「 jin 」

1.5K 15 9
                                    

Wassup so as you guys can see this is chapter is all about you and jin💞and this chapter is going to be tagalog, and this time itrtry kong walang english na kasama, T R Y ko lang😂SANA MAGUSTUHAN NYOOO😘

Also kailangan nyong ipatugtog yung kanta para mas feels nyo habang nagbabasa kayo,trust me💖
Y/n's POV
"Y/n ayaw ko na.."nanahimik ako at napabuntong hininga nalang..

"Pero..jin"gusto kong umiyak ng umiyak ngayon kaso nasa park kami

Sabi nya kasi sakin gusto nyang makipag usap sakin

Kakabalik nya lang last week galing sa america..sabi nya may gusto daw syang sabihin..

"Y/n ikakasal na ako..bukas sa araw ng pasko.."

"Pano yung pangako mo sakin dati?"suminghot ako at pinigilan kong umiyak

"Y/n alam kong may pangako ako sayo dati, at alam kong mahal mo pa ako..sorry kung nasasaktan kita.. kaso hindi na kita mahal y/n"

Kung naguguluhan man kayo..eto ikwekwento ko

4 years ago..nangako si jin na pakakasalan nya ako, naging mag girlfriend at boyfriend kami for 3 years..kaso kaylangan na nyang pumuntang america

At wala akong magawa kundi suportahan sya, kailangan sya sa america para sa business ng kanilang pamilya

Nangako sya dati sakin na babalik sya, at pakakasalan nya ako..

At ngayong bumalik sya last week..sobrang saya ko dahil bumalik ulit sya

Kaso sa oras ng paguwi nya last week hindi man nya lang ako tinawagan o pinuntahan

Nagtaka din ako dun syempre..tinawagan ko sya at pinuntahan sakanila kaso iniiwasan nya ako at hindi ko alam kung bakit

Kaya ngayong sabi nyang may sasabihin sya

Sobrang saya ko dahil makikita ko na ulit sya

Kaso ganito lang pala..nakikipagbreak na pala sya sakin

At nung mag tatatlong taon na sya sa america bigla nalang nawalan kami ng conection sa isat isa..at sobrang lungkot ko noon hangang ngayon..hindi ko aakalain na ikakadal na sya sa iba

So ayun..hindi na kami..wala nang "kami"

Flashback
"Pinapangako ko y/n, babalik ako"ngumiti sya at hinalikan ako sa noo

"At pinapangako ko na sa oras na pagbalik ko dito sa seoul..pakakasalan kita"tumulo ng kusa ang luha ko sa saya at lungkot

"Mahal na mahal kita y/n, tandaan mo yan..kahit anong mangyari mahal na mahal kita"ngayon ay hinalikan nya naman ako sa labi

"Wag ka nang umiyak"ngumiti sya at pinunasan ang mga luha ko

"Mahal na mahal din kita, wag mo akong kakalimutan ha"ngumiti din ako at niyakap sya ng mahigpit bago sya sumakay sa kanyang eroplano

end of the flashback
"Patawarin mo ako y/n..kalimutan mo nalang ako"sabi nya, tumingin ako sakanya habang tumutulo ang luha ko

Napabuntong hininga sya nang makita nya akong naiyak

"Y/n wag kang umiyak please..kalimutan mo nalang ako, kalimutan mo nalang ang lahat ng pinagsamahan natin at kalimutan mo nalang na naging tayo"

Gusto ko syang sampalin

Tinaas ko ang aking kanang kamay at handa nang sampalin sya

Pinikit nya ang mga mata nya at humanda na sa kamay ko

Pero hindi ko magawa..at kusa nalang gumalaw ang katawan ko at niyakap sya

Jin's POV
Bigla kong naramdaman ang puso kong tumitibok ng mabilis

"Y-y/n"ramdam ko namang basa na ang damit ko sa mga luha nya

Nakayakap sya sakin ngayon..niyakap ko sya pabalik kasi alam kong mamimiss ko sya

"Wag mo sana akong makalimutan jin.."mas bumilis ang tibok ng puso ko

Bigla nalang akong kinabahan..at ramdam kong may masamang mangyayari..pero hindi ko nalang ito pinansin at inilayo na si y/n sakin

Naramdaman ko agad ang katawan kong nanlamig at gusto pa ang yakap ni y/n..

"Tandaan mo..mahal na mahal kita kahit anong mangyari"nakaramdam ako ng sakit sa puso ko ng makita ko syang umiiyak habang may malungkot na ngiti sa labi nya

"Paalam jin..at merry christmas"

• Bts Angst •Where stories live. Discover now