko ba, magaan lang talaga ang loob ko kay Key, she's like this little girl who could brighten up your foul mood with just a smile.

Although I think things aren't going well now, Audrey's more stubborn and idagdag niyo pa yung rumors tungkol kay Chace and Key. Kung hindi lang talaga masamang manulak ng babae eh, ang sakit na ng ulo ko ng dahil sa pabango niya. Plus nabwibwisit ako dahil nga di ko alam kung ano talaga ang meron kay Chace at Key, una nahuli ko sila na nag-uusap ng walang tao sa paligid nila then nakita ko sila sa mall. Mukha pa nga na si Key pa ang tumulong kay Chace dun sa new look niya eh and nung lunch nga ay nag-uusap sila na para bang close na talaga sila.

Di ko alam pero naiirita ako. Uuwi na sana ako dahil masyado nang masama ang mood ko at baka makita pa ako ni Audrey eh kulitin pa ako ulit. Then I just had to see this spectacular scene, Chace and Key are alone in the locker area and mukhang nagbubulungan pa sila.

Lumapit ako para pakinggan kung ano ba yung pinag-uusapan nila, don't get me wrong di naman sa tsismoso ako, nakakapangduda naman kasi yung ginagawa nila eh.

"Itigil na ba natin?" narinig ko na tanong ni Chace, are they breaking up or something? Heck ni hindi ko pa nga naco-confirm kung sila na talaga eh.

"I'll think of something, for now let's just call it a day" sabi naman ni Key bago siya iniwan ni Chace. What is going on?

"Are you two really just friends?" yun na ang una kong tinanong once na sinara niya yung locker niya.

"H-hero?!" napasigaw siya bigla. Agad ko naman na tinakpan yung bibig niya, bakit ba kasi siya sumigaw?

"May narinig ba kayo?" may narinig kaming mga babae na papunta dito sa locker area. Hinablot ko na lang yung braso niya at hinila ko siya palayo sa lugar na yun. Di ko alam kung ano na ba ang pumapasok sa isip ko, hindi ko nga rin sigurado kung saan kami papunta ngayon eh. Si Key naman kahit gulat eh sumunod na lang rin.

Sa dinami-rami ng club rooms at classrooms dito hindi ko alam kung bakit sa Janitor's closet ko siya hinatak. Ngayon eto kami, nakasiksik dito sa madilim na kwartong eto. Nice going Hero.

"B-bakit tayo nandito?" tanong ni Key. Oh well, might as well do my business, the sooner I ask the sooner we'd get out of here... although I'm caught in a dilemma, hindi ko alam kung gusto ko bang maalis dito o hindi.

"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko sayo" bulong ko. Mukha namang nagulat siya sa ginawa ko, magkalapit lang kasi kami siguro nakiliti siya or something.

"Y-yun l-lang ba?" tanong pa niya.

"Is there anything else that I should ask?" bulong ko ulit. Umiling na lang siya, I'm satisfied now, I'm getting the reaction that I was expecting.

"Friends lang kami, yung rumors about sa'min ni Chace, 'yung mga luka-lukang kaibigan ko lang pasimuno nun" mahina niyang sabi. "After all, their minds are fixed that you and Audrey are going to end up together anyways" dagdag pa niya. Madilim man dito ay alam kong namumula 'yung mukha niya, nasa likod 'yung mga kamay niya dahil tutumba siya 'yung hindi niya rin lang susuportahan ang sarili niya at siguro nahihiya naman siyang kumapit sa akin.

"Tss, di pa ba obvious na ayaw ko talaga kay Audrey" I said, irritated.

"Gusto ka pa rin ni Audrey" she pointed out.

"What if I inform her that someone has caught my attention?" tanong ko na para bang naghahamon.

"H-ha? Meron? Well choice mo yun, after all... once na may nagustuhan ka na or whatever wala ng magagawa 'yung mga tagahanga mo. Kung tagahanga mo talaga sila, susuportahan ka nila sa kung ano man ang gusto mo" I chuckled, hindi ba niya alam na siya yung tinutukoy ko?

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon