Till We Meet Again

4.1K 186 22
                                    

Key's POV

Mahigit one month na simula nung nawala si Hero. I'll be honest, I haven't moved on. Mahirap kasi eh, usually tulala lang ako o kaya minsan kapag naiisip ko siya eh naiiyak na lang ako bigla.

"Key, di mo ba pupuntahan si Hero? Forty days niya ngayon" sabi ni mommy pagkabukas niya nung pintuan ng kwarto ko.

Di lang pala basta mahigit one month, forty days pala niya. Nakaupo lang ako sa may study table ko at nakatingin lang ako doon sa mga nakasabit na pictures. Karamihan sa pictures dito ay puro si Hero at ako, yung times na sobrang saya namin.

Naramdaman kong nasa may likuran ko na pala si mommy at nakayakap na pala siya sa akin. "You'll be okay Key" sabi niya saka niya ako hinalikan sa pisngi. Araw-araw yung sinasabi sa akin ni mommy simula nung nawala si Hero. Hindi ko lang alam kung effective kasi mabigat pa rin ang pakiramdam ko eh.

Ilang weeks na rin ang lumipas simula nung nakalabas ako sa ospital, pero pabalik balik pa rin ako para sa treatment at rehabilitation. May schedules rin ako sa mga therapist, ang recovery ko raw kasi ay hindi lang dapat physically, mas importante yung emotional recovery ko.

Homeschooling lang rin ako ngayon dahil di pa ako pwedeng pumasok, natapos na yung school year ng wala ako kaya kailangan kong maghabol or else magiging repeater ako.

Madalas rin akong bisitahin nila Audrey dito, pati na rin si Gray at sina tito at tita. Malaki 'yung tulong na binibigay nila sa akin para maka-move on ako. Lalo pa ngang naging close 'yung family ko sa family ni Hero, mas masaya sana kung nandito pa siya.

Chace hasn't talked to me since then. Huli naming usap ay noong libing pa ni Hero. Balita ko ay nakahabol pa daw siya sa last two weeks ng pasukan kaya okay lang siya. Pero sabi naman sa akin nila Audrey ay ayos lang daw si Chace sa school at nakakausap pa rin daw nila, ako lang siguro talaga yung iniiwasan niya.

"Pupuntahan ko po si Hero" sabi ko kay mommy at ngumiti naman siya.

Nag-ayos na ako at hinatid ako ni daddy papunta sa sementeryo. "Iwanan na kita?" tanong sa akin ni daddy.

"Opo, magte-text na lang po ako kapag magpapasundo na ako" sabi ko kay daddy habang bumaba ako sa kotse.

Pumunta na ako sa may libingan ni Hero at una kong napansin ay ang maraming bulaklak at kandila na nakaayos dito. Binuksan ko yung bag na dala ko at nilatag ko yung blanket na dala ko saka ako naupo.

In loving memory of Hero Torres

"Your memories will remain in our hearts forever"

Nakatingin lang ako sa lapida niya, meron pa ngang picture niya doon eh. Lalo ko lang tuloy siyang na-miss. Maraming beses na akong nakakapunta dito pero hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako sa tuwing pupunta ako dito. I guess hindi ko pa rin talaga kayang tanggapin.

Inayos ko 'yung dala kong mga bulaklak para sa kanya. Dumapa ako saka ako tumabi sa may lapida niya, ganito ako palagi. Iniisip ko lang nakatabi ko siya, minsan siguro napagkakamalan akong baliw nung ilang bumibisita dito. Minsan nga inaabutan ako nila tita na nakakatulog dito ng mag-isa eh.

"Kamusta ka na?" tanong ko habang nakatingin ako sa picture niya. "Miss pa rin kita. Binabantayan mo pa rin ba ako?"

"Alam mo ba na sabi nung doctors ko na very good daw ako kasi ang healthy healthy ko na daw? Konti na lang full recovery na ako" ngumiti ako. "Ang bilis nga daw ng recovery ko eh, parang di daw na-detect ng katawan ko na foreign object yung puso mo" tumawa ako ng mahina. "Bakit naman magiging foreign object yun eh sayo nga nanggaling?" naramdaman ko na naman na namumuo na yung mga luha ko.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon