Kuwento ni Lola Basya #1- Ang Kaibigan kong si Casper

5.3K 63 8
                                    

"Wala sa likod wala sa harap pag bilang ko ng sampu nakatago na kayo. Isa, tatlo, sampuuuu." At dahil nayayamot na ako at gusto ko ng matapos ang laro namin mas bilisan ko na ang pag bibilang dala na rin ng pag hihimotok ng tiyan ko senyales na gutom na ang mga alaga ko.

"Huli ka!" napalikwas sa pag-tatago si Ciara sa likod ng puno dahil nakita ko siya busangot ang kanyang mukha dahil siya ang una kung nakita.

"Tsss! Ako talaga una linya huh. Hanapin mo na iyong iba at gumagabi na rin mamaya uuwi na tayo." Ayan na naman siya sa tawag nila sa akin kung bakit ba kasi sa dami ng puwede ipangalan Line pa talaga.

"Hoi! Tulala lang ineng sabi ko hanapin muna si Casper at Khira pero good-luck na lang magaling mag tago ang kambal na yun."

"Oo, alam ko mauna ka ng umuwi huhuntingin ko pa yung dalawa."
-
Sheemmms! yung dalawa talaga masyadong ginalingan kanina pa ako nag hahanap sa lawak pa naman ng gubat na ito hindi ko tuloy alam kung saan pa ako pupunta para lang mahanap ko sila. Unti-unti na akong nangingilabot dulot ng pag yapos sa akin ng malamig na hangin isabay pa ang mumunting huni aking naririnig.

"Casperrrrr! Khiraaaaa! Saan na kayo? please naman lumabas na kayo guyyyssss." Ngunit sa kasamaang palad wala akong narinig na sagot kaya minabuti ko muna mag pahinga sa ilalim ng puno.

Krrrrriiinngggggg! Nabalikwas ako sa pag-kakaupo dahil sa may tumatawag sa akin.

"Hello? Woi linya nandito na si Khira kanina pa umuwi ka na dito."

"Ciara! Paano si Casper?" Pag-alala kung tanong isa kasi siyang espesyal na tao hindi tugma ang kanyang laki sa kilos batang pag-iisip niya ngunit kahit ganun mahal na mahal ko pa rin ang best-friend ko.

"Tsss, hayaan muna na lang uuwi din naman siguro yun."

"Pero Ciara naman alam mo naman kalagayan niya." Ngunit pinutol na ni Ciara ang tawag at kamalas malasan din naman sinabayan pa ng pag-iyak ng langit ang pananatili ko sa gubat na ito *bangggg* isa malakas na kalabog ang aking narinig dahil sa pagiging matatakutin agad-agad akong tumakbo ng mabilis hindi alintana ang maputik na daan.

-----
*tik tok tik tok* napalikwas ako sa aking kama sa panaginip ko na naman kasabay nito ang pag patak na aking mga namumuong pawis. Dalawang taon ang nakakalipas pero hindi parin ako nakakawala sa rehas ng nakaraan dahil sa nangyare kay Casper ang kaibigan ko ng matay sa pag kakabagog ng ulo dulot ng malaking bato ng gabing iyon.

"Li--Liyaaa halika laro tayo." Ayan na naman si Casper garagal ang kanyang boses, may pumatak na dugo sa kanyang mukha at puno siya ng galos hanggang ngayon suot parin niya ang pulang damit na regalo ko sa kanya. Tumingin ako sa orasan sa tabi na aking kama alas dyes na pala ito yung oras dalawang taon na ang nakalipas ng pinili namin mag laro sa gitna ng gubat at kung saan ang gabi ng mamatay si Casper.

"Oo, sige halika mag laro tayo." Wala na akong nagawa pa kung hindi ang pumayag sa munting hiling niya sa akin sapagkat baka kung ano pa ang gawin ng masamang kaluluwa niya sa akin.

Mga Kuwento ni Lola BasyaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant