Key Puso Mo

4K 205 64
                                    


Key's POV

Ngayon ko na-realize yung kahalagahan ng mga katagang 'Think before you act'. Padalos-dalos rin kasi ako eh, paano ba naman kasi bwisit si ate Elise eh! Oo kahit nakakainis pa rin siya ate pa rin itatawag ko sa kanya para ramdam niyang matanda na siya! Kailangan ko tuloy panindigan etong ginawa ko.

Nung nakaramdam ako na susunod sa amin si Hero ay tumakbo na ako at hinila ko na rin si Chace. Wala na siyang nagawa kundi ang makitakbo na lang rin, kasi pag tumigil siya ay parehas lang kaming masusubsob.

"Oy Key bagalan mo naman, paano na si Hero?" tanong naman ni Chace habang tumatakbo kami.

"Bahala siya kasama naman niya si ate Elise eh! Mas okay ng hindi kami magkasama kaysa naman may epal na linta!" naiinis kong sinabi. "Bilisan mo na, di ko alam kung saan bahay niyo, dalhin mo ko dun!" sabi ko naman at mukhang nagulat siya.

"Seryoso ka ba? Akala ko nainis ka lang talaga?" tanong pa niya.

"Mukha ba na hindi ako seryoso? Tara na, itu-tutor pa kita!" halatang-halata siguro na inis na inis na ako kaya wala ng nagawa si Chace. Hinigpitan ko yung hawak sa braso niya saka namin tinuloy yung pagtakbo.

Maya-maya ay parehas kaming hingal na hingal na nakarating sa bahay ni Chace. Nakalimutan kong di ko nga pala dapat pinapagod yung sarili ko, kakagaling ko lang sa ospital. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Chace ng makita niyang hinahabol ko yung hininga ko.

Agad niyang binuksan yung pinto at pinapasok ako. Pinaupo niya ako sa sofa nila at agad siyang kumuha ng tubig para sa akin. "Shit, pasensya na. Nakalimutan kong di ka nga pala pwedeng magpakapagod ng ganun, bakit ba kasi kailangan pa nating tumakbo?" sabi naman niya habang pinapaypayan niya ako gamit yung panyo niya.

Pagkatapos kong uminom ay huminga ako ng malalim. Di naman ako nakadama ng chest pains ngayon kaya okay lang siguro. "Kung di tayo tumakbo eh di sana nakahabol si Hero" sagot ko naman sa kanya.

Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Ano naman? Ang bilis mo naman kasing mainis eh. Baka sa akin pa tuloy magalit si Hero dahil dito" sabi niya habang napakamot siya sa ulo niya.

"Bakit naman magagalit si Hero sa iyo?" tanong ko naman.

Seryoso lang niya akong tiningnan. "Key, manhid ka ba?" tanong niya, pagkatapos noon ay tumawa siya ng mahina.

"Sorry" mahina kong sagot.

Nakalimutan ko na naman na may gusto rin pala si Chace sa akin. Nagamit ko siya dahil nagselos lang ako ng kaunti kay Hero at sa ex niya. Ang tanga ko rin no?

"Oy Chace sino ba kausap mo diyan?" may nakita kaming bumaba sa hagdan. Nagulat ako ng nakita namin si ate Charice.

"Ate? Di ba dapat wala ka sa bahay ngayon?" tanong naman ni Chace.

"Wala kang magagawa eh nandito ako eh" patuloy na lumapit sa amin si ate Charice. "Hi Key!" sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.

Ano ba meron sa pisngi ko at trip ng marami?

"Hi ate" bati ko sa kanya. Nginitian naman niya ako, sunod ay tumingin siya kay Chace saka niya tinaas baba yung kilay niya. Di kaya alam ni ate na may gusto si... nevermind.

"Ate tuturuan daw ako ni Key sa Science kaya siya nandito yun lang yun" madiin na sabi ni Chace. Siguro nga alam ni ate Charice, bakit pa magiging defensive ng ganito si Chace?

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon