Wala Na

3.5K 189 48
                                    

Key's POV

Nakakainis! Bwisit! Bakit ba nangyari 'yun?! Mabilis akong naglalakad papunta sa classroom. Nakakainis naman kasi si Chace eh! Bakit ba niya ako hinalikan?! Tapos ang lakas pa ng loob na sabihan akong nagbigay ako ng motibo, eh masama ba na pagsabihan ko siya na huwag siyang dumikit sa mga linta?!

Medyo OA na nga ako eh, hanggang ngayon pahid pa rin ako ng pahid sa labi ko gamit yung manggas ng blouse ko. Paano kasi parang ramdam ko pa rin yung labi ni Chace, ang lambot kasi at—HINDI! Wala! Walang nangyari!

Di ko napansin na may nakabunggo na pala ako. "Key, ayos ka lang?" si Audrey pala.

"Ah, oo" mabilis kong sagot. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Kilala na kita Key, nagsisinungaling ka at bakit ba pahid ka ng pahid niyang manggas mo sa labi mo? Para kang di babae" kainis naman eh.

"Di ako okay" muli kong pinunasan 'yung labi ko, ano ba naman 'yan! "May nakain kasi akong maanghang... ah oo yun! May nakain ako na maanghang eh parang nag-aapoy 'yung labi ko ngayon" natauhan naman ako bigla sa sinabi ko. Nag-aapoy na labi? Seriously?

Tinawanan naman ako bigla ni Audrey. "Gumamit ka man lang ng panyo ha?" inabot niya sa akin 'yung panyo niya. "Sumunod ka na sa classroom, baka ma-late ka pa" sabi naman niya sa akin.

Dumerecho ako sa CR saka ako naghilamos. Ano ba etong nangyayari sa akin?! Sa simula pa lang naman kasi bakit ba ayokong nakikipagkita si Chace dun sa mga babaeng 'yun? Ano ba pakialam ko doon? Siguro concerned lang ako as a friend para sa kanya... sana ganun nga.

Pagkatapos ay dumerecho naman ako ng canteen para bumili ng tubig. Nakakaramdam na naman kasi ako na bumibilis na yung tibok ng puso ko eh, baka atakihin ako bigla. Nung matapos na iyon ay dumerecho na ako sa classroom, buti naman hindi ako late.

Nasa classroom na rin pala si Chace at nagkatinginan naman kami. Napansin ko na parehas pala kaming umiwas ng tingin sa isa't-isa. Nasampal ko nga rin pala siya kanina, ano ba naman yan. Dahil nga masyado akong maraming iniisip ay di ko napansin na natapos na pala 'yung morning classes namin.

"Di ka ba kakain ng lunch Key?" nagulat pa ako nung niyaya ako nila Marley.

"Ay, kakain ako. Sorry" sabi ko habang tumayo ako.

"Kanina ka pa lutang, sige naghihintay na si Hero sa labas. Ako na ang magyayaya kay Chace" sabi naman ni Lyah.

Agad akong lumabas ng room para sumama na kay Hero at dumerecho na nga kami sa canteen. Nung nakaupo na kami ay agad akong sumandal kay Hero at saka ko hinawakan 'yung kamay niya, nakapailalim naman sa mesa kaya di nakikita nung iba.

Ang awkward lang... kasi naman bakit ba nandito si Chace? At ang dami ng mga pwesto tapos talagang dito siya sa tapat namin pinaupo nila Audrey. Umalis naman sila Lyah, Marley at Yancy para umorder ng pagkain namin.

"Bakit ang lambing mo yata ngayon?" natatawang tanong ni Hero sa akin.

"Bawal ba?" sagot ko naman sa kanya.

"May kasalanan ka sa akin no?" nakangisi niyang tinanong. Agad naman kaming nagkatinginan ni Chace pagkasabi ni Hero nun, tumingin naman ako ng derecho kay Hero.

"Kailangan may kasalanan kapag naglalambing?" sana di mo napapansin Hero, napabitaw tuloy ako bigla sa kamay niya kasi nararamdaman kong nanginginig na ako.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon