Mistakes

3.9K 216 43
                                    

Key's POV

Pinilit ko yung sarili kong tumakbo, di ko na lang pinansin yung sakit na nararamdaman ko dahil napwepwersa ko yung paa ko. Ang importante ay ang makalayo ako sa kanila. All this time naghihintay ako ng tamang tiyempo para masabi ko yun kay Hero pero di ko aakalain na si Audrey mismo ang magsasabi.

Pumasok ako sa kwarto ko at sumalampak na lang ako sa sahig. Sobrang sakit na nung paa ko at mukhang namamaga pa nga ito. Bumukas naman yung pintuan at nakita kong dumating si Hero at Lyah. Bakit nandito si Lyah?

"Key, okay ka lang ba? Dapat di mo pinwersa yung sarili mo" nagulat ako dahil mas nauna pang lumapit si Lyah sa akin kaysa kay Hero. Nasa may pintuan lang si Hero at nakatingin lang siya sa akin.

"B-bakit ka nandito?" nagtataka kong tanong. Hinawakan lang ni Lyah yung balikat ko saka siya tumingin sa akin.

"I know everything Key, I'm sorry. Sorry dahil sinunod ko lang si Audrey, iniwan kita back then. I was a bad friend" bigla na lang siyang umiyak saka niya ako niyakap. "Sorry dahil isa ako sa mga dahilan kung bakit bumalik bigla yung sakit mo"

Niyakap ko na lang siya pabalik. It feels good, I've missed a girl's company. Akala ko beyond repair na ang lahat pero mali ako, look at Lyah now. Sabihin man na dahil lang ito sa sakit ko kaya siya nag-sorry, thankful pa rin ako kasi alam kong kaibigan ko pa rin siya. That's enough for me.

"Okay lang Lyah, and don't worry di naman serious yung sakit ko eh" sabi ko sa kanya. Humigpit lang yung yakap niya sa akin.

"Nagsisinungaling ka na naman Key, alam kong seryoso yan. Maging open ka naman sa akin" mahina niyang sinabi.

"Sorry, ayokong mag-alala ka eh. Anyways, friends na ulit tayo ah" nginitian ko siya at tumango na naman siya.

Napatingin naman ako sa may pintuan at naalala kong nandoon nga pala si Hero! Nakaramdam naman si Lyah kaya lumayo muna siya sa akin. Seryoso lang yung tingin sa akin ni Hero, galit ba siya?

"Sorry Hero" sabi ko saka ako yumuko. "Alam kong medyo selfish yung ginawa namin ni Chace na yun. Pero ginawa lang naman namin yun kasi mahal kita at mahal ni Chace si Audrey kaya ayun. Wala naman akong sinira na relasyon kasi sa simula pa lang naman di ba wala ka naman talagang gusto kay Audrey?" napahinto ako para tumingin sa kanya. Di ko mabasa yung ekspresyon niya ngayon, di ko alam kung galit siya o disappointed o kung ano man.

"Ang gusto ko lang naman ay mapansin mo ako, kaya naging desperate na rin ako. Nauna na humingi ng tulong si Chace sa akin at kahit na alam kong wala akong kinalaman sa kanila ni Audrey ay pumayag ako kasi kapag naging sila, maso-solo kita. Sorry talaga"

I have my own flaws. You can count lying and being selfish with it. Isa ito sa mga pagkakamali ko, natatakot lang ako kasi baka mawala sa akin si Hero.

Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Hero, nilapitan niya ako saka niya ako niyakap. "You think all of that matters now?" sabi niya.

"Ha?" sabi ko habang kumalas ako sa yakap niya.

Ngumiti lang siya sa akin. "Magplano man kayo ni Chace o hindi, wala pa ring magbabago. I would still fall for you"

Agad namang bumilis yung pagtibok ng puso ko at napakagat na lang ako sa labi ko para mapigilan ang sarili ko na ngumiti na parang loko-loko.

"So tinago niyo sa akin yun, I'm fine with it. Dati pa lang naman kahit magkasama kayo ni Audrey, hindi ba ikaw pa din ang una kong napapansin? But I hate to say it though, but I personally think that you and Chace still owe an apology to Audrey" sabi naman niya.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon