I Can't Ask Her

3.9K 190 34
                                    

Hero's POV

"Hero, nandyan pa rin ba si Elise? Kailan ba aalis yun?" Tsss... umagang-umaga tapos iyan ang pambungad na tanong ni Gray sa akin. Nakakairita lang.

"Hanggang Friday lang yata yun eh" sagot ko sa kanya.

"Ayaw pa rin bang tumigil? Nako, di kaya magselos si Key niyan?" sabi naman niya. Bakit ba kasi doon pa talaga sa ospital ng magulang ni Elise na-confine si Key? Mali pala, bakit ba kasi nandoon si Elis nung na-confine si Key?

Matagal ko ng inalis si Elise sa buhay ko, hindi ko naman inaasahan na bigla na lang siyang magpapakita ulit saka niya ipagsasaksakan ulit ang sarili niya doon. Ngayon pati tuloy si Key ay naapektuhan ng dahil sa kanya.

"Ayaw eh. Nagalit nga yata si Key sa akin kahapon, iniwan akong kasama si Elise. Kakausapin ko si Elise mamaya, baka sakaling tigilan na ako" sagot ko kay Gray bago ako umalis ng bahay.

Pagdating ko sa school ay nakita ko naman sa may tapat ng high school building sina Audrey at Key. Glad to see them together again, mas okay na sa akin yung ganitong eksena kaysa naman sa nag-aaway sila.

"Hero" napalingon ako doon sa tumawag sa akin, si Chace pala.

"Bakit?" tanong ko sa kanya. Halata naman na nakatingin siya kay Key ngayon. Why do I feel so uneasy?

"Wala, ayos na ba kayo ni Key? Sensya na rin dahil hinayaan kong sumama si Key sa akin" sabi naman niya.

Umiling lang ako. "Di ko alam kung okay lang kami eh. Kasalanan ko rin naman kung bakit nainis si Key, nadamay ka pa tuloy" sabi ko naman sa kanya.

Lumapit na kami papunta kila Key. Ngumiti ako kay Key at ngumiti naman siya ng kaunti sa akin. Okay ba kami o hindi? Napansin ko naman na mukhang nagkailangan pa silang dalawa ni Chace.

"Key, sorry dun sa kahapon. Eh kasi-"

"HEROOOOO!"

Anak ng, di pa ako nakakatapos sa sinabi ko ay lumapit na kaagad sa akin si Elise. Pagkalapit naman niya ay napasimangot na kaagad si Key. "Bakit ka ba nandito ha?" tanong ko sa kanya.

"Bakit? One week lang ako dito kaya susulitin ko na" sagot naman sa akin ni Elise.

Lumayo ako sa kanya saka ako lumapit papunta kay Key. Nung nahalata kong lalayo siya ay hinawakan ko kaagad siya sa braso saka ko siya hinila kaagad palayo. Susunod yata sa akin si Elise pero nakita kong hinarang siya ni Chace. I guess I owe one for him. Huminto kami nung nakarating na kami sa likuran nung building. "Can we talk?" tanong ko sa kanya.

"Bakit? May pag-uusapan ba?" ngumiti siya.

"Don't play dumb. Alam kong galit ka sa akin" I deadpanned. Umiwas naman kaagad siya ng tingin saka siya tumango ng mabagal.

"Eh nakakainis si ate Elise eh. Akala ko ba past is past? Ano pa pinuputok ng buchi niya?" nakanguso niyang tinanong. Natawa naman ako ng mahina dahil sa sinabi niya.

"May mga tao lang talagang mapilit, sorry na din dun sa mga sinabi niya kahapon. Ako ang nahihiya dahil sa sinabi niya eh" sabi ko sa kanya.

Oo tama naman yung sinabi ni Elise na 'Hindi kami ni Key' pero hindi ba siya nakakaramdam na doon rin papunta 'yun? Matagal ko ng nililigawan si Key pero never ko pa siyang tinanong kung pwede bang maging girlfriend ko na siya. Nagkaroon kasi ng gulo sa kanila ni Audrey, kaya di ko siya magawang tanungin nung time na 'yun dahil alam kong mas lalo lang na magagalit sila Audrey sa kanya. Sunod naman ay nalaman kong may sakit siya, tapos ngayon dumagdag pa si Chace at lalo naman si Elise.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon