Damn it Chace

4.6K 250 59
                                    

Chace's POV

We were off to celebrate. Kakain sana kami sa labas dahil natupad yung gusto ni Key na matalo yung Prism. Nagpaalam muna siya na magbibihis muna, nakapagpalit at lahat na nga kami ni Hero pero wala pa rin siya.

"Parang ang tagal naman yata ni Key" sabi ni Hero.

"Girls will be girls, marami pa yung gagawin tiyak" sabi ko naman sa kanya at tumango na lang siya.

"Kukunin ko na yung gamit natin sa classroom para derecho alis na tayo pagdating ni Key" sabi niya.

"Sige, maghihintay na lang ako dito baka sakaling dumating na si Key" pagkatapos nun ay umalis na si Hero.

Ngayon na iniisip ko, ang tagal naman yata ni Key? Twenty minutes para magbihis? Alam ko naman na kahit babae siya eh di siya yung type na nagtatagal sa ganun.

Mag-isa lang akong naghihintay dito ng dumaan sila Audrey. "Hi Chace, off to celebrate?" tanong ni Marley. I ignored them, ano naman ang pakialam ko sa mga eto?

"Ayun, nanalo lang snob na. You know kung sakaling may kamalasan man na dumating sa inyo deserve niyo yun. Just saying" sabi ni Lyah, tapos nakuha pa niyang bigyan ako ng pekeng ngiti.

Nakita ko naman na may hawak na parang tela si Audrey, ano yun basahan? Punit punit na kasi eh. Pero nung tiningnan ko ng matagal napansin ko na yun pala yung suot na pang-itaas ni Key kanina.

"Bakit nasayo yung damit ni Key?" tanong ko kay Audrey habang tiningnan ko yung damit. Shit, may masama akong kutob.

Mukha naman na nataranta si Audrey. "Bakit? Akin naman talaga eto ah, binalik lang ni Key" sabi niya. Pagkatapos nun ay umalis na sila. That's odd, may iba sa kanila, para silang... natataranta?

Takte, si Key.

Nagmadali akong magpunta sa lahat ng CR ng babae dahil doon lang naman siya magbibihis eh. Di bale ng mapahiya ako, alam kong kailangan ako ni Key ngayon. Bakit ba kasi ang laki ng building namin?

Yung pangatlong CR na napuntahan ko, nakasara yung pinto. Kumatok ako. ""Key, are you there?" nagbabaka sakali lang ako.

Then nagbukas nga yung pinto pero wala si Key. With a little bit of hesitation ay pumasok na ako sa loob, nakita kong nakakalat lang yung sapatos ni Key at parang punit punit na tela. Hiniling ko na sana mali yung kutob ko pero the moment I saw the first cubicle with Key's clothes in it... my suspicions were confirmed.

Sinara ko yung pinto. "Key, lumabas ka na diyan" sabi ko. Then nabuksan ng kaunti yung pinto ng isang cubicle. I have a clear idea of what happened but I chose to play stupid. "Ano nangyari? Bakit ang tagal mo?" tanong ko sa kanya.

I didn't expect what happened next, tumakbo siya papalabas saka niya ako niyakap. She's crying again and... she's in her underwear.

Takte, anong gagawin ko?! Agad kong hinubad yung jacket ko at saka ko yun pinatong sa kanya. "Let's go Key" bulong ko sa kanya. Although di ko alam kung paano ko siya aalisin dito ng walang nakakapansin. I hugged her back since she needed it, pero nagdalawang isip rin ako. Di ko alam ang gagawin ko.

Next thing I know, nag-ala ninja na naman ako. I was multi-tasking, kailangan kong takpan si Key at mag-lookout in case na mayroong tao. Buti na lang at malaki yung jacket, parang dress lang yun sa kanya pero kahit na, malalagot pa rin siya pag may nakakita sa kanya na ganun.

Malapit na kami sa locker area ng biglang may narinig akong naglalakad papunta sa direksyon namin. Kaya naman hinila ko si Key para tumakbo, pero di na siya nagpahila. "Key, baka may makakita sayo" I stated the obvious.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon