True or Not?

4K 216 32
                                    

Hero's POV

I was tired, exhausted and drained. Hindi ako nakapagpahinga kahit sandali simula kagabi, wala pa akong tulog at hindi pa ako nakakakain ng maayos. Konti na lang talaga ay makakatulog na ako pero pinipilit ko yung sarili ko. Hindi ako pwedeng mag-relax hangga't wala pa si Key at Chace.

I believe last night was the night that I told the most lies in my whole life. Nagsinungaling ako sa classmates, teachers at pati na rin sa parents ni Key! Pagod na pagod ako, sobrang aga pa lang pero nandito na ako sa labas para maghintay para kay Key at Chace.

Lahat ng pagod ko ay nawala at napalitan ng pagkairita ng makita kong buhat ni Chace si Key sa likuran niya at parehas pa silang nakangiti habang pinapanuod yung pagsikat ng araw.

May karapatan naman akong mainis di ba? Kagabi pa lang alalang-alala na ako at pinagtakpan ko sila parehas tapos aabutan ko silang masaya na para bang mag-syota na first time lang makakita ng sumisikat na araw?!

Hindi na ako nagdalawang isip pa at lumapit ako kaagad sa kanila. Hindi ko na rin tinago man lang ang pagkairita ko, no use hiding it anyways. Mukhang nagulat pa nga si Key ng makita niya akong papalapit sa kanila.

"Enjoying the view?" tanong ko sa kanila. Napatingin naman si Chace sa akin at mukhang nagulat rin siya.

"Bakit ka nandito Hero?" tanong ni Chace.

"Siguro dahil buong gabi ko kayong hinahanap ni Key. Saan ba kayo nanggaling ha? Pasalamat kayo at nagkatuwaan yung mga teachers at masyadong pagod na ang lahat kaya hindi na nag-check ng attendance eh" sagot ko sa kanila.

"Eh... Hero, magpapaliwanag kami" mahinang sabi ni Key.

"Let's talk, pwede mo na siyang bitawan Chace" dagdag ko pa. Why am I being so hostile? Ayoko ng ganito, hindi ako ganito pero dala siguro ito ng sobrang pagod at inis.

"May sprain si Key kaya ko siya binubuhat, di man nga lang siya makatayo man lang eh" pagpaliwanag naman ni Chace.

Ako na mismo yung lumapit at saka ko inalalayang bumaba si Key, pagkatapos noon ay binuhat ko na lang siya. "Hoy Hero, nakakahiya" nahihiyang sabi ni Key. I was carrying her in my arms since it's easier. Kung hindi lang ako iritado ay siguro napangiti na ako dahil ang cute ni Key kapag nahihiya siya.

"Usap tayo" sabi ko sa kanya. Tumingin naman ako kay Chace, hindi ko mabasa yung expression niya, basta may iba. "Salamat na lang Chace, mabuti siguro kung magpahinga ka na muna. Ako na ang bahala kay Key" sabi ko sa kanya.

Tumango na lang siya at saka siya umalis.

May nakita akong isang hammock dito at doon ko binaba si Key saka ko siya tinabihan. Di muna ako nagsalita, ngayon lang ako ulit kumalma simula kagabi.

"Sorry Hero" mahinang sabi ni Key habang pinatong niya yung kamay niya sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya at mukha naman na nag-aalala siya. Face it Hero, you can't stay mad at her for more than two minutes.

Ngumiti ako ng kaunti saka ko siya inakbayan. "Sorry kung masyado akong nainis. Di ko lang siguro napigilan yung sarili ko."

"May karapatan ka naman eh, kasalanan ko naman kasi lahat." Sabi naman niya saka siya yumuko.

"You still need to explain though" I sighed. May karapatan akong malaman di ba? Ang alam ko kasi ay sasabihin lang niya kay Chace yung tungkol sa sakit niya, so why did they have to disappear for the whole night?

I have no doubts though, malaki ang tiwala ko kay Key and Chace. Wala naman akong rason para magduda eh.

"Gusto ko kasing kausapin siya ng kami lang sa tahimik na lugar. So hinatak ko siya doon sa may likod nung seminar house. Mukhang napalayo yata kami ng lakad kaya naligaw kami. Sakto rin naman na nag-empty bat yung cellphone ko at hindi dala ni Chace yung kanya" ginagalaw niya yung duyan habang nagkwekwento siya at hindi pa rin niya inalis yung kamay niya sa kamay ko.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon