Hulog

3.9K 184 85
                                    

Key's POV

Sana tama etong ginagawa ko, sana ay hindi ko pagsisihan eto. Nalilito ako, hindi ko naman hinangad ang ganitong klaseng sitwasyon eh! Oo isa ako sa mga babae na nangangarap ng mala-fairytale like na love story pero simple lang at hindi 'yung ganitong kakumplikado!

Si Hero... simula pa lang naman ay siya na talaga ang gusto ko, hanggang ngayon naman eh. Kung di ko siya mahal ay hindi ko naman siya maipaglalaban kila Audrey di ba?

Mahal ko si Hero pero bakit ako naguguluhan?

Chace... Siya lang naman ang nagpagulo ng lahat. Kahit naman bago pa lang niya aminin sa akin na gusto na niya ako eh nalilito na ako. Lagi ko siyang naiisip pero hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na lang yun pinansin hanggang sa eto, lumalala na ang lahat.

Pumasok sa isip ko na baka nagkakagusto na ako kay Chace, pero nakasaksak sa utak ko na hindi pwede yon kasi may gusto na ako at si Hero yun. Kaya eto, naisip kong palayuin na lang si Chace. Dalawa ang posibleng mangyari dito...

Either tuluyang mawala etong kung ano man na nararamdaman ko para kay Chace o kaya ay mas lalong lumala pa eto.

Mas gusto kong wag na lang magkagusto kay Chace kasi ayoko ng masaktan ko si Hero pero ayoko rin naman na masaktan rin si Chace.

Hay nako puso, bakit ka ba nagkakaganito pa? May defect ka na nga di ba? Maaari nga na limitado na ang oras ko tapos nagkakaganyan ka pa? Paano na lang kapag nawala ako? Eh di ba parehas lang silang masasaktan? Bakit ba kasi di gumaling galing etong sakit ko?

"Key" nabalik ako sa realidad ng marinig ko yung boses ni Hero. Napatingin ako sa kanya, ang lalim kasi ng mga iniisip ko eh. "Aalis na daw si Elise, di ka magpapaalam?" tanong niya.

For all I know, dapat nagtatatalon ako sa tuwa ngayon dahil aalis na si ate Elise a.k.a sagabal sa amin ni Hero pero bakit ganito lang ako? Lumapit naman sa akin si ate Elise at niyakap niya ako.

"Alis na ako Key ah, pagaling ka tapos bantayan mo na rin si Hero" sabi niya habang nakayakap pa rin siya sa akin. "At kapag may ginawang masama si Hero sumbong mo lang siya sa akin o kaya kay Gray, tatamaan yan sa amin" bulong naman niya.

Natawa naman ako ng kaunti. "Yes ate Elise, ingat ka rin po" pagkatapos ay lumayo na siya sa akin at niyakap naman niya ng sandali si Hero, sunod ay sila Audrey naman.

"Bye ate Elise! Bisita ka po ulit ha?" sabi nila Audrey.

"Ingat kayo!" sumakay na siya sa kotse niya at umalis na siya. Pumasok na ulit kami sa school pagkatapos noon. May klase kasi kami ngayon at dumaan lang si ate Elise para magpaalam sa amin.

"Ayan ah, wala na si Elise. Siguro naman wala ka ng pagseselosan" biro sa akin ni Hero habang sinundot niya yung pisngi ko.

"Sino nagsabing nagselos ako kay ate Elise? Ayoko lang ng may dumidikit sayo na parang linta, iba yun" depensa ko naman.

"Di ka pa nagseselos sa lagay na yun ah? Paano kaya kapag nagselos ka na talaga?" pang-iinis pa niya.

"Manahimik ka nga!" nakangiti kong sinabi sa kanya.

Gusto ko yung ganito lang, kami lang ni Hero at wala akong inaalala na iba. Kaso mukhang imposible na yun ngayon... kasi habang kasama ko si Hero napatingin ako sa may bintana sa may third floor at nakita ko si Chace na kasama sila Chen.

"Please Chace, wag mo kong tingnan ng ganyan"

Two weeks na ang nakalipas at ganun pa rin kami. Mas nakakasama ko na ulit sila Audrey ngayon at minsan naman ay sumasama rin ako kay Hero. Two weeks na rin simula ng huli kong makausap si Chace, makakausap ko lang siya pag may itatanong siya tungkol sa acads namin pero other than that hindi ko na siya nakakausap pa.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon