Hopeless Romantic

3.9K 181 34
                                    

Chace's POV

Ngingitian ko siya, iirapan niya ako... Kakawayan ko siya, dededmahin niya ako. Yung totoo, saan ako lulugar? Kapag ba sasabihin ko na ang tanga ko, pang-ilang beses na yun? Quotang-quota na ako eh.

Napakaliit na nga lang ng pag-asa na magustuhan ako ni Key tapos ngayon nainis pa siya sa akin. Kasi naman sa sobrang katangahan ko lampas na ako sa quota. Ihahatid ko lang sana siya, magpapaalam tapos ayun... pero ano? Kung anu-ano pa ang lumabas sa bibig ko.

"Mahal kita pero di kita makuha"

Mukhang nagulat si Key sa sinabi ko at agad siya na umiwas ng tingin. "Chace, alam mo naman na ayokong pag-usapan yan" Sino naman ang may gusto? Kahit ako ayoko eh, sadyang di ko lang nakontrol etong bibig ko.

"Bakit? Kasi naguguluhan ka? Kasi nalilito ka?" sige lang, hirit pa. Tingnan ko lang kung may marating ako.

"Chace, please lang" napasimangot bigla si Key. Tatalikod na sana siya pero hinawakan ko yung braso niya kaya napahinto siya.

"Alam kong gusto mo si Hero pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ka na pwedeng magkagusto sa akin"

Sa lahat ng mga bagay na lumabas sa bibig ko, eto na yata ang pinakanakakaloko. Walang basehan yung sinabi kong 'yun, di ko rin alam kung saan nanggaling 'yung lakas ng loob ko para sabihin yun.

"Anong kalokohan yan Chace?!" naiinis na sinabi ni Key habang hinatak niya palayo yung braso niya. Tama siya, kalokohan nga 'yun pero pinaniniwalaan ko naman.

"Kaya mo ba akong tingnan ng derecho at sabihan na di mo ako gusto at wala akong pag-asa sa iyo?" seryoso kong tanong sa kanya.

Sumama lang 'yung tingin niya sa akin. "Gusto ko si Hero" sabi niya habang nakatingin lang siya sa gilid.

"Hindi 'yun 'yung tinatanong ko" sagot ko sa kanya.

"Ayoko ng pag-usapan pa ito Chace!" malakas niyang sinabi.

"Kahit konti lang ang pag-asa ko di kita susukuan Key. Hinding-hindi" hangga't di pa niya sinasabi sa akin ng derecho na sila na ni Hero ay di ako mawawalan ng pag-asa sa kanya. Desperado na kung desperado pero kahit corny mang pakinggan, usapang pag-ibig pa rin ito.

"Give up Chace. Wala ka ng aasahan pa" Masakit pakinggan pero hindi ko yun pinahalata sa kanya. Isa pa, kulang ng kamandag yung pagkakasabi niya.

"Liar"

Pagkatapos noon ay tinalikuran na lang ako ni Key at pumasok na siya sa bahay nila. Tumalikod na rin ako at saka ako naglakad pauwi. Ang loko ko rin eh, ngayon may parte sa akin na nagsisisi na napagalit ko ng ganun si Key.

Ngayon eto ako, nganga. Ayaw talaga akong pansinin ni Key. Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch ngayon at kasama niya si Hero. Usually kasabay rin nila ako eh kaso nga lang hindi ngayon, not after I said those words to Key. Di ko nga rin alam kung sinabi na niya kay Hero eh, baka masumbong pa ako ng di oras. Pero alam ko naman na mas pipiliin ni Key na sarilihin na lang yun.

"Hoy Chace, di kaya matunaw naman si Key diyan sa ginagawa mo?" muntik ko ng maluwa yung kinakain ko dahil biglang nagsalita etong si Chen. Nakalimutan kong kasabay ko nga pala eto.

"Di ako nakatingin, wag nga kayong magsabi ng kalokohan" a lie.

"Wala kang maloloko, kanina ka pa eh. Mukha ngang nag-away kayo eh" sabi naman ni Deo.

"Hindi nga, wag kayong magulo" another lie.

Sakto naman na napatingin ng saglit si Key sa may mesa namin, nginitian ko siya ng bahagya pero tumalikod na lang ulit siya na para bang di man lang ako nakita. "Sige Chace, magsinungaling ka pa. Kunyari di namin alam ni Deo na nagalit sayo si Key" mahina namang natawa si Chen at sumunod naman si Deo.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon