Scared

4.5K 227 54
                                    

Hero's POV

Biro lang eto di ba? Di ba parang biglaan masyado? Hindi ako nag-react, inaasahan kong bigla siyang tatawa at sisigaw na joke lang yun pero hindi eh. It never came, seryoso lang siyang nakatingin sa akin at bakas 'yung kalungkutan sa mukha niya. Hindi, ang hirap naman yatang paniwalaan.

"Hero, I have a heart disease"

Paano ka maniniwala sa ganyan? Kung kanina lang ang lakas pa ng tawa ng nagsasabi nito, kanina lang nakikipagharutan pa siya kasama ako at ang iba niyang mga kaibigan. Kaya paano naman ako maniniwala?!

"Hindi ko lang nasabi kaagad kasi natatakot ako. Kahit kasi ako, hindi naniniwala eh" sabi niya. Naramdaman niya siguro na wala akong balak na mag-react man lang.

Tiningnan ko lang siya. "Kailan pa?"

Huminga siya ng malalim saka niya pinagalaw 'yung swing. "Since childhood? Sabi kasi nila mommy maselan daw 'yung pagbubuntis niya kaya ayun, nagkaroon ako ng heart disease. Ang alam ko magaling na ako dati, bumalik lang daw ulit" she isn't even looking at me.

"Ang gulo naman, anong heart disease ba yun?" napakagat ako bigla sa labi ko. "Is it serious?"

Hindi ko alam kung paano ko siya tatanungin. Kasi inaalala ko rin kung ano yung mararamdaman niya. Di kaya eto yung dahilan kung bakit parang medyo distant siya nung mga nakaraang araw?

"Heart valve defect. May times na nagiging serious siya at may times na hindi. Akala namin okay na ako, kaya nga nakuha ko pang mag-PE at sumama sa Prism kahit na may long practices kami noon" sabi niya.

Shit. Anong hindi serious? Kung gumaling tapos bumalik, seryoso nga yun. If there's anything I noticed, yun ay madali nga siyang mapagod. Pero di ko yun gaanong pinansin dahil inisip ko lang na mababa lang talaga ang stamina niya dahil babae siya. Tss, and to think that I let her practice too much before the talent contest.

"Bakit naman bumalik pa? Akala ko ba galing ka na dapat?" tanong ko. All of this, it's too much too inhale in one go. I wish she told me earlier.

"Yun na nga eh, dapat galing na ako. Sabi ng doctor ko siguro daw dahil sa depression then physical and emotional stress. Alam mo naman yung mga pinagdaanan ko di ba? Siguro naging trigger yun" then huminto siya sa pag-swing saka siya yumuko. Nakita kong dinidiin niya 'yung kuko niya sa balat niya.

"Nag-search pa nga ako sa internet kung ano ang pwedeng mangyari eh, when worst comes to worst... it could lead to heart failure" then humarap siya sa akin saka siya nagpumilit na ngumiti.

"Pero magiging okay lang ako Hero. Gagaling ako di ba?" her voice cracked then tears started falling from her eyes.

Tumayo ako dun sa kinauupuan ko saka ako lumuhod sa harapan niya. Pinunasan ko yung mga luha niya saka ko hinawi yung gulo gulo niyang buhok. "Natatakot ako Hero, anytime pwedeng may masamang mangyari. Takot ako" lalo pa siyang umiyak.

Nilapit ko yung mukha ko sa kanya saka ko siya hinalikan sa noo. She was surprised but it made her relax. I nuzzled her hair. "Shhh... don't be. You'll be alright Key" sabi ko habang niyakap ko siya.

Di ko alam kung dapat ko ba yung sabihin o hindi pero kailangan niya yung words of encouragement. Besides, there is still a pretty huge chance that she'll get healed again.

"S-sana... sorry kung di ko kaagad sinabi Hero" sabi niya. Niyakap ko lang siya lalo, naiintindihan ko naman siya eh. Mahirap, ngayon alam ko na kung bakit lagi siyang tuliro nitong mga nakaraang araw.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon