Change

4.9K 263 61
                                    

Key's POV

Ang sakit pala ng feeling ng ma-betray. Siguro kaya ganun na lang ang galit nila Audrey sa akin. Seeing Chace now, ewan ko ba... akala ko nasa side ko siya, I guess mali ako.

"Salamat Chace"

"Bakit ka naman nagpapasalamat, wala pa akong nagagawa?"

"Kasi nandyan ka, kung di man ako matanggap ni Audrey after kong sabihin sa kanya ang totoo, at least nakakasigurado ako na kaibigan kita right?"

Bullshit, of course mas pipiliin ni Chace si Audrey. Sino ba ako? Kaibigan lang naman, at alam naman namin na ang importante ay ang masunod yung plano namin. So ngayon, solo ko si Hero at solo niya si Audrey. Hindi ko lang inakala na ang kapalit pala nito ay yung pagkakaibigan naman naming dalawa.

One week na ang nakalipas simula nung nalaman nila, officially tanggal na ako sa Prism. Wala na rin gaanong bumabati sa akin, particularly sa girls, galit silang lahat sa akin. Lagi kong nararamdaman yung pang-iirap nila sa akin, hindi naman ako tanga para di iyon mapansin eh.

Kung hindi lang dahil kay Hero ay mawawalan na talaga ako ng gana na pumasok. He's always there for me. Once na break time na, agad agad na siyang mag-aabang sa tapat ng classroom para sunduin ako.

"Sure ka ba na hindi ka nagsasawa na intayin ako? Hindi mo naman talaga hilig ang lumabas ng room di ba?" tanong ko sa kanya.

"Eh kung sa paraan yun para makasama mo ako eh" he said smugly. Kinurot ko naman siya ng bahagya sa tagiliran niya.

"Ikaw talaga, ako talaga ha? Alam mo Hero, sanay naman ako ng mag-isa no" sabi ko sa kanya. For the past week, nakwento ko na sa kanya yung past ko, yung times na bago ko pa naging kaibigan sila Audrey.

"Huwag ka nang mag-inarte, kain na lang tayo" tumango na lang ako. Asa naman na makikipagtalo pa ako sa kanya, eh magaling yang mambara.

Pagdating namin sa canteen ay marami ulit na napatingin sa amin. Kumalat na sa campus yung balitang 'Inagaw ko daw si Hero kay Audrey' kaya medyo masama ang reputasyon ko ngayon. Pero thankfully, mostly girls lang ang naniniwala doon. May mga nakakausap pa rin ako, kaso nga lang puro lalaki, which is the usual cause of Hero's jealousy by the way.

Sabay kaming umorder at madali naman kaming nakahanap ng mauupuan. Tahimik lang kaming kumakain, hindi naman kami yung type na mahilig magkwentuhan eh. As much as possible, we just enjoy each other's company. Habang kumakain kami napansin ko na parang nairita na lang bigla si Hero.

"Wag ka ng lumingon Key" sabi niya.

"Bakit naman?" nagtataka kong tanong.

"Basta" sagot niya.

Pero na-curious ako eh, lumingon ako and I immediately regretted it. Kakapasok lang pala nila Audrey at Chace dito sa canteen. Nakakapit naman etong si Audrey sa braso ni Chace at nakasunod sila Lyah sa kanya. Kung hindi ko lang talaga kilala si Chace eh ang tingin ko sa kanya ngayon ay playboy. Parang may sarili siyang harem ngayon, nakakainis lang.

Nakatingin lang ako sa kanila ng biglang nagkatinginan kami ni Chace. Umiwas lang siya ng tingin at sunod naman na tumingin sa akin ay si Audrey, nakita kong medyo napangiti siya at lalo lang siyang kumapit pa kay Chace.

Naramdaman ko na lang na may humawak sa ulo ko at bigla na lang akong napaharap kay Hero. "Kulit mo rin eh" sabi niya, pero di siya sa akin nakatingin. Sa tingin ko tiningnan niya ng masama si Audrey at Chace.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon