Too Late

3.3K 184 28
                                    

Audrey's POV

Everyone was panicking, nasa labas kami ng room ni Key ngayon. Masyado ng maraming nurse at doktor doon, everyone's crying. Bakit kailangan ganito pa? Sinubukan kong tawagan si Hero pero di naman niya sinasagot yung calls, tinawagan ko rin si Chace pero isa pa rin yung di sumasagot.

Nagpunta na muna ako sa may lobby ng ospital. Damn, I hate this place. "Audrey, okay na daw si Key" Lyah said, I sighed in relief. "But that's only for now, kailangan na daw niya talaga ng donor" of course, lahat ng good news ay may kakambal na bad news eh. Kung ako nga ganito ang pakiramdam paano pa kaya ang parents ni Key? Paano pa kaya si Chace at lalong paano pa si Hero?

Nakatayo lang kaming dalawa ni Lyah dito sa may gitna ng lobby ng biglang may mga nagtakbuhan na staff papalabas. Sumilip ako sa may pinto at may nakita nga akong dalawang ambulansya doon.

"Miss, ano po yung nangyayari?" tanong ko sa isang nurse.

"May naaksidente po eh, car crash daw" pagkatapos ay nagmamadali na rin na lumabas yung nurse.

Tumabi na kaming dalawa ni Lyah dahil mukhang dadalhin na sa ER 'yung mga pasyente. I tried calling Hero again, nasaan na ba sila?

"A-audrey" nanginginig yung boses ni Lyah.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"'Yu-yung...mga naaksidente" nakaramdam ako ng matinding kaba dahil sa sinabi niya, inangat ko naman yung ulo ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko yung pinapasok na pasyente.

Si Chace at Hero. Parehas silang walang malay at duguan, sila yung naaksidente? Tinakpan ko yung bibig ko kasi nararamdaman kong maiiyak na ako. Hinawakan ko yung kamay ni Lyah, parehas lang kaming nanginginig ngayon.

Pumunta kami sa kwarto ni Key, nakita namin na natutulog si Key at nakakabit na ulit sa kanya yung oxygen mask. Si tito at tita naman mukhang alalang-alala pa rin. "Audrey, saan kayo nanggaling?" tanong nila Marley.

"Chace...Hero" 'yun lang ang nasabi ko kasi tumutulo na 'yung mga luha ko.

"Dadating rin sila Audrey, at stable naman na si Key di ba?" pagpapatahan ni Yancy sa akin.

Napahagulgol na lang ako ng malakas. "Si C-chace at Hero, na... naaksidente po sila. Dinala sila sa ER ngayon, nabangga yung sasakyan nila" alam kong hindi ito ang tamang time para sabihin sa kanila yun, pero ano ba ang choice ko? Di ko naman pwedeng sarilihin lang 'yun di ba?

"Ano? Audrey, baka hindi sila 'yun" sabi naman ni Marley, pero kita ko ang kaba niya.

"Sila, nakita namin" sagot naman ni Lyah habang pinupunasan niya 'yung mga luha niya.

Lumabas sila sa kwarto at sinabihan nila akong maiwan muna kay Key. Tatawagan na rin yata nila yung parents nung dalawa. Kumuha ako ng upuan at nilapit ko 'yun sa kama ni Key. Hinawakan ko yung kamay niya at patuloy lang akong umiyak.

Kasalanan ko ito, kung hindi ko inaway si Key eh di sana hindi bumalik yung sakit niya. I was selfish and now ito 'yung kabayaran. Ngayon hindi lang si Key yung nanganganib, pati na rin si Chace at Hero.

From the looks of it, matindi 'yung pagkakabangga nila. Wala silang malay parehas eh, duguan rin sila. Pero ayokong isipin yun, they'll be okay right? Magigising rin sila di ba?

Maya-maya ay dumating na sila sa kwarto, ayoko munang magtanong kasi nababasa ko naman sa mga facial expressions nila na hindi maganda yung balita. Napapatanong na lang ako, ano ba ang maling ginawa nitong tatlo para mag-suffer sila ng ganito?

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon