Heart

3.7K 186 46
                                    

Hero's POV

I'm sick of seeing hospitals. This scene is too familiar, magkasama kami ni Chace na naghihintay sa labas ng emergency room. This is one of those scenes na hinihiling ko na sana ay hindi na maulit pero eto, naulit na naman. To make it all worse, di ito mangyayari kung di kami nagkaaway ni Chace kanina.

Mas pinoproblema kasi namin yung issue kung sino talaga ang mahal ni Key, pati tuloy siya na-pressure. Nakalimutan namin yung main problem sa lahat, na may sakit nga si Key. Di ba pwedeng hintayin na lang namin ni Chace na gumaling siya? Pero hindi eh, hindi namin inintay 'yun kaya eto... nangyari ang pinakakinakatakutan naming mangyari.

Tinawagan ko na sina tito at tita at papunta na daw sila. Once again narinig ko na namang umiiyak 'yung parents ni Key. Lumabas na yung doktor sa ER at parehas kaming napatayo ni Chace. Nakita namin na nilalabas rin doon si Key, wala pa rin siyang malay hanggang ngayon at merong mga nakaturok na kung anu-ano sa kanya. Seeing her like this pains me.

"Stable siya ngayon pero hindi pa rin tayo pwedeng maging kampante. Her heart is getting weaker and according sa tests at sa CT scan na ginawa namin, na-diagnose namin na may heart failure na po siya"

Parang nasira yung mundo ko doon sa mga narinig ko. Tulala lang si Chace habang napaupo naman ulit ako saka ako yumuko. "Hindi... bakit ganun kaagad?" tanong ko.

"Hindi po ba siya nasabihan na kailangan na niyang magpa-opera? Isa rin po kasi 'yun sa naging dahilan, dapat hindi na pinagtagal pa etong sakit niya" napasuntok na lang ako bigla sa pader. Bakit ba hinayaan ko lang si Key? Dapat mas na-encourage ko pa siya na magpa-opera pero ano? Pumayag lang rin ako nung sinabi niyang tatapusin niya muna yung school year.

"Iwanan ko na po muna kayo, titingnan pa po namin 'yung results nung ibang tests sa kanya. Tawagin niya na lang ako pag dumating na ang parents niya" pagkatapos noon ay umalis na yung doktor.

Parehas naman kami ni Chace na nagpunta na lang sa kwarto ni Key. Mas malala ngayon, last time IV needles lang pero ngayon may oxygen mask na siya. Ang sakit sa parte ko na wala na nga akong nagawa tapos medyo kasalanan ko rin na nagkakaganito siya. Pakiramdam ko tuloy ay napakawalang kwenta kong boyfriend.

Bigla na lang na bumukas yung pinto at mabilis na pumasok yung parents ni Key. With no words or whatsoever ay lumapit si tita kay Key at hinawakan niya yung kamay niya, si tito naman ay parang gulat lang na nakatingin sa kanila.

"Lalabas lang po kami" sabi ko sa kanila, pero mukhang di nila ako napansin. Lumabas kami ni Chace, una kong ginawa ay tinawag ko yung doktor at sunod naman ay lumabas muna kami sa pinaka-ospital para magpahangin.

"Kasalanan ko eto eh" sabi ni Chace habang naupo siya sa malapit na bench. Nanatili lang akong nakatayo pero bahagya akong sumandal sa bench.

"That's my line" nagbuntong-hininga ako.

"Pre, sorry talaga. Dapat hindi na lang ako nanggulo, nakadagdag lang ako ng problema sa inyo ni Key eh. Sorry kasi hindi ko kaagad natanggap na kayo na. Naging immature ako eh, at sorry lalo dahil nasira ko tiwala mo" nagulat naman ako sa sinabi ni Chace.

"Wag ka na ngang mag-sorry. Nakakabading lang eh, ayos na ako. Sana kasi maintindihan mo 'yung nararamdaman ko, lahat kasi ng sinabi ko kanina doon sa rooftop ay totoo" napatingin naman bigla si Chace sa akin.

I smiled bitterly at him. "Wag ka nang magtanga-tangahan, alam kong pansin mo rin na may gusto na sayo si Key. Alam ko naman na mahal niya ako eh, pero syempre bilang boyfriend niya... di ko maiwasan na mairita lang" I'm just being honest with him.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon