Confusion

5.2K 257 34
                                    

Chace's POV

Grabe lang! Ang galing talaga ni Hero at Key, sigawan ang audience sa performance nila eh, ang astig naman kasi. Di mo aakalain na mapapapayag ni Key si Hero sa ganung klaseng performance. Nakita kong nakanganga lang sila Audrey sa may gilid ng stage.

At the same time, nakakaramdam naman ako ng inggit. Hindi ko nga lang alam kung bakit o kung ano ang dahilan. Dahil ba nagseselos si Audrey kay Hero at Key o kaya dahil gusto kong magperform ngayon?

Like I said nga noon, dati pa lang vague na yung feelings ko para kay Audrey. Ngayon, di ko na lang alam kung gusto ko pa ba siya o hindi na. Narinig ko na lang na nagsisigawan at nagpapalakpakan na yung audience. Tapos na pala yung performance nung dalawa.

Halata naman na tuwang-tuwa yung dalawa sa naging reaction ng audience, nakita kong hinawakan ni Hero yung kamay ni Key saka niya inalalayan si Key na bumababa sa stage.

Watching them from here, I felt left out. Alam ko naman sa sarili ko na di ako talented enough para sa ganung performance, at ginusto ko rin naman na huwag mag-perform kaso ngayon... nakita kong nag-enjoy si Hero at Key. Gusto ko lang sana na makasama dun.

"Oh Chace, andyan ka pala" Napansin na pala ako nila Audrey. Nakita ko na papalapit sila sa akin.

"Kayo pala, nice performance nga pala" sabi ko sa kanila, kaso obvious na di ako interesado na makipag-usap. Bakit kaya ganun? Dati tuwang-tuwa ako sa tuwing malalapit ako kay Audrey pero ngayon... parang ayoko man lang siyang makita.

"Alam naman namin yun, eh kayo ba?" tanong naman ni Marley. Wag mong sabihing handa silang magsimula ng gulo ngayon? At sa akin pa, ang alam ko masama lang ang ugali nila sa harap ni Key, kapag wala siya eh parang mga anghel etong mga eto.

"Ay sorry, hindi ka nga pala kasama na mag-perform. Bakit ganun Chace? Wag mong sabihin na di ka nila pinasama" sabi ni Yancy.

"Umalis ka bilang guitarist ng Prism at boyfriend ni Audrey para lang maging tagapanuod ni Key at Hero? Akala ko ba STORM kayo?" dagdag naman ni Lyah.

God please guide me, tinuruan ako ng nanay ko na maging mabait sa mga babae. Pero parang di naman deserve ng mga babaeng eto yung kabaitan ko eh. "Hindi talaga ako sumama sa performance, nakita niyo naman na pang-dalawang tao yung performance di ba?" sagot ko naman.

"Ah so watching from the sidelines ka lang? Kung samin ka sumama siguro mas napakinabangan ka pa" sabi naman ni Audrey.

Kung ako naiirita paano pa kaya si Key? Di hamak na mas sensitive siya sa akin. "Dalawa lang silang nag-perform, nakita niyo naman na maganda ang performance nila di ba?" tanong ko sa kanila. "Yun na yung point, dalawa pa lang sila eh napanganga na kayo, paano na lang kapag tatlo na kami?" sabi ko. Iiwanan ko na sana sila pero di pa yata susuko ang mga babaeng to.

"Enough with the excuses Chace, alam mo naman na ginagamit lang ni Key na paraan etong contest na eto para mas lalo siyang mapalapit kay Hero. Tell her na gumagana yung plano niya, kaso nga lang obvious siya" hirit pa ni Audrey.

"Pwede ba itigil niyo na lang yan? Kung may problema kayo, confront Key about it, hindi yung sa akin kayo nagsasabi. Dalawang bagay lang naman ang gustong patunayan ni Key kaya sa sumali. Una ay ang mas magaling siya sa inyo at pangalawa ay mapakita niya na mas solid ang samahan namin" after that umalis na ako.

Mas mabuting na nga daw ang prevention, ayokong magkaroon ng reputation na pumatol ako sa babae. Sino ba naman kasi ang di maiinis sa kanila?! Sobra na ang ginagawa nila. Mabuti pa siguro kung si Hero ang talagang kumausap sa kanila, tingnan ko lang kung makakasagot pa sila.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon