Prism vs. STORM ; First round

5.5K 263 54
                                    

Key's POV

Siguro nasobrahan na talaga ako. Siguro napagod na talaga akong magpasensya kila Audrey, sa sobrang dami ng gulo na nangyari siguro nasanay na ako. Ako pa talaga ang naghamon ngayon, at dinamay ko pa talaga si Hero at Chace.

Kaya ngayon eto kami sa rooftop. By the looks of things, sesermonan ako ng dalawang eto. Ramdam ko eh.

"Pwedeng paki-explain kung ano yung sinabi mo kanina?" tanong ni Chace sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanila. "Gagawa tayo ng sarili nating group. Talunin natin sila Audrey, kahit sa ganitong paraan ay pagbigyan niyo naman akong gumanti" sagot ko naman.

Nakatitig lang sa akin si Hero, seryoso yung mukha niya. Pinadaan niya yung mga daliri niya sa buhok niya saka siya tumingin ulit sa akin. Parang commercial model lang ang peg! Pero wait lang, sesermonan nga pala ako.

"Kaya mo naman yun ng mag-isa di ba? Bakit nasama pa kami ni Chace? Key, that's a talent contest" he sighed.

"Alam ko" I grinned at parang lalong mukhang naguluhan yung dalawa. "Enjoyin na lang natin guys, masaya eto"

"Key naman, alam mo naman na hindi ako mahilig sa ganyan eh, eto namang si Hero parang anti-social kaya ano ang aasahan mo sa amin?" pagreklamo ni Chace.

"Kilala ko kayo, jack of all trades si Hero for a reason and alam ko na talented ka Chace" sabi ko sa kanila. Nakita ko na mukhang gagawa pa sila ng excuse kaya pinangunahan ko na sila.

"Guys last na eto. Kapag natalo na natin yung Prism magiging contented na ako. Gusto ko lang naman na ipakita kila Audrey na ayos lang ako ng wala sila at hindi ko sila kailangan para magkaroon ng mga kaibigan. Alam ko na maraming susuporta sa atin" napaisip sila sa sinabi ko. Napangiti ako ng nakita kong nagbuntong-hininga sila parehas.

"Fine, pero after this Key... tama na ha" sabi sa akin ni Hero.

"Key, warning lang, di ako marunong kumanta tapos hindi rin ako marunong sumayaw" pauna ni Chace. Umiling lang ako sa kanya.

"There's no such thing Chace. Kaya natin ito!" sabi ko sa kanya.

"Nako naman... wala na akong magagawa, siguraduhin mo lang na di tayo mapapahiya ah" sabi ni Chace sa akin.

"Magtiwala lang kayo sa akin"

Nung gabing yon ay nag-research na ako kung ano ang pwede naming i-perform. May nakita ako kaagad at alam kong yun ang kaisa-isang performance na di kayang gawin ng Prism.

"Ano na Key? Next week na yung eliminations, kung gusto mo talagang talunin ang Prism eh mag-practice na tayo" sabi sa akin ni Chace.

"Chace, ayos lang ba sayo kung di ka na muna magpe-perform sa eliminations?" tanong ko sa kanya.

Halata naman sa mukha ni Chace na tuwang-tuwa siya sa narinig. "Aba oo naman, mas maganda nga kung ganun eh. Para sure win na" sabi niya.

"Ang daya naman nun, tayong dalawa lang ang magpe-perform?" tanong naman sa akin ni Hero.

Tumango ako. "For the eliminations lang naman, gusto ko lang gulatin sila Audrey. Pero Chace, kailangan mo pa ring sumama sa amin ni Hero tuwing may practice" paalala ko sa kanya.

"Sige ba, kahit na ba gawin niyo akong assistant eh" biro naman niya.

"Eh ano ba yung ipe-perform natin?" tanong sa akin ni Hero. Bigla na lang akong kinabahan. Kasi naman, baka isipin ni Hero na weirdo ako. Nilabas ko yung cellphone ko saka ko pinapanuod sa kanila yung video na na-download ko kagabi.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon