Bonfire

3.9K 202 37
                                    

Audrey's POV

I couldn't wipe the smug grin I have on my face. Nakita kong nag-uusap si Key at Chace and from the looks of it, Chace has no intentions on giving up on Key just yet. Who knows? In the end, things might end up going my way.

Kahit na anong pag-iwas sa akin ni Hero, wala yung magagawa kasi hindi pa rin niya kontrolado kung ano ang nararamdaman ni Chace. Kahit na ba hindi siya naniwala sa akin kagabi, alam ko pa rin na nagdududa siya kahit papaano.

Alam ko rin na wala si Key kagabi, maraming salamat na lang kay Hero at gising pa ako nung nautusan siyang mag-check ng attendance kagabi.

"Bakit gising ka pa?" naiiritang sabi ni Hero ng makita niyang gising pa ako. Tulog na yung dalawang kasama ko sa kwarto habang ako naman ay nagbabasa pa rin ng pocketbook.

Nginitian ko lang siya. "Not tired" simple kong sagot.

"Matulog ka na" maikli niyang sinabi, isasara na sana niya yung pinto pero pinigilan ko siya.

"Bakit ikaw ang nagche-check Hero? Di ba trabaho yan ng teachers?" tanong ko sa kanya. Umiwas lang siya ng tingin.

"Wala kang pakialam Audrey" sabi niya saka niya sinara yung pinto. Narinig ko naman na binuksan niya yung pinto ng katapat naming kwarto. Yung kwarto nila Lyah at Key.

Bakit kaya si Hero ang nag-rounds? Nung medyo nagtagal ay dahan-dahan akong lumabas at saka ako sumilip sa kwarto nila Key. Agad akong napangiti sa nakita ko. Wala si Key sa kwarto niya.

I knew what comes next, chineck ko na rin yung kwarto ni Chace at nakita ko na wala rin siya. So magkasama pa rin sila hanggang ngayon simula nung umalis sila nung party.

Based from everything I observed, umamin na si Chace kay Key at walang kaalam-alam si Hero. Of course sinabihan ko naman si Hero pero di naman siya naniwala, hindi ba mas masaklap kapag siya mismo ang nakakita ng di pa rin sinasabi nila Chace sa kanya?

Natigil ako sa pag-iisip ko ng makita kong palapit sa akin si Lyah at mukhang bagong iyak siya. "Okay ka lang ba? Anong nangyari?" tanong ko kaagad sa kanya.

"Wala eto, miss ko lang sila mommy" sagot niya saka siya agad umiwas ng tingin. Alam kong nagsisinungaling lang siya, pero mukhang sensitive masyado kaya hinayaan ko na lang siya.

Pagkatapos noon ay nag-start na kami sa team building. Lahat kami ay nakabilad sa araw at nagpapa-participate sa mga games habang etong si Key ay nakaupo lang sa isa sa mga cottage at pinapanuod kami.

"Tingnan niyo naman si Key, VIP talaga eh" sabi ni Marley habang tinitingnan niya ng masama si Key.

"Hayaan niyo na lang siya, may sprain daw siya eh. Narinig ko lang kila Chace" sabi naman ni Lyah.

"Whatever Lyah, sprain pang nalalaman. Di naman siya nabalian eh" sambit ko naman. Nakita ko naman na lumapit si Hero kay Key at dinalan siya ng maiinom. Abot langit naman etong ngiti ni Key, para-paraan nga naman. Sprain lang yan, wala kang sakit!

"Bakit ba ang sama-sama na naman ng tingin mo sa kanila?" may narinig akong nagsalita mula sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko si Chace na nakakunot yung noo.

"Ikaw ba Chace? Still holding on?" pang-iinis ko sa kanya. Lalo lang siyang mukhang nairita.

Sinenyasan ko siya na sumunod sa akin. Lumayo kami sa mga tao para makapag-usap kami ng maayos. Di pa naman namin turn para maglaro kaya ayos lang. "Anong nangyari kagabi? Wala kayo ni Key sa kwarto niyo" nakangisi kong sinabi.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon