CHAPTER 1: The Beginning

14K 119 3
                                    

LALISA's POV

Ngayon yung first day namin sa school. Nandito pa ako sa bahay kasi, 10am pa naman yung klase ko. Nanunuod lang ako ng cartoons sa tv. Habang nag iintay mag 9:30 yung wall clock na nakasabit sa taas ng tv namin. 8am pa lang kasi ngayon, ang aga ko lang talaga nagising kanina kasi medyo excited akong pumasok.

"Lis, aalis na ako." Sabi sakin ni Papa.

"Ingat." Tipid kong sabi sakanya. Nag tatrabaho kasi sya sa company nila nung kumpare nya. That means pag aari nila yun. Si Papa yung CEO, kasi halos sya naman ang gumawa lahat doon.

"Ate, ano ka ba bata?!" Sabi ng mumukat mukat pang si Rosé na nakatayo sa gilid ng sofa kung nasaan ako.

"Pakialam mo ba?" Sabi ko sakanya.

"Ang aga mo ah. Di halatang excited ka." Sabay hikab pa tapos nag lakad na.

"Mag ayos kana Rosé! Kung gusto mong makasabay sakin!" Sigaw ko sakanya, papunta na kasi syang kusina.

Nanuod na lang ulit ako. Nakataas pa yung paa ko sa sofa. Inaantok pa kasi ako eh. Malapit na nga akong mahiga dito. Tsk. Tagal ng oras!

"Lalisa Manoban, umupo ka nga ng maayos. Yung uniform mo gusot gusot na oh." Bigla naman may nasulpot sa gilid ko.

"Okay lang yan Kuya Jiyong. Inaantok ako eh." Sabi ko sakanya.

"Ts. Ewan ko nga sayo. Papasok na ako. Ikaw na bahala kay Rosé ah. Isabay mo na lang yun pag pasok mo." Sabi nya tapos lumabas na. May narinig akong naandar na kotse. At si Kuya Jiyong nga yun.

Ang totoo, ang laki netong bahay na tinitirahan ko ngayon. Pero, hindi diba halata na mayaman ako? Sa kilos at salita. Haha. Hindi naman kasi talaga ako dito lumaki kagaya nila Rosé at Kuya Jiyong. Oo, mga kapatid ko sila. Pero half bro at sis lang. Parepareho kaming anak sa magkakaibang babae. Astig ng tatay namin no? Haaays. Puro panganay ang anak.

Wala kasing asawa si Papa. Yung Mama ni Kuya Jiyong, kaibigan daw ni Papa nung high school sila. Tapos yung Mama ko naman, schoolmate ni Papa nung college sila. At yung kay Rosé naman, isa sa naging secretary nya noon. Buti na lang at hindi nag mana si Kuya Jiyong kay Papa. Lahat naman kaming tatlo, ngayon lang tumira dito sa bahay na to na magkakasama. Kasi dati, simula pagkaanak samin, sa mga nanay namin kami lumaki. Si Rosé, mayaman naman talaga sya. Si Kuya Jiyong, ganun din naman kaya hindi na bago sakanila dito, ako? Naninibago ako. Kasi, hindi naman kami mayaman noon bago ako kunin ni Papa sa mga kamag anak ni Mama. Wala na kasi si mama simula nung 5 years old ako. Kaya mga kamag anak nya na lang ang nag palaki sakin.

Gusto na daw mag bagong buhay ng ama namin, kaya kinuha nya kami. Gusto nya din kaming makasama kaya nandito kami. Saka mabuti nga at nakilala ko na si Papa, kahit paano naramdaman ko ang pag mamahal ng magulang.

Oo nga pala, ako si Lalisa Manoban. Bisexual ako at proud ako don. Yung kaninang batang babae, si Rosé Manoban. Tapos yung kuya naman namin, si kuya Jiyong 'GD' Manoban. Gamit na namin yung apelyido ni Papa, sya na kasi ang nag ayos nun.

Sa iisang school kami papasok ngayon. Sa Chun-Jeon University kami mag aaral. Si Kuya Jiyong, 4th year na sya at doon talaga sya nag aaral. Ako at si Rosé, 1st year college pa lang. Tumigil kasi ako ng isang taon kaya nagkasabay na kami ni Rosé.

"Hoy! Nakatunganga kana naman dyan! Hindi pa ba tayo aalis?! 9:40am na oh!" Sabi sakin ng umepal kong bestfriend.

"Panira ka naman eh!" Sabi ko sakanya.

"Kyaaaaah! Hi Ate Jisoooo!" Sigaw ng isa pang nasulpot sa living room.

"Hello Rosé. Oh, ready kana pala. Tara na. Pumasok na tayo. Baka malate pa tayo." Sabi ni Jisoo.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now