STORM

5.6K 270 34
                                    

Chace's POV

Maaga akong nagising ngayon kahit na ba Sabado. Siguro dahil hindi ako sanay na matulog sa ibang kama, bumangon na ako at pumunta na ako sa may kama ko. Mahimbing pa rin na natutulog si Key doon, nakakagigil lang kasi ang sarap niyang pisilin dahil ang cute nga naman niya.

Di ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa kanya, grabe paano na lang kapag nahuli niya ako? Baka kung ano pa ang ibintang niya sa akin. Aalis na sana ako ng biglang dere-derechong bumangon etong si Key, tumingin siya sa akin at halatang antok na antok pa rin siya.

"Nagugutom na ako" ungol niya. Tapos saka pa lang niya kinusot yung mga mata niya. Narinig ko naman na umungol yung tiyan niya at di ko maiwasang matawa.

"Ayan, di ka kasi kumain kagabi" sabi ko sa kanya. "Tayo na, ipagluluto kita. Walang tao dito ngayon, puro sila may pasok" sabi ko habang hinila ko siya paalis sa kama.

"Wala naman kasi akong gana eh, pero ngayon nagugutom na talaga ako" ngumuso siya. "Tara na, gutom na ako" sabi pa niya habang hinahatak niya yung t-shirt ko.

"Oo na, maghilamos ka na muna at saka ka bumaba" sabi ko sa kanya sabay turo sa CR. Sumunod naman siya, bumaba na ako para magluto ng agahan namin. Ganun pala si Key, nakakatuwa naman. At home na at home lang talaga siya sa bahay ko, kung makapagreklamong nagugutom para bang hindi pinapakain ng magulang.

"Chace! Luto na ba?!" tahimik akong nagluluto sa kusina ng marinig kong sumigaw si Key mula sa may dining area namin.

"Maghintay ka nga!" sigaw kong pabalik.

Pagkatapos kong magluto ay hinanda ko na yung pagkain naming dalawa. Bacon, eggs, corned beef, kanin at tsaka orange juice. "Siguro naman ayos na yan?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman, salamat!" sabi niya sabay kain.

Mas marami pang nakain si Key kaysa sa akin. Hinayaan ko na lang since hindi naman siya nakakain ng maayos. "Pero Key, ano na ang gagawin mo? Kailan ka ba uuwi?" tanong ko sa kanya. Ayoko na sanang ipaalala sa kanya yun kaso nga lang, kailangan talaga.

Napahinto naman si Key sa pagkain niya saka siya tumingin sa akin. "Uuwi ako mamaya, siguro naman lumipas na yung galit ni mommy kahit paano" nakikita ko sa mga mata niya na nalulungkot pa rin siya dahil sa mga sinabi ng mommy niya. Narinig ko 'yun, sumisigaw kasi yung mommy niya kaya narinig ko yung usapan nila.

"Sigurado ka na magiging okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Umiling naman siya kaagad.

"Syempre hindi, pero kailangan eh. Ayoko ng maging abala pa dito, at sanay na din lang ako. Ang kaibahan nga lang, di ako kila Audrey nakitulog ngayon" ngumiti siya, pero alam ko na peke lang yun.

Nagpatuloy na lang kaming kumain pagkatapos nun. Si Key na lang ang nag-offer na maghugas ng pinggan since nakakahiya naman daw sa akin. Nagpunta muna ako sa living room para manuod, naririnig ko naman na kumakanta si Key mula sa kusina.

Tiningnan ko yung cellphone ko saka ako nag-dial ng number. "Punta ka sa bahay namin, ite-text ko na lang yung address. Importante ito" sabi ko. Sumagot naman ng oo yung nasa kabilang linya kaya binaba ko na saka ko tinext yung address ng bahay namin.

Maya-maya ay dumating na si Key. Naupo siya sa tabi ko at tinaas pa niya yung paa niya sa coffee table, at home lang talaga.

Kasalukuyan na nanunuod kami ng Adventure Time ng biglang may nag-ring ng doorbell namin. "Ako na ang sasagot" masayang wika ni Key at agad-agad siyang pumunta sa may pinto. Natawa naman ako dahil kilala ko naman kung sino yung dumating.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon