Doubts

6.1K 288 37
                                    

Audrey's POV

Students' fair na nga pala and today is our performance day. Honestly ngayon lang ulit ako nakaramdam ng kaba, kasi ba naman ang dalang umattend ng practices ni Key. She's been too busy these past days but I didn't want to probe in on whatever she's doing.

"Key, makakapag-perform ka ba? Kung gusto mo huwag ka na munang sumama" sabi ko sa kanya, not that wala akong tiwala sa kanya. Ayoko lang na ma-pressure siya, after all ngayong umaga lang namin tinuro sa kanya lahat ng dapat gawin niya.

"Wala ka bang tiwala sa akin? Kaya ko 'yan no" masaya niyang sinabi. Nasa Drama club room kami kasi mamayang ten o' clock ang simula ng program, eight pa lang naman kaya dito muna kami nag-aayos.

"Syempre may tiwala ako sayo, let's just do our best okay?" tumango naman siya pagkatapos nun.

"Anyways Audrey, di mo ba napapansin na parang may naiba sa ugali ni Chace?" tanong sa akin ni Key.

"Lately, mas cheerful and outgoing na yata siya?" di rin naman ako sure since hindi ko naman siya ganong pinapansin unless na siya ang unang kakausap sa akin.

"Oo nga Audrey, grabe lalo yatang pumopogi tapos ang appeal naiiba rin!" sabi naman ni Lyah.

"Paano mo naman nasabi?" tanong ko.

"Maraming nakakapansin sa kanya ngayon, and balita ko pa nga marami sa seniors naten ang may crush sa kanya. Pogi daw kasi at ang mas maganda pa raw ay magkaibang magkaiba sila ni Hero, para bang ibang taste naman ng kagwapuhan ang binigay sa atin" pagpaliwanag ni Yancy.

"Agree! Si Hero yung tahimik na type tapos si Chace naman yung cheerful type" sabi naman ni Marley.

Hanga na ako sa kanila, na-observe pa talaga nila yun? Madalas nga ulit na lumapit si Chace sa akin and really masaya siyang kakwentuhan kaso nga lang iba pa rin ang dating ni Hero sa akin. Ibang level siya kumbaga.

"Nga pala Key, bakit ka ba madalas na hindi uma-attend ng practice? Kahit tuwing vacant hours di ka rin sa amin sumasama eh" tanong ko naman. Concerned lang naman ako. Baka kasi may problema siya or may nangthre-threat na sa kanya.

"Ah yun ba? Sorry but may inayos lang ako then may ilang problems pa sa bahay kaya ganun" sabi niya.

"You know kung may problems ka sa amin ka na lang lumapit Key. Napapansin ko ngayon ang madalas mong kausap ay si Chace. Yung totoo, may relasyon ba kayo or what?" tanong naman ni Marley.

We don't mean to probe, kasi kapag kami lang ang magkakasama at wala si Key eh di namin maiwasan na pag-usapan siya. Not that may masama kaming sinasabi, yung observations lang like nung una too close sila ni Hero and now madalas pa niyang kausap si Chace.

"Ano ba naman kayo, friends lang kami ni Chace. He's fun to be with at syempre bumabawi ako sa kanya dahil nga sa pambu-bully ko sa kanya" paliwanag naman ni Key.

"Friends daw" pang-iinis ni Marley.

"Oo nga, alam naman ninyo na si Audrey talaga yung gusto ni Chace right?" sabi naman ni Key.

"Please Key, avoid that topic. Alam niyo rin naman na si Hero lang ang gusto ko" I crossed my arms and rose my brows at her.

Napakamot naman sa ulo niya si Key. "Fine"

Maya-maya ay natapos na kaming magbihis sa costumes namin and naglalagay na lang kami ng make-up. Nauna namang natapos si Key kasi ayaw magpalagay, eyeliner lang daw ay sobra na kaya huwag na lang. She's such a baby. Tapos habang tinitingnan ko siya ay parang may ka-text pa siya.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon