Chapter 37: The Search

1.1K 22 0
                                    



LALISA's POV

Pasukan na ulit. Tapos na ang bakasyon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na mag papasukan na o hindi e. Makikita ko nanaman sya. Makakasalamuha araw araw.

Matapos kasi yung isang linggong mag kapartner kami, Wala nang pagkakataong dumating para saming dalawa. Parang mas lalo syang naging ilag sakin, kaya napadalas na din ang hindi ko pag pasok nung mga panahon na iyon para hindi ko lang sya makita. Nasasaktan ako, sobrang sakit.

Hanggang sa nag bakasyon na Wala akong kabalita balita sakanya.

At eto nasa school na kami nila Chichu. Hinahanap yung room namin. Kinakabahan ako, baka makita ko sya. Hays.

Matutuwa akong makita sya, makasama ulit pero alam kong masasaktan lang din ako. Ano bang dapat?

"Hanapin natin sila Jennie, Lisa." Sabi ni Jisoo.

"Oo nga ate. Baka matulungan nila tayo." Dagdag ng kapatid ko.

Hindi nalang ako sumagot. At sinundan nalang silang hanapin sina Jennie.

Nag lakad lakad kami, sa canteen, sa gym, sa computer lab at sa mga rooms. Masyadong madaming tao, pero sa dami ng yun alam kong wala sya. Hindi ko maramdaman yung presence nya.

Pero, nung paakyat na kami sa hagdan papuntang 4th floor..

Nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko maipaliwanag na kaba.

"Uy. Lis!" Bati sakin ni Lizy.

"Anong section mo?" Tanong ni Shewy.

"Section B. Kayo?" Sagot ko sakanila. Nasa gitna kami talaga ng hagdan nag uusap.

"B din. Mag kakaklase ulit tayo." Nakangiting sabi ni Lizy.

"Uh? Nakita nyo sila Jennie? Anong section nila?" Bigla kong natanong.

"Ah, sila Irene. Oo, nandyan sila kanina. Ewan ko nalang ngayon. Section A kasi sila e." Sagot ni Shewy.

Aww. Parang bigla nalang akong nabagsakan ng langit at lupa. Ibig sabihin.. hindi kami magkaklase?


Lumayo sya? Akala ko hindi madadamay yung pagkakaibigan nila ng mga kaibigan namin dahil lang sa lintik na nararamdaman kong to! Pero, hindi.

Pati sila nadadamay, nahihirapan sa sitwasyon namin.

"Bro, okay ka lang?" Tanong ni Bambam na nakapagpabalik sakin sa Earth.

"Ayus lang." Walang gana kong Sagot. Nasa room na kasi kami. Nag intro na yung prof, first day Nag discuss.

"Wag mo na munang isipin yung pag lipat nila Jennie." Sabi ni Jin.

Hindi na ako Nag salita. Nanghihina ako. Hindi ako sanay na ganto yung room. Wala yung nagbibigay buhay sa antok kong nararamdaman tuwing May klase. Hindi na ako makakaramdam ng pagkaexcite tuwing papasok ako, kasi Wala naman nang kasiguraduhang makikita ko sya. Wala na akong tititigan sa room kapag naboboring ako. Hindi ko na makikita yung ngiting Nag papabuo sa bawat araw na dumadaang nakikita ko sya.


Hindi ko na makakasama yung babaeng mahal ko. Nakuntento man ako nababantayan sya kahit malayuan, nakasanayan ko pang tignan sya araw araw at sumaya tuwing marinig syang tumatawa.. ngayon, lahat ng yun tapos na. Wala na. Hindi na mauulit pa.

Hiraap!

Ang hirap ng hindi mo na magagawa yung mga bagay na nagagawa mo noon. Pati yung simpleng kasiyahan ko na ganun lang, nawala pa saakin. Di na nga ko naghangad, nakuntento na nga, nawala pa. Tadhana naman oh! Hays.

.

.

Ilang araw din naming hinagilap sina Jennie ni Chichu. Dalawang linggo na nga e, hindi ko pa rin sya nakikita. Ganun ba sila kaiwas saamin?

"Nakita nyo?" Tanong ng best friend ko kina Jin.

"Negative." Sagot nya.

"Pumasok kasi kayo ng maaga, para naaabutan nyo." Sabi ni Bambam.

"Wow. Nag salita ang di nalelate." Sabat ni Jungkook na busy sa phone.

"Eh, hindi ko naman sila hinahanap e." Sabi ni Bambam.

"Osige, bukas Lisa pasok tayo maaga." Sabi ni Chichu.

"Bakit ba gustong gusto mong makita sina Jennie?" Tanong ko. Oo yung best friend ko talaga nag iinsist na hanapin namin sila. At sya talaga ang gustong makakita kay Jennie, na gusto ko din naman pero konti lang.


"Wala. Namimiss ko na sila kasama e. Nag sasawa na ako sa pagmumukha nyong apat." Sagot nya.

.
.

Kinabukasan.

"Tara na!" Sabay hila sakin ni Chichu paakyat sa 4th floor.

"Oy teka lang!" Napalakas kong Sabi. Kaladkarin ba naman ako.

Pero parang Wala syang naririnig.

Nang makaakyat kami sa 4th floor. 10:45am, Nakita ko sa labas ng room namin si Rosé at Jungkook, na nakatingin sa loob ng room.

Habang palapit kami sakanila, nakaramdam nanaman ako ng kaba. Dahan dahan ako lumingon sa direksyon kung saan sila nakatingin.

"Jennie." Bulong ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Wala akong ibang nakikita kundi sya lang. Nag laho lahat ng Nasa paligid nya at paligid ko.

Napako yung mata ko sa babaeng walang kamalay malay na tinititigan ko sya mula sa malayo.

Sobrang namiss ko yung ganito, yung tititigan sya mula sa malayo nang Hindi nya alam.

Hanggang sa...

"Lisa." Hila sakin ni Chichu. Dumami na pala yung tao, daan dito, daan doon. May mga Nag stay sa gilid at gitna, ang dami naman.

"Uwian na kasi e. Dami nanamang estudyante." Sabi ng kapatid ko.

"Tara na, alis na muna tayo dito! Ang init!" Sabi ni Jungkook at nag simula ng mag lakad.

"Labasan na nila!" Natarantang Sabi ni Chichu. Pilit syang dadaan sa maraming tao Pero hindi sya makadaan.


Nakita ko ngang Nag labasan na, Pati sila Jennie palabas na. Sinisilip ko pa sya nang biglang nagharangan yung mga unggoy.

"Nawala na parang bula." Nanghihinayang na sabi ng best friend ko.

"Pumasok na nga tayo." Sabi ko saka Nag diretso sa room. Sila Chichu rin Pumasok na muna.

Nang bumalik sa isip ko yung nangyare, ni hindi ako makagalaw kanina. Nabato ako sa kinatatayuan ko, sobrang kinakabahan akong Nakita ko sya ulit.

.

.

Dalawang araw, hindi na muna namin hinanap sila Jennie. Lagi kasing palpak. Pahinga daw muna kaya hindi ko narin muna sya inisip.

Isang araw hindi kami Nag sabay ni Chichu Pumasok dahil may 9am syang klase ngayong araw.

Nang makarating ako sa CJU, dumiretso na ako agad sa room dahil 10:55am na. Hindi na rin ako umasang makita si Jennie ng malapitan. Siguro dapat na kong masanay sa ganto.

Pag kadating ko sa tapat ng room saktong Nag lalabasan pa lang sila, at Wala pang masyadong tao sa labas na nakakalat. Maaliwalas pa yung daanan, Nasa kabilang gilid ako ng room para nakikita ko yung mga lumalabas at dumadaan.

At nanlaki ang mata ko nang dumaan sila sa harapan ko.

Hindi man nila ako pinansin, alam kong alam nilang nandoon ako. Nararamdaman ko kasi yung awkward feeling ni Jennie.

Napangiti nalang ako kahit masakit. Masaya akong nasasaktan. Nakita ko sya kahit para lang akong invisible sakanya.

Hanggang sa ganun na lang palagi ang nangyayare. Lagi kaming Nag aantay sa uwian nila. Pag kasama ko sina Chichu at Rosé, pinapansin nila.. sila. Pero pag kaming apat mag kakasama nila Jungkook, parang Wala silang nakikita.

I Thought You're Just Nobody (JENLISA) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon