Chapter 35: Partners in school

1.4K 28 0
                                    




JENNIE's POV

Balik na kami sa pagiging estudyante namin. Tapos na kasi lahat ng course mag camping.

Mabuti naman at lahat ay nakauwing ligtas. May isang linggo din kaming pahinga nun. Ang balita ko wala daw Nagsipasok nung mga sumunod na araw matapos naming magcamping dahil sa sakit ng buong katawan, pagod at lagnat.

Ngayon, eto na ulit kami. Kumpleto, himala. Anong meron ngayon? Wala yatang absent? Puno yung room namin, walang vacant seat. Wala din late?! Wow!

Mukhang naging responsable sa campsite etong mga classmate namin ah. Ang balita ko, karamihan sakanila naparusahang nilublob ng mahabang oras sa tubig na maputik na mabaho pa. Kadiri! Hays.

Mga pasaway e. Pero, ngayon. Nag tanda na yata tong mga ugok na classmate namin. Hahaha. Buti nalang mabait sila Lisa, at hindi sila kasama sa mga nailublob.

Ayy! Teka, Bakit ba napunta nanaman kay Lisa??! Nakakainis naman oh! Kahit ilang beses kong itaboy, bumabalik at bumabalik yung panget na yun! Tsk.

"Oy, bestie! Ang layo nanaman ng isip mo?! Bakit nanaman ba?" Nabalik ako sa Earth ng marinig ko syang mag salita.

"Ah, inaantok lang ako bes." Palusot ko nalang.

"Goodmorning class!" Bati samin ng kakarating lang na si Maam Ji Hyun.

Yung prof na punterya lagi si Lisa. Ano kayang meron sakanilang dalawa? Hula ko may kakaibang nangyayare talaga sa dalawang yun.

"Kamusta bakasyon? Tagal nyong nagsipasok ah." Sarkastiko nyang tanong.

Walang Nag sasalita saming lahat. Sila Lisa, tahimik lang din. Si Jungkook naman, parang hindi nanaman sya takot. Parang May hawak nanaman syang alas sa bagong prof na to. Na kapag sinungitan o sitahin sya, mapapalayas nya na lang agad agad. Baka katulad lang ng dati? Lahat ng ng prof takot sakanya e.

"Bakit Di kayo nagsasalita? Hmm, by the way. Hayaan nyo na nga. Eto, May isang linggo kayong activity sa akin dahil sa hindi kayo Nagsipasok last week." Panimula ni Maam.

"By group maam?"

"Reporting po?"

"Solo lang maam?"

Mga tanong ng iba kong classmate.

"By partner ang Gusto ko. At hindi sya reporting." Sagot ni Maam.

"Kami pipili Maam db?" Paninigurado ng isa, na gusto ko din itanong.

"Hindi. Ako ang pipili ng kapartner nyo. Wala akong maririnig na reklamo." Sabi ni Maam Ji Hyun na seryosong seryoso. Mukhang badtrip sya sa naunang section na pinasukan nya. Tsk!

"Okay, then. Simulan na natin ang pagpapartner sainyo." Sabi ni Maam Ji Hyun habang hinahanap yung record nya saamin.

Nang Nakita nya na. Nag simula na syang mag partner.

"Abien with Auckie. Come here." Utos ni Maam.

May instruction atang binigay si Maam Ji Hyun sakanila saka na sila pinalabas ng room.

"Next, Beom with Phuvakul. Come here." Sunod nyang sinabi.

Katulad kanina, ganun din ang sinabi sakanila. Parang okay lang kay Bambam ang kapartner nya. Halatang aasahan nya lang yun e, dahil matalino talaga si Beom.

"Next. Lee Hi with Kim Seok Jin." Patuloy na pag tawag ni Maam.

May sinabi sakanila si Maam. Pero, hindi sila lumabas ng room. Nag tabi sila sa upuan, tapos may sinusulat. Halatang ayaw nila pareho sa isa't isa. Mukhang napilitan lang sila sa pagiging magkapartner nila.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang