Avoiding Audrey

7.6K 350 53
                                    

Hero's POV

"Uwi ka kaagad, may family dinner daw sabi ni tita"

"Eh" I instantly complained.

"Magrereklamo ka pa, para namang may lakad ka pa. Wala ka naman gaanong kinakausap sa school" sabi ng pinsan kong si Gray.

"Oo na. I'm off" sabi ko saka ako umalis sa bahay.

Inayawan ko na lang, wala namang use kung makikipagtalo pa ako kay Gray. Pinsan ko yang si Gray, more like brother or best friend na rin. Siya lang ang nakakausap ko dito sa bahay. Hindi naman kasi ako gaanong mahilig makipagusap kung kani-kanino. Tungkol nga dun, may isang babae sa school na lagi na lang nakabuntot sa akin. Yung leader yata ng Prism? What's her name again? Odette? Archie? Ah... Audrey.

I'm trying my best to act nice and rude at the same time. Yun bang pinapahalata ko na ayaw ko siyang kausapin pero at the same time nagpapakita man lang ng kaunting courteousness. Dati naman di ako nilalapitan ng mga babaeng nagkakagulo sa akin sa school, ngayon lang talaga may pa-obvious masyado na tulad niya.

"Hi Hero!" binati ako kaagad ng ilang mga taga-Ashton nung pumasok ako sa school gates. Hindi naman kasi malayo yung school sa bahay kaya as much as possible nilalakad ko na lang.

Habang papunta ako sa room nakita kong nasa hallway si Key kasama yung nakaaway niya noon. Speaking of Key, naalala ko na sinabi ko sa kanya na mag-uusap ulit kami pero di ko na nga nagawa yun since di ako makahanap ng time dahil nga kinukulit ako ng kaibigan niya. "Key" tinawag ko siya. Napatingin silang dalawa sa akin at mukhang nagulat. Tinulak pa nga ni Key palayo yung kasama niya eh.

"Ah-eh... Hi Hero" kumaway siya. I resisted the urge to smile, sino naman kasi ang hindi mapapangiti? Her smile is contagious. Para kasing bata eh.

"Why are you outside?" mukha kasi silang suspicious, nasa labas sila ng room nila at nagbubulungan. May namamagitan ba sa dalawang ito?

"Kasi ah... may" napakamot na lang sa ulo niya si Key habang tumingin sila sa kasama niya. "Nag-uusap lang... ahh... ako nga pala si Chace" sabi naman nung kasama niya. Tinanguan ko na lang siya, di naman ako interested dun sa kasama niya eh. Interested lang ako kung bakit sila magkasama.

"Sige iwan ko na kayo bye!" mabilis naman na sabi ni Chace bago siya pumasok sa classroom. Naiwan sa labas si Key, nagkatinginan kami pero bigla siya umiba ng tingin.

"Should I leave?" tanong ko sa kanya, bakit ko nga ba kinakausap to? As far as I know, hindi ako mahilig makipag-usap sa kung kani-kanino kaya nagtataka na lang ako kung bakit ako pa talaga ang unang kumausap sa kanya.

"Ah wag. Di lang ako makapaniwala na kinakausap mo ako eh" she grinned cheekily. Damn... ang cute. I've always noticed her because she's that one girl who acts mean but doesn't look like it at all. Small but terrible nga, siya yung laging naninigaw ng kung sinu-sino para manahimik sila.

"Who wouldn't talk to you?" I gave her a smug look. Namula naman siya bigla, teka... eto ba yung kalokohan na Hero Fever na sinasabi nila? Yung reaksyon daw ng mga babae kapag kinakausap ko. Honestly I find the whole thought pathetic but seeing Key's reaction... I think I might change my mind. She's just freaking adorable.

"Ikaw? Kasi ikaw yung type na hindi mahilig makipag-usap sa iba. Usually to girls" mukhang naiilang siya na sabihin yun.

Napataas yung kilay ko. So she noticed, di nga ako mahilig makipag-usap but that's because no one has caught my attention... until now.

"Ay... sorry, may nasabi yata akong di ko dapat sinabi" tumawa siya ng mahina. "Awkward kong kausap no?" she grinned.

I shook my head. "Amusing" ngumiti ako. Nagtataka ako, now that I think of it... ang awkward nga nung usapan namin? Perhaps nahihiya si Key sa akin? Then again baka nag-aassume lang rin ako.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon