CHAPTER 7: Team Olrayt!

2.4K 48 0
                                    

JISOO's POV

"Hoy! Intayin nyo ko!" Sigaw ko kina Lisa na may balak yatang iwan ako. Tsk!

"Bagal! Sakay na bilis!" Sigaw ng inis na inis na si Lisa.

Naupo na ako sa backseat katabi nina Bambam at Jin. Si Jennie kasi yung nasa harap, katabi ni Lisa.

"Hello manang Olga. Wag na wag po kayong makikialam dun sa dalawa na nasa kusina ah. Sila ang mag lilinis nun! Parusa nila dahil di ako nakakain!" Pag sasabi nya sa kabilang linya sa katulong nila sa bahay.

Yung mukha nya, iritang irita. Puro 'Tsk!' 'Ts!' 'Asar!' 'Bwiset!' Yung maririnig mo sakanya. Ganyan kasi yan kapag gutom na gutom na. Umasa pa syang makakakain sya kanina yun pala hindi. Si Jungkook kasi eh! Pati yung Irene, aysh. Hindi talaga nag papatalo sa isa't isa. Pero,

Hindi nila alam, isa lang yung gusto nilang lutuin. Isa lang yung kagustuhan nila sa buhay nila. Halata naman, may mga sobrang pagkakapareho sila.

Hindi nila alam, nag hahanapan lang silang dalawa. Silang dalawa? Para sa isa't isa. Balang araw, makikita din nila ang hinahanap nila. Makikita nila, ang sarili nila sa isa't isa.

Sayang, crush ko pa naman si Jungkook. Haha! Kala ko sakin yung gwapong yun eh. Hindi siguro? Pero, baka may chance?! HAHAHA.

*boink!

"Kim Jisoo?! Uy! Gising!" Sigaw sakin ng kaharap kong si Lisa. Natauhan ako sa pag batok nya sakin eh.

"Problema mo?!" Sigaw ko na medyo irita sakanya.

"Bilisan mong kumain!" Sabi nya.

Napansin ko naman na tapos na silang lahat. Ako na lang pala ang hindi pa. Hays.

Sa sobrang pag iisip sa bagay bagay nakalimutan ko nang kumain.

"Oo na! Tsk!" Sagot ko.

Teka nga! Masarap to eh! Walang magulo, lalamon lang ako. Libre pa naman to ni Lisa. Swerte ko ngayon! Hahahaha.

----------

JENNIE's POV

Kamusta na kaya si bestie dun? Hays. Bwiset kasing Evil Guy na yun eh! Kung nag luto na lang sya at hindi inasar yung bestfriend ko, edi sana hindi naging ganto yung sitwasyon.

Pero, sabi naman sakin ni Lisa...

FLASHBACK

"Lisa?" Tawag ko sa pangalan nya. Naiwan kasi kami sa table dito sa canteen. Si Bambam at Jin ang inutusan nyang bumili. Kasama nga namin yung bestfriend nya dito sa table pero parang sobrang lalim naman ng iniisip kaya wala lang din.

"Oh bakit?" Tanong sakin ni Lisa.

"Kapag may nangyaring masama sa bestie ko malalagot k--" naputol yung sasabihin ko ng mag salita sya.

"Wag kang mag alala, walang mangyayaring masama sa bestfriend mo. Kasi kung meron man, sakin mananagot yung lalaking yon." May diin na pag kasabi ni Lisa. Eto nanaman yung pakiramdam na parang may iba? Psh!

"Uy guys! May babalita kami." Sabi ng kakarating lang na si Jin kasama si Bambam.

"Ano yun?" Walang kagana ganang tanong ni Lisa. Nilapag na muna nila yung mga inorder namin sa lamesa saka sila umupo.

Si Jisoo? Ayun. Tulala pa din. Ano kayang nangyayare sa isang to? Nababaliw na kaya sya?

"Ayusin nyo yan ah! Kundi yare kayo sakin!" Pag susungit ko sakanila.

"Anong gusto nyong unahin, Goodnews? Badnews?" Tanong ni Bambam.

"Goodnews." Sagot ko agad. Napakabagal kasi eh. Nagugutom na ko. -____-

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDWhere stories live. Discover now