Plans

7.7K 389 55
                                    

Chace's POV

Bakit kaya ganun? Ano man ang gawin kong paglapit kay Audrey, wala namang nangyayari. Gusto ko talaga siyang ligawan kaso nga lang, di pa ako nagsisimula basted na kaagad. Ang sakit sa pakiramdam pero hindi ako titigil, desperado na ako eh.

Kaso nga lang wala talagang progress. Mukha nga na gumagawa pa ng paraan si Audrey na lumayo eh. Nakikita ko na madalas siyang bumubuntot kay Hero, nakikipag-usap siya madalas dito kahit halata naman sa mukha ni Hero na hindi siya interesado kay Audrey. Nakakainis nga eh, ako na may sobrang effort na mapansin niya ang hindi niya man lang pinahahalagahan samantalang si Hero na halos wala namang paki sa kanya ay siya namang pinagbubuhusan niya ng lahat ng oras niya.

Pero wala eh, ayoko pa rin namang tumigil. Decided na talaga, gagawin ko ang lahat para mapansin ako ni Audrey. Naalala ko tuloy yung nangyari kanina...

Nakita ko na makakasalubong ko si Audrey at yung ibang members ng Prism. "Hi Audr-" kaso nga lang bago ko pa man matapos ang pagbati ko eh hinatak ni Audrey palayo sila Marley at Yancy. Natatawa namang sumunod si Lyah habang nagkatinginan lang kami ni Key ng sandali.

Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko eh, parang na build up na lahat ng frustrations ko. Kinuha ko yung gitara ko saka ako dumerecho sa rooftop. Tutal alam ko rin lang na ayaw ng mga estudyante dito kasi wala naman daw aircon. Spoiled brats talaga oh, rooftop na lang gusto air conditioned pa rin?

Naupo na lang ako sa isang sulok saka tumugtog ng random na kanta. Gusto ko sanang kumanta kaso nga lang parang masakit yung lalamunan ko. Nagpipigil kasi akong maiyak, si Audrey naman kasi eh. Bakit ba siya ganito sa akin?

Di nagtagal nakita ko si Key na nasa may gilid, aalis na siguro siya pero tinawag ko siya bigla.

"Huwag kang umalis Key, please"

Sabi ko, mukha namang nagulat siya nung tinawag ko siya. Humarap siya sa akin. "Bakit?" tanong niya.

Desperado na kung desperado pero alam ko sa sarili ko na wala akong pag-asa unless na magpapatulong ako sa kanya. "Pwede ba na tulungan mo ako?" nilagay ko sa isang tabi yung gitara ko. Lumapit siya sa akin saka siya sumandal dun sa pader, di na siya umupo.

"Tulong? Saan naman?"

"Alam mo naman siguro na may gusto ako kay Audrey di ba?" nagbuntong-hininga lang si Key.

"Chace, halos lahat alam na may gusto ka kay Audrey. Common news na yun, kasi nagmumukha ka nang kawawa. Maglubay ka na lang kaya?" hindi man lang siya tumingin sa akin nung sinabi niya yun. Napaisip tuloy ako. Lahat ba ng members ng Prism ay rude sa kausap nila o baka naman sa akin lang?

"Tulungan mo ako kay Audrey" sabi ko sa kanya.

"Chace, wala akong karapatang mangialam diyan. Wala naman akong kinalaman kay Audrey at sayo" sabi pa niya.

"Please? Kung sarili mo napagbago mo siguro naman kaya mo akong tulungan di ba?" ganito na akong kadesperado. Pathetic right?

Mukhang tatanggi pa ulit siya pero humirit ulit ako. "Key, please? At this rate, malamang sa magkatuluyan pa si Hero at Audrey eh" yumuko na lang ako. Hindi ko siguro kayang pilitin to. As far as I know, loyal ang members ng Prism sa isa't-isa.

Inaantay ko na lang na umalis siya kaso nga lang naupo siya bigla sa tabi ko. "Fine. I'll help pero ipangako mo na aayusin mo" seryoso siya? Napangiti ako bigla.

"Tutulungan mo talaga ako? Sige, pangako aayusin ko" sabi ko naman kaagad. "Teka lang Key, may gusto ka ba kay Hero?" tanong ko sa kanya. Napatulala siya bigla saka siya umiling.

"Huli" sabi ko.

"Pwede ba huwag kang maingay? Matagal ko ng di pinapaalam kahit kanino yun dahil alam kong gusto ni Audrey si Hero" naiinis niyang sinabi.

"Ah, edi tutulungan mo na talaga ako. Kailangan mapansin ako ni Audrey para mapansin ka naman ni Hero" sabi ko sa kanya. Tumango naman siya bigla. Ang bilis nun ah? Ganito ba ang epekto ni Hero sa mga babae?

"Okay, so una sa lahat di pwedeng malaman ni Audrey na ako ang tumutulong sayo. Pangalawa naman di naman pwede na makita nila tayo na madalas magkasama kasi mamaya baka tayo pa ang mapagkamalan" sabi naman niya sa akin.

"Sige, ayos ako dyan. Kaso nga lang paano pag magkasama si Hero at Audrey?" tanong ko sa kanya. Napasimangot naman siya bigla.

"Huwag mong hayaan. Kung magkasama sila edi paghiwalayin" sagot niya. Iniiwasan kong matawa, kasi ba naman may iniisip pa akong loyal ang Prism sa isa't-isa eh eto ngang si Key handang maglihim basta ba mapunta sa kanya si Hero eh.

"Eh paano na gagawin natin?" tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako ng matagal tapos parang malalim yung iniisip niya. "Madali lang yung sa physical eh. Kung tutuusin ayos lang naman ang pagmumukha mo eh, yung ugali mo lang yung nakakarindi eh" ang sakit naman magsalita ng babaeng ito. Di ba niya pwedeng ayusin man lang?!

"Eto kasi kaya lalong lumayo si Audrey sayo. Nung una, di ka nagsasalita pero ang dalas mo naman siyang tingnan kapag may klase o kung kailan mo trip. Tapos pag tinitingnan mo siya yun bang parang ang kulang na lang ay maglaway ka. Basta parang minamanyak mo siya" dere-derechong sabi ni Key. Gusto ko talaga siyang suntukin eh, kaso nga lang babae siya at isa pa, mukhang malakas gumanti etong babae na ito.

"Tapos ngayon naman naghahabol ka. Seryoso, sino ang natutuwa kapag hinahabol habol ng isang weirdo? Suggestion ko ngayon, bawasan mo yung pagiging mahiyain mo, tapos lumayo ka muna kay Audrey" napasimangot naman ako.

"Teka di naman pwedeng lumayo na lang ako kay Audrey eh" reklamo ko sa kanya.

"Chace, kailangan yun. Para hindi na marindi sayo si Audrey. Konting iwas pwede? Para kang stalker eh" sabi niya.

Di na lang ako sumagot, siya naman yung expert eh kaya nanahimik na lang ako. Matagal kaming tahimik lang, parehas siguro kaming nag-iisip kung ano ang gagawin namin para matupad ang plano namin. Sa tingin ko naman kaya ni Key na makuha si Hero eh, wala rin lang yata siyang interes kay Audrey eh at alam kong magaling sa mga ganun si Key kaya kakayanin niya. Ako lang naman talaga ang main problem dito eh. Likas sakin ang pagiging mahiyain o "mahinhin" pa nga raw. Tss nakakabading talaga, mga bwisit! Paano ko mababagong tuluyan ang ugali ko?

"This weekend, punta tayo sa mall. Physical muna atupagin natin. Pero ngayon pa lang subukan mong umayos ng kaunti, kausapin mo yung iba nating kaklase tapos kapag nasa bahay ka kausapin mo sarili mo sa harap ng salamin." Sabi sa akin ni Key bago siya tumayo.

"Aasahan kita dito Key" sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin. "Pasalamat ka nakikita ko yung sarili ko sa iyo" sabi niya bago siya umalis. Nag-stay ako doon ng ilang minuto saka ako bumaba at bumalik sa room. Nakita ko nga na nandoon na si Key. Nagpunta na ako sa upuan ko sa likuran at tinabi ko na rin yung gitara ko. Di nagtagal ay napansin kong natingin si Key sa akin. Ngumiti siya bigla, may plano na ba siya kaagad?

"Hoy! May dala palang gitara si geeky. Oy! Tumugtog ka nga, tingnan ko lang kung may skills ka o pang porma mo lang yan" malakas ulit yung boses niya kaya narinig siya kaagad ng mga kaklase namin.

"Tutugtog na yan" sinimulan niya. Tapos yun na nga nakigaya na silang lahat. "Tutugtog na yan! Tutugtog na yan" nakita kong sinesenyasan ako ni Key na tumugtog na.

Kinuha ko yung gitara ko saka ako tumugtog. Laking gulat ko na lang na natahimik sila at mukhang gulat silang lahat habang pinapanuod ako. Yung iba ngang nakakaalam nung kanta ay naki-sing along pa.

"Wow Chace, may talent ka pala ah" sabi nung katabi ko. First time na may tumawag sa akin ng pangalan ko other than Audrey and Key. Improvement ba ito? Oo naman!

Nag-eenjoy na nga ang lahat sa jamming session na nangyari. Nakita ko naman si Key, binigyan niya ako ng "smile of approval" niya.

Mukhang madadalian yata kami sa plano namin ah.


Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon