Fireflies and A Sunrise

4.5K 228 41
                                    

Key's POV

Wrong move rin ako, bakit ko ba kasi niyaya si Chace eh medyo gabi na? Ngayon ang dilim na tapos mukhang naliligaw pa kami. Halos wala rin kaming makita dahil sobrang dilim na eh."Ano nang gagawin natin? Di kaya lalo tayong malayo kapag naglakad lakad pa tayo?" tanong ni Chace sa akin.

"Di yan, di naman tayo nagtagal na maglakad gaano eh. Subukan lang natin" sabi ko sa kanya.

Naalala ko kasi yung sabi sa akin ni mommy at daddy eh, di pa naman ako nakakapag-text ngayong gabi eh. Baka mag-alala sila, si Hero ang malalagot! At tsaka si Hero pa! Nako, isa pa yung mag-aalala! Tapos naiwan siya doon sa party, sino ang nasa party? Sila Audrey!

"Eh tara, baka sakali naman na makabalik pa tayo" tinulungan niya akong makatayo saka kami nagsimulang maglakad. "Humawak ka sa braso ko Key, baka matisod ka pa" sabi niya sa akin.

"Okay lang ako no" pagmamatigas ko.

"Wag ka ng makulit, kapag napahamak ka pa o kung ano ako tiyak ang kakagalitan ni Hero kaya gawin mo na lang" hala, medyo bossy ha.

"Masyado kang trying hard maging manly alam mo yun?" pang-iinis ko sa kanya habang humawak ako sa braso niya.

Para lang kaming mga bulag na nangangapa, nakikita naman namin kahit papaano yung anino ng mga puno pero wala talaga kaming ibang naririnig o nakikita na liwanag.

"Aray!" napahinto na lang ako bigla dahil kay Chace. Naaninag ko na para bang hinihilot niya yung ulo niya. "Nauntog ako sa sanga ng puno" ungol niya.

Tinawanan ko naman siya. "Kung makapagsabi kang ako ang umalalay sayo parang mas kailangan ko eh, mukhang mas kailangan mo pala" ininis ko siya ulit.

"Matangkad kasi ako" sagot naman niya. Agad ko naman siyang sinundot sa tagiliran dahil doon. Pagdating sa usapang height, alis ako diyan kasi matangkad naman talaga si Chace.

Mga ten minutes mahigit na kaming naglalakad pero wala pa ring nangyayari. Para bang endless lang etong gubat na ito at hindi talaga kami makabalik sa beach. "Ano ba yan, mukhang wala tayong pag-asa na makabalik ah" sabi ni Chace.

"Hala, ano gagawin natin?" tanong ko sa kanya. Siguro naman may plano siya di ba? Wala akong kaalam alam tungkol sa mga ganitong bagay. Tapos medyo gutom na rin ako, ano ba yan. Survivor ba ito?!

"Eh di maghintay na magliwanag. No choice naman tayo, baka lalo lang tayong malayo kapag nagpumilit pa tayong maghanap ng daan pabalik" sabi ni Chace sabay upo.

"Baliw ka ba?! Dito tayo matutulog?! Paano pag nalaman ng teachers na nawawala tayo? Ano ng gagawin natin?" Bakit ba kasi parang okay lang sa kanya ang maligaw dito? Di man nga lang siya nag-aalala eh.

"Key, ano man ang gawin natin eh naliligaw pa rin tayo. No choice tayo kundi maghintay na mag-umaga. Maupo ka na nga lang dito, wag ka ng mag-panic at baka makasama pa sayo" hinawakan niya yung braso ko saka niya yun hinila ng kaunti.

Nagbuntong-hininga na lang ako saka ako naupo sa tabi niya. Patay kami bukas, sana na lang di eto malaman ng teachers. Kung hindi lagot talaga kami ni Chace. Takte, pag minamalas nga naman. Nagkataon pa na naka-shorts lang ako at manipis na t-shirt. Ramdam ko na 'yung lamig tapos baka magkapantal pa ako dahil mukhang maraming lamok dito.

"Di ka ba nilalamig? Mukhang ayos ka lang ah" tanong ko kay Chace. Siya kasi naka-relax lang, siguro boy scout eto dati kaya mukhang ayos lang.

Umiling lang siya saka siya humarap sa akin. "Ikaw ba?" tanong niya. Tumango ako saka ko niyakap yung binti ko, nilalamig na talaga ako eh. Nagkataon naman na humangin ng malakas kaya lalo akong kinilabutan ng dahil sa lamig.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon