Beach

4.8K 224 33
                                    

Key's POV

Pagkadilat ng mga mata ko napansin kong nasa di pamilyar na kwarto ako. Napaisip tuloy ako kung na-kidnap ba ako o kung ano man, saka ko pa lang na-realize na field trip nga pala namin at sumama yung pakiramdam ko.

"Gising ka na pala" bumungad kaagad sa akin yung isa sa mga rare smiles ni Hero. Ang sarap ng ganitong feeling no? Parang mag-asawa lang?

"Buti pinayagan ka dito" sabi ko sa kanya habang kinusot ko yung mga mata ko.

"Sino nagsabing pinayagan ako dito?" tanong naman niya bigla. Tiningnan ko lang siya na para bang nagtataka. "I know what you're thinking" pinangunahan na niya ako. "Binabantayan lang naman kita, wala akong ginawang masama kaya okay lang na mag-stay ako dito without permission" dagdag pa niya.

"Ganyan ka na bang ka-concerned sa akin Hero?" pabiro kong tanong sa kanya. Wala lang, I'm in the mood for teasing. Nakapagpahinga na kasi ako eh.

Next thing I know, he went close... too close for my own comfort. "Like I said, wala namang masama di ba?" then he gave me a quick peck on the cheeks.

"Hoy!" napasigaw ako bigla. Masyado naman kasing nanggugulat itong lalaking ito eh! Tinakpan ko na lang yung mukha ko dahil napahiya ako masyado. "Nakakainis ka, wag mo nga akong gugulatin" sabi ko sa kanya.

Nginitian lang niya ako saka niya ginulo yung buhok ko, kung may igugulo pa man yun dahil bagong gising nga lang ako. "Magkita na lang tayo sa labas, magbihis ka na. Everyone's planning on going to the beach" sabi niya saka siya umalis.

Oo nga pala, kaya nga kami nasa Zambales eh, to enjoy the outdoors. Tomorrow naman may team building kami, tapos sa last day may bonfire. For today, e-enjoyin lang namin yung beach. Teka, nasa beach di ba? Ibig sabihin...

May chance na makita kong shirtless si Hero!

Nasampal ko na lang bigla ang sarili ko. Ano na naman ba itong pinagi-iisip ko? Argh Key, umayos ka na nga.

Nagbihis na ako at lumabas na nga ako sa kwarto ko. Naglakad-lakad muna ako sa may beach since di ko gaanong nakita kanina, habang naglalakad ako nakasalubong ko naman bigla si Chace at parang may iba sa mood niya.

"Chace" tinawag ko siya. Kung hindi ko pa siya tinawag ay siguro di pa niya ako mapapansin.

"Ah Key, okay ka na ba?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako saka ngumiti, dapat ko nga rin pala siyang pasalamatan dahil dun sa kanina sa bus. "Buti okay ka lang, saan ka nga pala pupunta?" may iba talaga sa kanya ngayon.

"Sabi kasi sa akin ni Hero eh magkikita-kita na dito yung mga students kaya nga nagbihis na ako eh. Pero teka lang ikaw ba, okay ka lang? Mukhang may problema ka eh" sabi ko.

Napatulala lang siya sa akin. Matagal lang siyang tulala saka siya biglang umiwas ng tingin. "A-ah... oo nga pala. Sinabihan nga pala ako ni Hero kanina, susunod na lang ako, magbibihis lang ako" bago pa man siya malayo ay nahatak ko yung t-shirt niya kaya napaatras siya bigla.

"May weird sayo eh, okay ka lang ba?"

"Okay lang ako, nakausap ko lang kasi si Audrey kanina kaya naiba yung mood ko" sagot naman niya. Kaya pala, pero bakit naman sila mag-uusap ni Audrey? "Sige Key, aalis na ako" pagkatapos noon ay umalis na siya kaagad.

Seriously Chace, what is up with you?

Di nagtagal at nagkita na nga kami ni Hero doon sa beach. It took all my self control to not smile like an idiot when I saw him. Paano ba naman kasi, artistahin ang dating eh. Bakit kamo? Naka-maong pants, fit na V-neck shirt tapos naka-shades pa. At ako? Napasimple naman yata masyado ng suot ko, pero teka di naman pormahan eto di ba?

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon