Romeo and Juliet

5.4K 264 44
                                    

Chace's POV

Ako nga pala si Chace, former geek ngayon ay isa ng heartthrob sa school. Pero at this moment ay isa akong ninja.

Walang halong biro, ninja talaga. Kanina pa ako nakikinig sa usapan ng may usapan habang nakatago sa isang sulok. Kanina ay narinig ko ang usapan ni Key at Hero, yes excuse lang ang pagbili ng pagkain. I'm happy for Key, kaso nga lang alam kong gulo ang katapat nito. Kaya ayun, takbo sabay tago ako para makahanap ng maayos na pwesto para naman pakinggan ang usapan nila ni Audrey.

"Ako yung gusto ni Hero"

Narinig kong sinabi ni Key at alam kong ayaw niya talagang sabihin iyon. Halatang halata ang takot sa boses niya. Nakita kong lumayo si Audrey kay Key, it sucks kasi wala akong magagawa ngayon kundi ang makinig.

"Se-seryoso ka ba? Key, wala akong time sa biro" natatawang sinabi ni Audrey despite sa tear stains sa mukha niya. Pero hindi kumibo si Key, nanatili lang siyang nakakagat sa labi niya at nakatingin sa sahig.

"Oh gosh, totoo ba eto? Key?" medyo lumakas na ang boses ni Audrey.

"Audrey, I'm sorry. Ang bilis nung nangyari, sinabi na lang niya bigla" pagpaliwanag ni Key.

"This isn't happening" parang hysterical itong si Audrey habang palakad lakad, kinailangan kong umatras ng kaunti para makapagtago. Inayos niya yung buhok niya saka niya pinunasan yung mukha niya, kalat na yung make-up niya ngayon.

Lumapit na lang si Audrey kay Key, I was expecting her to slap Key but she didn't do it. Hinawakan niya lang sa braso si Key. "It's okay Key, it isn't your fault" nakita kong medyo nangiti ng kaunti si Key. Pati ako medyo relieved, so she's moving on? Part na ba ito para i-comfort ko na siya?

"As long as you don't like him I won't give up" ngumiti si Audrey. "Right? I know you'd support me as a friend, best friend. I'll let it slide, infatuation lang yun. Eventually it will fade then I can once again make my move on him" then niyakap niya ulit si Key.

"Pero Audrey" sabi ni Key, pero tumingin si Audrey sa kanya, nakangiti pa rin si Audrey, nakita kong nagpumilit na ngumiti si Key. "I'll be glad to help" niyakap niyang pabalik si Audrey.

Oh gosh Key, ilang lies na ba ang nasasabi mo?

Nagpaalam na lang si Audrey at nakita kong naghiwalay na sila. Tumakbo ako ng mabilis saka ko hinablot si Key hanggang sa makarating kami sa library.

"Key, ano ka ba? Nagsinungaling ka na naman" mahina kong sinabi sa kanya. Hindi siya nag-move kahit kaunti, nakayuko lang siya. Guilty pa rin siguro, then napansin kong may tumulo na lang bigla na luha galing sa kanya.

"Ano ba ang gagawin ko Chace? Ayokong masaktan si Audrey pero ayokong isuko si Hero. Pero nagui-guilty na talaga ako, naiisip ko yung agreement natin at lahat pa ng times na nagkakasama kami ni Hero and I can't do a thing except to hide it from my best friend" napa-facepalm na lang ako. Hindi ako magaling mag-comfort ng babae kapag umiiyak sila.

Paano ko siya sesermonan ngayon?

"Kailangan mong mamili Key" mahina kong sinabi. "Alam kong mahirap pero kailangan, si Hero or si Audrey?" at dahil doon, lalo lang na umiyak si Key. Good job Chace, pinalala mo lang talaga.

"Hindi ko kayang i-give up si Hero ngayon, lalo na at may possibility na magkagusto siya sa akin, pero si Audrey" I feel sorry for Key, I know she's torn... really torn.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon